Marahas kong ibinagsak ang hawak na tasa ng kape sa pabilog na mesa ng tinutuluyan. Hindi ko na pinansin kung ano pa man ang dapat na gawin sa conference o kung nakauwi na si Engr. Dionysus. Basta na lang akong pumara ng taxi at dumeretso sa pag-uwi. In fact, sino ba naman ang gaganahang maglakad-lakad pa kung ganoon ang makikita?
“I mean, Sie, alam ko naman na masaya na siya sa ibang babae. It should be okay after five years, right? Dapat pinakita ko ring masaya na ako,” sambit ko sa kaibigang nasa screen. Pagkarating na pagkarating ay kaagad akong nagvideo-call sa kaibigan lalo pa’t hindi magkamayaw ang sistema ko sa nangyayari.
Ilang beses ko nang in-imagine ang araw na ito sa loob ng ilang taon—ang araw na magkikita kaming muling dalawa.
Kairus Hernandez isn’t my first love, pero siya ang kauna-unahang lalaking matagal kong makalimutan. It was as if any year is not enough to forget him. Kapag pinipilit ko na ang sarili kong makalimot ay parang palagi akong hinahadlangan ng tadhana.
“I swear, you need a closure,” deretsahang sambit ni Sierra na mukhang chill na chill sa inuukupa nitong kwarto sa ibang bansa. Unlike me, mas kalmado ang mukha nito kaysa noong mga nakaraang taon.
Malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan. Hindi kasi naging mabuti sakin ang paglipas ng limang taon at ni minsan hindi ko inasahan ang mga nangyari. In short, I had it worst. Mabuti na lang ay mayroon akong taong masasandalan.
Umiling-iling ako sa babaeng kaharap, magulo pa rin ang utak. “Sierra, sometimes not having a closure is—”
“The closure?”
“—the closure,” panggagaya ko sa isang linyang narinig ko sa isang pelikula. Natatawang nagkasabay pa kaming magkaibigan.
“At hindi rin katulad sa pelikula ang buhay ng lahat, Elle. You should snap out of it.” Kaagad akong napipilan sa sinabi niyang iyon. “Hindi lahat ng nakikita ng mata natin ‘yun na ‘yung totoo.”
Inilapit kong muli ang kape at sumimsim, “We, people, should really believe on what we see. Kung hindi, tayo lang din ang masasaktan,” mataman kong gagad.
“Now, look at you. You only believe on what you see. Masaya ka ba?”
Kaagad akong natahimik, akala mo’y natauhan. Gustong-gusto kong agad na sagutin ang tanong na iyon pero ayokong magsinungaling.
Gusto kong agad-agad na sagutin ang tanong pero alam kong sarili lang ang lolokohin.
Masaya nga ba ako? Simula noong pinilit ko ang mga paang lumayo sa lugar na iyon, lumayo kay Kairus, naging masaya nga ba talaga ako?
Muling nagsalita si Sierra pagkatapos mapansin ang pananahimik ko. “Ano naman kung masaya sila sa isa’t isa? Ano, hindi ka na ba pwedeng maging masaya sa sarili mong buhay? Puta, Kairus is such a big loser!”
Ako iyong kaibigang kailangan lagi ng advice ng kaibigan pero hindi naman talaga sinusunod. Naaawa na nga ako sa kaibigang paniguradong paspas na ang dila.
Nang maghiwalay kami ng lalaki, literal na tumigil din ang buhay ko. Hindi ako nanghingi ng paliwanag, hindi ako nagpakita. Nawala akong parang bula nang mga panahong iyon at nagkandaletse-letse na ang lahat.
I am not happy.
Hindi ako masaya at labis kong sinisisi ang sarili ko roon pero hindi na iyon mahalaga.
Hindi pwede ako na lang palagi ang makikitang lugmok o sira. Hindi ako papayag.
If they are happy, I should be happy—I must.
Natuloy ang pagpapaalam namin sa isa’t isa ng kaibigan at talagang hindi ako makapaniwala sa sarili.
Deretsahan kong tinipa ang pangalang Kairus Hernandez sa laptop na kaharap, pagkatapos ay dumagsa ang iba’t-ibang balita patungkol sa lalaki. It wasn’t a good decision dahil parang ako mismo ang sumusunog sa sarili sa ginagawa.
He became really successful. Nakuha nito ang gusto at paniguradong maayos ang pamilya.
Ang hindi ko lang maintindihan gaano ko man iyon isipin ay kung bakit Hernandez na ang apelyido nito? Sa limang taong iyon, ano ba talaga ang nangyari?
If he’s a Hernandez. . . paano na ang mga magulang nitong Prado sa probinsya?
But then, I must say that those five years were such a blessing for him. He achieved his goals about being able to help other people pati na ang pagtulong sa pamilya.
Malaki din ang laban ng H&H Hotel sa mga hotel sa bansa kaya paniguradong hindi na rin magtatagal ang pagiging number one nito kahit sa buong mundo.
Magsisinungaling ako sa sarili kung sasabihin kong hindi ako naiinggit because I am really envious right now.
“Ang dami niyang maipagmamalaki. . .” bulong ko pa sa sarili.
Napakarami nitong ipagmamalaki kaya ang iniisip kong pwede pang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ay paniguradong nasa basurahan na.
“Pero teka, Eilythia! Sino ba ang nagsabing magkakaroon ng pangalawang pagkakataon? Come on, don’t lose your guard!” singhal ko naman sa sarili habang sinasabunot-sabunutan ito.
Nakakuha nang atensyon ko ang marahas na pagvibrate ng cellphone sa tabi. Magulo pa ang buhok nang ginawa ko iyong sagutin.
“Engineer,” kaagad kong bungad kay Tom, isa rin sa mga engineer na hawak ni Engineer Dionysus. Kakaonti lang kami sa opisina kaya halos kami-kami na lang din ang naging magkakaibigan. “What is it?”
“Hinanap ka ni Engineer Diony kanina pa. Hindi mo man lang daw siya t-in-ext. Where are you?”
Napasapo na lang ako sa noo. I’ve been really attentive at work pero eto ako ngayon, ngarag at hindi halos magkandaugaga dahil lang sa nakita ko ang lalaking iyon.
“At home–”
“Great! I’ll go there. I’ll pick you up,” dere-deretsong sabi nito.
Agad naman akong naalarma lalo na’t hindi ko malaman-laman kung ano ang itsura ngayon dahil sa pinagagagawa. “Anong mayro’n?”
“Thanksgiving party? Ewan ko kay Engineer, basta aalis daw. Magpapainom.”
Bigla atang pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Kaagad kong ibinaba ang tawag matapos makapagpaalam sa lalaki atsaka sinimula ang pagbibihis.
One way to clear out one’s mind is ay iyong lunurin ang sarili sa alak—that is so me. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang akong atakihin dahil sa sobrang pag-inom.
Pakanta-kanta pa akong kumilos. Bahala na, bahala na. All that I need to do for now is to erase that man in my mind at kung magmumukmok ako sa lugar na ito, para ko lang ding pinapatay ang sarili.
“I. . . I just can’t do this.”
Para akong binuhusan nang mainit na tubig sa narinig. Kunot na kunot ang noo ko nang sinubukan kong sumilip sa maliit na butas ng pinto at ganoon na lang ang gimbal nang makita si Kairus, hindi nalalayo sa tapat noon.
Mayroong iilang lalaki itong kinakausap pero hindi ko na malinaw na nakikita dahil sa layo at liit ng butas.
Awtomatiko akong napahawak sa dibdib dahil sa malakas na pagkabog ng puso. Parang nagkakarera, nakakabaliw. Ilang beses ko nang pinagpapapalo ngunit hindi pa rin magawang tumigil.
“I don’t want to be selfish. Pareha kaming dalawa, pinilit naming ayusin ang buhay sa loob ng limang taon na ‘yun. I may have failed, but she succeeded. At alam kong pinaghirapan niya ‘yun. I don’t want to ruined that. I don’t want to ruin her happiness. I don’t want her to be hurt again.”
Naunang isa, dalawa, tatlong punyal ang pumasok sa loob ko. Pagkatapos noon ay hindi ko na halos nagawang mabilang. Sunod-sunod at parang walang katapusan.
Tuluyang nanlambot ang tuhod ko kaya madali na lang ang bumagsak sa sahig. Kaagad kong niyakap ang mga tuhod. Sa pagkakataong ito, gusto ko muling ibuhos ang mga luha pero wala ni isang butil ang lumalabas.
Napasinghap akog muli nang maramdaman ang pagba-vibrate ng cellphone na hawak. Walang pagdadalawang-isip ko iyong sinagot, hindi na tiningnan kung sino marahil ito.
“Engineer, you should go out now para hindi tayo masyadong mahuli.”
“I will.”
Sa sumunod na mga pangyayari ay tila ba nawalan na ako ng kontrol. Basta na lang akong nagpadala sa sakit at galit. Bahala na, Eilythia. Bahala na.
Inayos kong muli ang sarili. Tinanggal ang pagkakatali ng buhok at marahang sinuklay-suklay ito bago ibinukas ang pinto, nananalanging sana kita kami magkitang-muli kahit pa sobrang imposible na nitong mangyari.
“Love! Wait for me. May mga hindi pa ako naaayos,” malakas kong sabi sa paparating na katrabaho.
Mula sa kinatatayuan, nakita ko ang pagkagulat ni Tom pagkatapos ay napakunot. Lumagpas na ito sa lugar kung saan ko nakikita si Kairus kaya ganoon na lang din ang lakas ng loob kong tumakbo papalapit sa katrabaho at humawak sa kamay nito.
“I’m sorry, Engineer,” bulong ko pa sa lalaki papasok sa sariling lugar. I know, this isn’t the nicest thing to do pero saka ko na ipaliwanag sa lalaki ang lahat.
Ngayon, kailangan ko lang isipin kung paano maipapakita kay Kairus na masaya rin ako. Sana masaya rin ako.