Kairus Hernandez’ point of view
“You should at least give her a closure, bud,” suhestyon ni Isiaah nang makabalik mula sa pagkuha ng iilang lata ng beer sa kusina. Inabot niya iyon sa mga kaibigang naroon.
At dahil bihira na lang din kami makumpleto dahil sa kanya-kanyang trabaho ay napagdesisyunan ko na ring ikwento sakanila ang nangyari mula sa conference na ginanap sa hotel. Wala naman akong magagawa kung itatago ko lang sa loob ang lahat.
Kahit ako, inisip ko rin na pagkatapos ng limang taon ay wala na akong ibang mararamdamanpa para kay Eilythia pero heto ako ngayon at kahit ilang oras na ang nakaraan simula matapos ang conference ay nanginginig pa rin ang mga kamay.
Malinaw sa isip ko na kahit gaano pa kalaki ang Maynila ay magkita pa rin kaming dalawa pero akala ko, kapag nangyari iyon ay hindi na ako aasa pa sa ibang bagay.
Ang limang taong nakalipas at napagdaanan ko ay lubos na kakaiba para sa karamihan. It wasn’t just an easy journey. In fact, it is the worst. Hindi ko rin lubos maisip na magagawa kong malagpasan ang mga taong iyon.
I really want to reach out to her.
Lingid sa kalaaman ng mga kaibigan, ilang beses kong ginustong magpakita, magpaliwanag pero ilang beses ko ring pinigilan ang sarili dahil sa takot. Takot na baka pagkatapos ng lahat ng paliwanag ay hindi na niya magawang maniwala at magtiwala sa akin. Baka hindi siya bumalik muli.
Siguro, dahil bata pa ako noon, imbes na harapin ang problema ay mas pinili ko ang maging mag-isa at makapag-isip-isip. Hanggang sa ang bawat araw ay naging buwan, taon.
“But Eilythia, she seems to be happy.”
Ako, si Isiaah, at si Baste ay kaagad nanapalingon kay Andrei dahil sa sinabi nito. They definitely know EIlythia at ilang beses na rin nila itong nakasalubong o hindi naman kaya namataan sa ibang lugar kaya naman mabilis na lang sa akin ang maniwala sa sinabi ng kaibigang doktor.
Ngayong tinanggap ng isip ko ay kaagad nang sinalakay ng hindi maipaliwanag na nararamdaman ang puso. Parang may kung anong bumubundol-bundol, may kung anong tumutusok-tusok.
Nakita kong sinikong bahagya ni Baste si Andrei, senyales na hindi niya na kailangang sabihin iyon lalong-lalo na sa harap ko pero kaagad akong nagsalita, “She is.”
Walang nagawa si Baste kundi ang bumuntong-hininga, napasimsim naman ng kape si Andrei at mukhang nagsimula na rin itong maalarma.
“She’s indeed happy,” pagpapatuloy ko pa.
Ngayong naiisip ay bumabalik sa akin ang mga tingin mula sa malayo kung saan kitang-kita ko ang pagngiti at malakas na pagtawa ng babae kasama ang mga katrabaho. I don’t want to be like this. Ayaw kong mag-ubos ng oras sa mga palihim na tingin sa babae pero ayaw ko rin namang lapitan ito at palungkutin muli ang buhay.
“Is five years really enough?” Inasahan kong mala-bulong na lalabas iyon sa bibig pero agad din itong narinig ng mga kaibigan.
Now, I am starting to feel those regrets. Iyong napakaraming pagkakataon na ibinigay sa akin sa loob ng limang taong iyon na walang pagdaalawang-isip kong pinalagpas.
Back then, pakiramdam ko ay bumalik ako sa pinaka-umpisa, iyong mga pagkakataon na ang kaya ko lang gawin ay tingnan ang babae mula sa malayo.
“What’s with the heavy atmosphere?” biglang sabi ni Byrlle pagkapasok na pagkapasok sa condo. “Minsan na nga lang kayo magkita-kita,ang lulungkot niyo pa.”
Suot ang hindi mawawalang sunglasses sa pang-araw-araw, ang mood ng lalaki ay kabaliktaran sa aming magkakaibigan. Kung si Brylle ay mayroong malawak na ngiti, kami ay iisipin mo namang nakikilamay.
“Hey!” singhal nito nang naka-ilang minuto na sa lugar ay wala pa ring pumapansin sakanya pati na sa sinasabi nito. “Babae ang problema niyo, ano? Go find a new one. I know a bar named—”
“Brother-in-law!”
Mabilis akong tinungo ng lalaki, pagkatapos ay nakipag-agawan sa akin ng cellphone nang magawa kong magtipa at tawagan ang kapatid na si Ashley. Takot na takot niya iyong niyakap.
“Kuya, naman. Binibiro lang kita,” kaagad naman nitong gagad.
“Hindi mo ako kuya at hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!”
Kasabay nang pangisi-ngisi kong pagsigaw ang siya namang maglagapak ng pintuan. Marahas itong bumukas dahil sa malakas na pagsipa nang kadarating lang na kapatid dito.
“What’s the fuss?” bungad ng babae. Binagsak nito ang gamit sa tabi ni Baste at hinila si Brylle papasok sa sariling kwarto ni Ashley dahilan para makakuha nang malakas na daing ng hindi pagsang-ayon mula sa akin.
That girl. She always does that. Palagi niyang hinihila patungo kung saan si Brylle at isa naman iyong lalaking basta-basta na lang sumasama. That girl is always pissing me out.
But then, I am lowkey rooting for that two. I know, Ashley is all serious about that guy at iniiwasan ko lang na maiwang nasasaktan ang kapatid but I really like Brylle. Responsable ito sa lahat ng bagay at alam kong mahal niya ang babae.
“Let’s go.”
Gulat man ay sabay-sabay kaming napatayo sa biglaang pagsasalita ni Baste pagkatapos pa ng ilang minutong pananahimik. “Where?”
Kinuha nito ang paboritong sumbrerong nakapatong sa mesang naroon saka isinuot pati na ang hawak na sunglasses. “We will end the problem.”
“What are you talking about?” anas ko, iniisip na ang posibleng mga bagay at paraan na tumatakbo sa isip ng kaibigan.
“Hindi ba ako naman ang expert dito? I am the experienced lover boy here so I have an idea,” sagot pa ng kaibigan kaya wala akong ibang nagawa kundi ang muling bumagsak sa pagkakaupo.
Alam ko na kung saan ito marahil mapupunta kaya ngayon pa lang, ididikit ko na ang pwetan sa kinauupuan.
“You should talk to her,” pangsang-ayon ka agad ni Andrei na para bang mabilis nitong nakuha ang ibig sabihin ni Baste. “Explain. Ngayon, kung tatanggapin niya pa ‘yung explanation mo and you’ll be together afterwards edi mabuti. But if not, it won’t be a bad thing, at least, alam niya na kung ano talaga ‘yung nangyari and she can finally be at peace. All you need to do is to talk to each other.”
“Kung madali lang gawin ‘yan, siguadong matagal na ‘yang nagawa ni Kai.”
Bumaling ako kay Isiaah gamit ang nagungusap na mga mata mula sa pagsang-ayon. Ramdam kong siya lang ang nakakaintnddi ng kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
“Alam mo ba kung bakit ka nagkakaganyan hanggang ngayon, Kai?” seryosong sambit ni Baste, nangunguna na naman ang pagiging self-proclaimed love adviser nito. “That’s because you are lowkey expecting for something. Iniisip mo na baka pwede pa, na baka mayro’n pa but you don’t have the courage to ask and to talk to her. Lahat ng tanong mo sa isip, siya at siya lang din naman ang makakasagot niyan.”
“Look, after five years, the Man up there had given you a chance, an opportunity kahit pa napakarami mo ng sinayang na gano’n and yet iisnabin mo lang ulit ngayon ‘yung pagkakataon?” pahabol pa ng lalaki. Wala kaming ibang nagawa kundi ang makinig mula sa kanya-kaniyang kinauupuan. “You should tell her you love her if you do. . .”
“That’s from my recent movie, Because I Love Her, napanood niyo ba?” huling sabi niyo bago magpulasan ang mga upuan papunta sa lalaki.
“Tangina naman, eh, maiiyak na sana ako!” Malakas ang naging paghalakhak ni Isiaah doon kaya naman nakuha pang magfist-to-fist ng dalawa ngunit nanatiling seryoso ang tingin ni Andrei sa akin.
“Kai, you need to. It is not true that the time heals all wounds, because that can’t heal unspoken wounds,” anas ni Andrei, seryoso at tuluyang nag-aalala.
****
Ilang buntong-hininga ang nagawa ko nang deretso kong tinatanaw ang pinto ng condong tinutuluyan ni Eilythia. Hindi ko alam kung paano pero tuluyan akong nakumbinsi ng mga kaibigang puntahan ang babae.
Hindi ko na halos maalala pa ang mga naunang nangyari at tila ba nagkaroon na lang ako ng malay nang makarating sa lugar.
“You got your back, bud. We will wait you at the café. Make the most out of it,” pagpapalaam ni Andrei nang maging okay ang sitwasyon.
I tried to keep my cool pero kung kailan naman papalayo na ang mga kaibigan ay saka naman ako naduwag. Nagsimula akong kuwestyunin ang sarili. Dapat pa ba akong bumalik? Dapat pa ba akong magpaliwanag?
“I. . . I just can’t do this,” malakas kong sambit, ginusto kong iparinig iyon sa mga kaibigan para magkaroon ng sapat na rason para tigilan ang bagay na ito.
“I don’t want to be selfish. Pareha kaming dalawa, pinilit naming ayusin ang buhay sa loob ng limang taon na ‘yun. I may have failed, but she succeeded. At alam kong pinaghirapan niya ‘yun. I don’t want to ruined that. I don’t want to ruin her happiness. I don’t want her to be hurt again.”
Buo na ang desisyon ko kaya nagdesisyon akong iikot na paalis ang mga paa pero bago ko pa magawa iyon ay marahas kong nakabangga ang isang lalaking pamilyar sa akin ang mukha. I think I’ve seen him somewhere.
Ang isang kamay niya ay may hawak na cellphone na nasa tainga kayamarahan lang itong bahagyang yumuko tanda ng paghingi ng tawad.
Ganoon din ang ginawa ko, pagkatapos ay sinikap na maglakad palayo, patungo sa mgakaibigang nag-aantay.
“Engineer, you should go out now para hindi tayo masyadong mahuli.”
Kaagad akong natigilan doon. Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ng kaibigan kong nakaharap sa pinto ni Eilythia. Nanatili akong nakatalikod mula roon, naninikip ang dibdib at nakayukom ang mga kamao.
“Love! Wait for me. May mga hindi pa ako naaayos.”
I went here to give an explanation; a closure. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umaasa na tatanggapin akong muli ni Eilythia sa buhay niya. Naroon ang pag-asang baka pwede pa ngunit parang taong basta na lang nahulog sa bangin ang pag-asang iyon—pag-asang ngayon pa lang ay natukdukan na dahil kinumpirma lang noong huli na ako.