Climax 23 Maagang bumangon si Regine dahil hindi naman siya nakatulog. Kinalkal niya ang pagkain sa Fridge, nakuha niyang ipagluto si Arthur ng agahan. Ngayon lang siya magluluto ng pagkain sa ibang lalaki. "Peace offering? Mapapalitan ba ng luto ko ang galit at sakit? Anong gagawin ko pag-uwi? Kokomprontahin ko na ba si Ric? Tama, kailangan ko itong gawin." Sambit ni Regine at uminom ng kape para lumakas ang loob. "What are you doing?" Pagtatanong ni Arthur, nabigla siyang nakaayos na ito at ready to go. "Pinagluluto ka ng agahan. Pangit umaalis ng hindi nag-aalmusal." Sambit ni Regine at inihapag ang pagkain. "Hindi ko makakain 'yan. I have an important meeting. Isasabay na kita para makauwi ka na. Let's go." Seryoso nitong sinabi at lumabas ng bahay. Napabuntong hininga si Regine at ti

