Climax 24 "So what happened?" Pagtatanong ni Arthur sa kanya. "Katanghan nga kasi." "Paano na bunggo? I don't think so. Sinaktan ka ba ng asawa mo? Kung bunggo 'yan, isang bilog na pasa lang 'yan. Hindi nakapalibot sa braso." Galit na sinabi ni Arthur sa kanya. "Hindi ha. Wala nga kasi 'to." Sambit ni Regine. Binuksan niya ang Fridge upang kumuha ng inomin. Nakita niya ang iniwang pagkain para kay Arthur. Napabuntong hininga siya at inilabas ang pagkain. "Sana tinapon mo na lang kaysa hinayaan mong napanis." galit na nilapag niya ang glass bowl sa kitchen counter. "Isang linggo'ng hindi ako umuwi. I'm sorry." Saad nito. Inalis ni Regine ang iniwan niyang note. "Pati ito hindi mo binasa! Bahala ka nga. Uuwi na ako!" Saad niya at nagwalkout papalabas ng bahay. "May aso na pakalat-kalat s

