Dumadagundong na tawag ang natanggap ko mula kay Engr. Dionysus. Ngayon ang meeting ng Engineer Firm sa H&H Hotels dahil sa project namin sa Makati. We must give them a good impression — that’s the goal.
Eto ang pinakamalaki kong project na makukuha biglang Engineer kaya hindi ko mapigilang manginig sa takot.
“Engr. Castor, lahat nandito na. Baka naman iniisip mo pang VIP ka?” Hindi ko na nagawang sumagot. Nagmamadali kong tinakbo ang building na nasa harapan. Kailangan kong magmadali. Hindi magandang ako ang baguhan at ako pa ang paimportante.
Bali-baliko man ang lakad, pinilit ko ang sariling makarating sa lugar na may sapat na confidence sa katawan. Hindi na lang ako isang estudyante, isa na akong propesyunal. But then, I can’t hide the fact that I am a late-comer.
Dali-dali akong lumusot sa pinto para sana hindi mahalata ngunit tila mata ng lawin na agad ang sinalubong sa akin ni Engr. Diony.
Hindi pa man nagtatagal mula noong nagsimula ang meeting nang dumating ako. Mayroong isang pormal na lalaki na nagsasalita sa harap, nagbibigay ng napakaraming paliwanag tungkol sa pinal na gagawin sa susunod nilang hotel.
Antonio Hernandez, in his black tuxedo is a well-known man na nagmamay-ari ng siyam na hotel dito sa Pilipinas.
Napakagara nang tindig at tingin ng lalaki. Sanay na sanay itong humarap sa napakaraming tao, isa sa mga rason kung bakit umarangkada sa masa ang hotel niyang pagmamay-ari.
“You see, ito ang magiging pangsampung hotel ng mga Hernandez and I want it grand. Isa pa, naglalakihan na rin ang mga hotel sa Makati kaya ayokong maging parang kuting na biglang sumulpot doon.”
Mariin lang akong nakatingin sa lalaki. Bawat bigkas ng bibig niya ay inaabangan ko talaga. Everything he says seems a law to me. Kahit sinong makakarinig ng boses na iyon ay paniguradong mapapahinto sa ginagawa at mapupwersang makinig.
Ang H&H Hotel ay sikat sa buong Pilipinas. Batay sa mga impormasyong nakalap ko, mayroon silang hotel sa Batangas, Manila, Cebu, Aklan, Bicol, Quezon City, Mandaluyong, Marikina at Alabang. All of them are five-stars.
Kabilib-bilib ding kahit paano pa ito karangya ay magaling pa rin siyang makitungo sa mga tao.
Sa yaman ng kaharap, mukhang kahit hindi na siya gumalaw sa isang araw ay milyon-milyon pa rin ang pumapasok sa bank account niya.
“Alam kong hindi namin ito magagawa at talagang suswertehin kundi dahil sa aking anak. He actually told me na hahabol siya to meet your group, Engr. Diony. Siya rin kasi ang hahawak sa project na 'yan. Magkakasundo kayo!”
Nagpalakpakan at nakitawa ang lahat, sumabay na rin ako. The place was full of sophisticated and high-end people. Nakakapanibago.
Hindi pa ako nagtatagal sa upuan nang maramdaman ko ang pagba-vibrate ng sariling cellphone — it was my friend calling, si Sierra.
Bigla akong nakaramdam ng excitement sa babae kaya agaran akong umisip ng paraan para makaalis sa lugar. I need someone to talk to kaya mabilis kong pinuntirya ang pinto. That’s the only way I could be free from this place.
Nakakakaba ang napapaligiran ka ng mga ganitong klaseng tao.
Hindi ako nagpapigil sa nararamdaman, mabilis kong ini-slide ang screen ng cellphone para masagot ang tawag at patakbong tinungo ang pinto habang nakayuko.
Nasa ibang bansa ngayon si Sierra kasama ang pamilya kaya iniisip ko pa lang kung ano na naman ang maaari nitong ikwento sa akin ay hindi na ako mapakali.
Sa pagmamadali ay hindi ko na nakitang bumukas ang pinto ng conference hall. Iniluwa ng pintong iyon ang isang lalaking pormal din ang ayos at nakatuxedo at dahil hindi ko aware dahil aa oagmamadali at pagyuko ay hindi ko na tuluyang nakontrol ang sariling sumubsob sa mabango at plantsado nitong damit.
Napapikit ako, iniisip ang malaking kahihiyang inabot. Natahimik rin ang mga tao sa conference room pero kahit nakatalikod ay ramdam na ramdam ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin.
Noong bumalik sa sarili ay mabilis akong umayos ng tayo. Aligaga ako sa kung anong paliwanag ang sasabihin pero sa huli ay nagawa kong magsalita, "I'm sorry, i really need to go to the bathroom. I feel dizzy. . .”
Dahan-dahan ay bumaling ako sa lalaking kaharap, labis nakahihiyan ang nararamdaman. Base sa tindig ay malakas ang pakiramdam kong siya ang itinuturing ni Mr. Hernandez na anak niya at siyang hahawak ng proyektong ito kasama ang grupo namin. “Pasensya na po talaga, Sir.” Yumuko ako nang kaonti at saka lumabas.
***
Bumunghalit ng tawa si Sierra pagkatapos kong ikwento ang kahihiyan dahil lang sa pesteng pagtawag niya. Siguradong nanggagalaiti si Engr. Diony sa akin kaya minabuti ko na munang manatili sa banyo kaysa mamatay sa mga titig na naroon.
“Tawang-tawa, ah. Baka nakakalimutan mong dahil sayo kaya nangyari yon,” pabalang kong sabi. Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang kahihiyang sinapit.
“Bakit naman kasi sa dinami-rami sa magiging boss pa natin ako nagkaganon?” Tumigil sa pagtawa si Sierra at nanahimik kaya nagpatuloy ako. “I am really doomed.”
Iniisip ko na agad ang pagkasisante sa trabaho. Hindi ko alam kung saan ko pa isiksik ang sarili kapag nangyaring tanggalin ako ni Engr. Diony sa sobrang galit.
“Uminom lang ako ng tubig, my throat’s getting dry. Pwede na ba ulit tumawa?”
“Bakit ka pa tumawag?” I snapped, hindi na nagugustuhan ang ginagawang pang-aasar ng kaibigan.
“Wait, here. I'm really sorry for laughing pero kasi Elle—” Tumawa pa siyang muli. “—sa dinami dami naman kasi talaga ng tao, kay Kairus ka pa nasubsob. I mean with the place like that, ha. In a meeting. That big boss,” dere-deretso niyang sabi.
Noong unang mga segundo ay hindi ko siya nagets pero kalaunan ay siya nang paglaki ng mata ko sa napagtanto.
“No way.” Mabilis akong napangiwi, iniisip na ang posibleng mangyari sa muling pagkikita.
This can't be.
“Teka, paano mo yan nalaman at gaano ka kasigurado? This is Hernandez. At isa pa, hotel ito. Business. How come andito siya? Sierra, this can't be.”
Natahimik ang babae kaya mas lumakas pa ang pagwawala ng sistema ko.
“Mas maiintindihan ko pa siya kung makikita ko siya sa isang patrol car o sa kalsada but not here, Sie!” Ang pag-iiba ng timbre ng boses ko ay isa lang na indikasyon hindi na magandang pakiramdam.
“Nagulat din ako. I saw it on my feed, tungkol sa contract daw ng firm natin with the Hernandez. I saw him there. So, nagresearch muna ako bago ka tawagan.”
”Hinanap ko ‘tong sinasabing Kairus Hernandez and got super shocked sa results! It was him! It was Kai.”
Kulang na lang ay putulin ko ang tainga ko sa naririnig. Hindi ako makapaniwala. Hindi pupwedeng maging boss namin ang manlolokong iyon.
Tinuloy-tuloy ko ang pananahimik, kung ibubuka ko man itong bibig ko ay wala naman akong alam na pupwedeng sabihin.
“It says here that Kairus Hernandez, a young, hot bachelor—”
“Sierra, naman!”
Napako ako sa kinatatayuan — nagsisimula nang manginig. Hindi ito pupwedeng mangyari. Ito ang kauna-kaunahang malaking proyektong natanggap ko sa buong career kaya hindi ako papayag na mabulilyaso ang lahat dahil lang muli sa iisang tao. Nangyari nang magkanda-letse-letse ang buhay ko noon at hindi ko na hahayaang maulit pa ang lahat.
Limang taon kong ginawa ang lahat para makalimot. Sa mahabang panahon na iyon ay parang wasak na puzzle piece kong mag-isang binuo ang sarili pero sa isang iglap, pakiramdam ko ay naglaho ang lahat. Marinig ko lang ang pangalan niya ngayon ay parang natutunaw ang makapal na pader na inihanda ko noon para sa pagitan naming dalawa.
Pinili kong pakalmahin ang sarili. Hindi ko man gusto ang nangyayari ay kailangan kong panindigan, mas importante ang trabaho dahil iyon ang pangarap simula pa lang.
“Sierra, I’ll go now. Baka pag hindi ako kaagad nakabalik doon ay mawalan na ako ng trabaho. Wala naman akong choice kundi harapin, at umaktong parang walang nangyari kanina.”
Positibo akong kakayanin kong gawin iyon paglabas ng bathroom pero noong papalapit na ako muli sa pinto ng conference room ay parang gusto ko na ulit umatras.
“Go, Elle. You're good,” pag-aalu ko pa sa sarili.
Unti-onti kong binukas ang pinto at agaran ding pumasok. Minabuti kong sa baba lamang tumingin para maiwasan ang matatalim na tingin ng mga naroon. Hanggang makabalik ako sa sariling upuan ay ganon ang ginawa ko.
Nagpalipas muna ako ng ilang minutong pagtingin sa baba bago bumaling sa nagsasalita sa harap. Gulong-gulo man ang isip, I still need to act as a professional as possible.
Nilingon ko si Kairus, kasalukuyang nagpepresinta ng plano nila para sa gagawing hotel. Sinamantala ko ang pagtitig niya sa isang mid-age na lalaki para bumaling sakanya.
Napakalaki na talaga ng pinagbago niya. Pero sa kabila noon, hindi ko maiiwasang kumpirmahing siya talaga si Kairus.
Nagtagal ang titig ko rito, iniisa-isa ang mga bagay na pakiramdam ko‘y nabago sa lalaki. Ang may pagka-brown at medyo wavy nitong buhok ay may napakagandang ayos. Buhok pa lang ay alam ko nang maraming mga babae ang lumalapit sakanya. Pinilig ko ako ulo, pinipilit na iwakli sa utak ang pag-iisip.
Napunta ang tingin ko sa mukha nito, mas naging mature ang itsura niya, mas naging klaro ang mga parte nito – these were highlighted. Ibang-iba sa mukhang nasa utak ko hanggang ngayon.
Isang bagay lang ang hindi nagbago sa mukha nito. . . ang mga mata niya.
I've seen that eyes before. Dark and cold eyes. Hindi ako pwedeng magkamali.
“Eilythia!”
Sa gulat ko sa pagtawag na iyon ay agaran akong napatayo, bumalik sa kung anong nangyayari.
“Engr!”
I cleared my throat at matapang silang hinarap. Nagkukunwaring nakapokus sa pinag-uusapan.
“Engr. Castor, you're spacing out. Kanina pa kita tinatawag.”
Rinig ko ang iritasyon sa boses ni Engineer Dionysus kaya mas na-doble ang kaba ko. “I'm very sorry po, medyo sumama po kasi talaga ang pakiramdam ko. Sorry but what is it, Engr. Dionysus?” Pasalamat ako‘t pumormal ng kaonti ang boses.
“Well, ang sabi ko kanina—kung ano sa tingin mo about sa designs?” Nauna sa akin ang pagpapanic kaya't tumingin ako sa slides na naroon. Gusto kong tumalon sa tuwa nang may makitang kaonting larawan sa harapan.
“It was great, Sir. Siguro ay kailangan na lang ng final touches para hindi masyadong maconfused ang mga magtatrabaho. But overall it was really high class and sophisticated,” deretso kong sabi saka tiningnan si Kairus.
Mabilis akong napalunok. Hindi ko kailan man naisip na makakatanggap ako ng gantong klaseng pantititig galing sakanya.
Nagbow ako nang kaunti at umupo na. Itinuloy ko ang pag-arteng medyo masama ang pakiramdam, maitago lang kahihiyan.
Pagkatapos noon ay madali na ring natapos ang meeting. Nahiwalay sa akin si Engr. Dionysus dahil may business man siyang kausap. Bumaba ako sa building na iyon at humanap ng pupwedeng makainan.
Hindi ko napigilang isipin kung ano marahil ang nangyari. Noon, pursigidong-pursigido si Kairus sa pangarap nitong pagpupulis. Napakakayo nang lugar niya ngayon sa gusto. Hindi ko maiwasang isipin kung paano, at bakit iyon nangyari.
“Gaano mo kagustong magpulis?” I asked him randomly noong makarating kami sa dalampasigan. Napagplanuhan naming abangan ang paglubog ng araw.
Natahimik doon ang lalaki, katulad ng palagi nitong ginagawa. Mayamaya pa ay nakita kong sumilay ang maganda nitong ngiti.
Mabilis na nanlambot ang puso ko roon, ang sarap-sarap niyang titigan. Ang mga mata niya ay tila palaging nangungusap, palaging nakukuha ang puso ko.
“Katulad ba iyon ang kagustuhan kong maging Engineer?” excited kong sabi. Alam ng lalaki kung gaano ko kagustong maging inhenyero, na kahit nahihirapan ako sa kursong iyon ay gustong-gusto ko siya kaya pinu-pursue ko talaga.
Katulad ko rin siya. Alam kong nahihirapan din siya pero kinakaya niya dahil iyon ang gusto niya.
Natigil ako sa pag-iisip nang napadaan ako sa isang mamahaling restaurant. Mula dito sa labas ay kitang-kita mo ang mga sosyal na taong pinipiling kumain dito.
Mabilis akong napangiti, ayokong magpunta sa mga gantong lugar dahil nakakapressure iyon pag nagkataon.
Napawi ang ngiti ko nang makita ang pamilyar na lalaki at hinding-hindi ko makakalimutang babae sa loob ng restaurant na iyon. Ang babae ay tila ba mas lalong gumanda dahil sa mamahaling kolorete nito sa mukha, maging ang mga alahas nito. Maingat siyang inaalalayan ni Kairus habang nagtatawanan ang dalawa. Natigil sila noong makita ako sa labas.
Mabuti ay agad ko iyong napagtanto kaya dali-dali rin akong umalis.
Hindi ko na kailangan pang alamin ang nangyari dahil mabilis na itong naging malinaw sa akin ngayon.