Climax 4

2632 Words
Climax 4 FLASHBACK "Dito ka matutulog," utos ni Ric sa kanya. "Bakit dito? Ayaw mo ba akong katabi?" pagmamaktol ni Regine sa nobyo. "Hindi naman sa ganoon. Nirerespeto kasi kita." "Ricardo David II, pwede naman tayong matulog nang tabi. Edi kung gusto mo, magharang ka pa ng unan," pangungulit nito at susugod papasok sa kuwarto ng nobyo. Sa pagpigil ni Ric, naumpog siya sa dibdib nito. "Ay, isa pa," bulong niya sa sarili at nagpumilit. "Regy, huwag makulit. Gusto mo na bang mabuntis?" nabigla si Ric sa sinabi niya at ngumiti lang Regine sa kanya. "Oo! Doon naman tayo pupunta diba?" sambit nito at abot langit ang ngiti. "No, ayoko pa. Hindi mo pa nga nagagawa ang gusto mo. Huwag kang magmadali. Hindi naman ako nagme-menopause." "Ric naman! Thirty-five ka na!" "Eh ano? Tatapatin kita Regine, ayoko na muna. Gusto ko munang mag-enjoy sa pagiging Attorney, ganoon ka rin. Gusto kong ma-enjoy mo ang buhay dalaga. Ayokong madaliin ang lahat, sana naman naiintindihan mo.” Natahimik si Regine at napa buntong hininga. Akmang hahalikan siya ng nobyo sa kanyang noo, ngunit umiwas si Regine at mabilis na pumasok sa kabilang kwarto. Pagsandal niya sa pintuan, umupo siya sa sahig at hinagkan ang sarili. "Eh ikaw ang gusto ko. Pwede naman isabay ang pangarap ko kasama ang magiging pamilya natin," hindi niya masabi kay Ric kung kaya't kinakausap na lamang niya ang kanyang sarili. Nakarinig siya ng ilang katok mula kay Ric, hinayaan lang niya itong kumatok at wala pa rin balak na pagbukksan ng pinto ang nobyo. "Wala akong sariling bahay, wala akong sariling pera. Wala akong matakbuhan, kahit kay Gracia. Ayoko naman makastorbo," pumatak ang kanyang luha dahil pakiramdam niya'y walang may gusto sa kanya. Minabuti niyang tumayo at kinuha sa bag ang laptop. Sinubukan niyang ipamigay sa kahit saan kumpanya ang kanyang resume. "Hindi na ako bata, kailangan ko nang kumita. Mag na-nineteen years old na ako this year, kahit magkaroon lang ako ng sarili kong ipon mula sa dugo't pawis ko, okay na ako." "Regine." Nagulat si Regine at halos mabasag na niya ang laptop sa biglang pagkakasara. "Bakit ka pumasok? Nilock ko 'yan ha?" pagtatanong niya rito at hindi tinitingnan si Rico. "My house, of course. I have keys," sagot nito. “Attorney nga, laging may sagot." "Come on, huwag ka namang magalit sa'kin," paglalambing ni Ric sa kanya pagkatapos ay lumebel mula sa kanyang pagkaka-upo. "Naiintindihan ko naman, gusto ko na lang matulog." "Maaga pa, we can watch movies. Popcorn time, " maligaya nitong pag-aaya kay Regine. "Ayoko, gusto ko lang dito. Isa pa magre-review ako para sa remedial examination." "What? You mean, you failed?" "Yeah, sige na magpahinga ka na rin. Pagod ka maghapon dahil sa ilang hearing sa korte," wika ni Regine at hindi pa rin ito tumitingin sa binata. "Do you like ice cream?" para bang hinuhuli ni Ric si Regine upang malaglag sa patibong nito kasabay pa ng pilyong pagngiti. “Regine, kahit paborito mo ang ice cream. Huwag kang lilingon, huwag kang marupok. Huwag kang matutunaw!" paulit-ulit na sinisigaw niya sa kanyang sarili. "No thanks. Okay lang ako," todo ang kanyang pag-iling. "Come on, ice cream tatanggihan mo? Halik nga sa noo ayaw mo na ngayon 'yon? Hindi ba't favorite mo 'yon?" pang-aasar ni Ric at tinusok ang tagiliran niya. "Ric naman! Kutosin ko 'yang sugat mo!" "Halika na nga! Ang kulit mo, sa'yo ako napagod. Hindi sa mga kaso," hinatak siya nito at pilit na inilabas sa loob ng kwarto. "Kainis bumigay ako." Kinabukasan, Hawak ni Regine ang kanyang cellphone habang hinihintay ang text o call mula kay Ric. Mula sa pinangako nitong uuwi ng before lunch, inabot na nang alas sais ng gabi at wala pa ito. "Hija darating siya, it's not too late for the dinner later," aniya ni Athena. "Tita, sabi niya po kasi kanina before lunch siya uuwi. Besides, nakapatay pa ang cellphone niya." Kasa-kasama niya ngayon ang magulang ni Ric. Ni hindi man lang siya hinanap ng kanyang Ama na si Dave. "How about Dad po?" biglang pagtatanong ni Regine. "Ang sabi niya, didiretso na lang siya sa Hotel. Doon na lang magkikita." Umabot na ng alas otso at narating na nila ang Hotel para sa kanilang family dinner, hindi pa rin dumarating si Ric. "Darating siya." Nagulat si Regine nang kausapin siya ng kanyang Ama. Espesyal ang araw na ito dahil ito na ang panahon na pag-uusapan ang kanilang kasal ni Ric. Mula sa venue, date at mga designer na kukunin. Muli siyang napatingin sa kamay ng kanyang Ama na humawak sa kamay niya. "You will be Mrs. David soon. Sigurado akong magiging mabuting ina ka sa mga anak niyo ni Ric. Huwag kang tutulad sa pamilyang nasilayan mo anak. Masyado akong mahina at nagpadala sa kalungkutan," saad ni Dave. Tila namumuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. "I'm sorry my dear daughter, pero nakikita ko naman na tumibay ka sa ilang beses kong pagsesermon sa'yo. Kahit na wala na sa tamang rason," ngayon lang niya nakitang ngumiti ang Ama sa kanya. Napatingin si Regine sa pwesto ng magulang ni Ric, inaatupag lamang nila ang pagtawag sa kanilang anak. "Thank you Dad," aniya ni Regine at hinagkan ang Ama. Puno ng pangungulila ang dalaga sa isang pagmamahal ng Ina at Ama. "Mag-aral ka nang maigi Regine, ayokong maisahan ka at maloko. Lalo sa natitira nating negosyo, kailangan maging mautak at maagap. Utak ang iyong paiiralin sa kahit anong aspeto ng buhay." "Opo Dad, sorry po talaga sa pagiging matigas na ulong anak. Ito po pala ang gusto niyong iparating sa'kin," pagtawa niya habang pinupunasan ang luha. "Excuse Dave and Regine, I'm sorry about the trouble. Hindi namin ma-contact si Ric, hindi ko alam kung saan siya pumunta. Ni hindi niya sinasagot ang tawag," bakas sa mukha ni Athena ang sobrang pagkakadismaya kay Cardo. Ngayon lamang hindi tumapad sa usapan ang kanilang anak. "It's okay, baka busy lang talaga si Ric, Athena and Cardo. Mauna na kami ng anak ko," pagpapaalam ni Dave sa mag-asawa. "I'm really sorry Pare, I will talk to my son." Sa pag-alis ng mag-ama, sumunod na rin ang magulang ni Ric. Litong-lito at umaasa pa rin si Regine na sasagot ito. "Don't worry too much. Baka busy lang ang fiance mo." "Dad, paano po kung napipilitan lang si Ric? Paano kung hanggang ganito lang ang gusto niya?" "Kilala ko ang batang 'yon anak, he likes you since you were young. Kaya nga pinagkasundo namin kayong dalawa." "Nagbabago po ang panahon, paano kung pati ang nararamdaman niya sa'kin ay nagbago rin? From long distance relationship Dad, marami siyang nakikilalang iba. Isa pa at hindi naman niya ako niligawan, fiance agad." "Anak, kung ngayon pa lang at wala ka nang tiwala sa mapapangasawa mo, paano pa kung kasal ka na sa kanya, tapos ganyan ang tingin mo sa kanya?" "Dad, paano po pala ang lupa natin? Patuloy pa rin po bang kinakamkam nila Tito at Tita?" Muling umandar ang sasakyan pagkatapos matigil sa stop light. Nilingon siya ng kanyang ama at ngumiti. "Huwag mong problemahin 'yon anak. Atupagin mo ang pag-a---" "Dad!" biglang sigaw ni Regine. Isang putok ng baril at hinawakan ni Dave ang ulo ng kanyang anak upang ma-iyuko. Hindi nag paawat ang dalawang riding in tandem at nagpaulan pa ng bala sa sasakyan nila. Ilang tama ng bala ang sinalo ni Dave at hinagkan ang kanyang anak. Nagbuhol-buhol ang direksyon ng sasakyan at nabunggo sa isang poste. Puro sigaw at paghingi ng tulong ang isinisigaw ni Regine. Duguan siyang lumabas ng sasakyan. "H-help! Tulungan niyo kami!" pilit siyang tumayo upang puntahan sa driver's seat ang kanyang Ama. Umuusok na ang harapan ng sasakyan at hinahatak niya pa rin ang kanyang Ama. "Dad! Please! Don't leave me! Dad!" "Regine!" napalingon dalaga nang makita si Cardo at hinatak siya papalayo sa kotse. "Tito! Si Dad! Please tulungan po natin siya!" "Reg, let's go! This place is not safe! Hija!" Pilit siyang inilayo ni Cardo. Tumawag ng ambulansya, rescue at Pulis si Athena. Maagap ang isang tindahan na pinaliguan ng fire extinguisher ang kotse dahil nagsisimulang magliyab ang paligid nito. Walang humpay sa paghagulgol ang dalaga. Binuhat siya ni Cardo katulong ng rescue personnel na lumapit sa kanila. "No, bakit niyo ko iniwan!!" "Tahan na Hija," pilit kinakalma ni Athena ang dalaga. Hindi makuhang makausap ng maayos ang dalaga dahil sa trauma na inabot niya. Harap-harapan niyang nakita ang pagkamatay ng kanyang Ama. Ang tanging kinausap ng Pulisya ay ang magulang ni Ric. Hindi nakuhang magpadala sa hospital ni Regine dahil sa labis na takot at ayaw na niyang lumabas ng ambulansya. "Kailangan niya pong masuri sa loob ng ospital, Misis. Hindi po tayo nakakasigurado na walang tumama sa ulo o kahit anong parte ng katawan niya." "Regine, halika. Sasamahan kita. I will not leave you Hija," wika ni Athena. Nakayuko at ayaw tumingin ni Regine kay Athena. Tanging nasa isip lamang ni Regine ang takot, baka siya'y balikan ng mga pumatay sa kanyang Ama. "Mom, Dad!" bulalas ni Ric at napalingon si Cardo. "Where have you been?! Kanina pa ako tumatawag sa’yo!” Hindi kumibo si Athena dahil nakita naman niyang maayos ang itsura ng anak. Muling binaling ni Athena ang kanyang atensyon kay Regine. "Regine!" umakyat si Ric sa loob ng ambulansya. Umangat ang ulo ng dalaga at hinagkan ang nobyo habang umaalingawngaw ang kanyang paghagulgol. "I'm sorry,'' mahigpit niyang hinagkan ang dalaga. “Ayaw niyang pumasok sa hospital," wika ni Athena sa anak. Hindi nagdalawang isip si Ric at binuhat ang nobya. Wala pa rin kibo si Regine at patuloy pa rin ang pagluha nito. Ilang sandali, nakuhang malinisan at mapalitan ng damit si Regine. Nakuha rin i-test ang dalaga upang masuri kung may masama ba itong tama. "Where have you been son? Ipinahiya mo ako kay Cardo, nakakahiya sa mag-ama na maghintay. Saan ka napadpad at ngayon ka lang hindi tumupad sa usapan! Naguguilty ako sa mag-ama! Kung hindi sila maagang umalis, hindi sana namatay ang tatay niya," pagsesermon ni Cardo. "I'm with my client. Mabigat ang kasong hawak ko, kailangan kong mag-research ng maigi. Napadaan lang ako sa kanto at nakita ko ang balita sa karinderya. I'm sorry Dad," aniya ng binata habang nakayuko. "Sasusunod magsabi ka! Kinakabahan ako sa'yo anak! Hindi ko alam kung saan ka napadpad, tingnan mo at napaka delikado na ng panahon!" Hinagkan niya ang kanyang ina at paulit-ulit na nanghihingi ng paumanhin. "Itutuloy ang kasal, lalong kailangan ka lalo ng Fiance mo, Ric. Wala na siyang magulang, tayo na lang ang natitira niyang guardian." "Ipaglalaban ko sa husgado ang pagkawala ni Tito Dave. Whoever did this, they will pay!" mariin niyang sinabi. "Kamag anak ni Dave ang alam kong may gawa nito. We don't have evidences yet, pero sapat na sa'kin ang mga inilathala ni Dave patungkol sa agawan ng lupa," aniya ni Cardo sa kanyang anak. Pumasok muli si Ric sa loob at nakita niyang tulala si Regine. "Reg, hayaan mo’t ibibigay ko sa'yo at kay Tito ang hustisya," wika ni Ric at hinawakan ang kanyang mukha. "Please, huwag mo rin akong iwan," pakikiusap niya at bumangon si Regine pagkatapos ay hinagkan ang binata. Tila may sanga na tumurok sa puso ni Ric habang natutunghayan niya ang unti-unting pagguho ng dalaga. Kinabukasan, Nagpalabas agad sa hospital ang dalaga para maipag-lamayan ang labi ng kanyang yumaong ama. Ayaw na niyang patagalin at ipinalibing agad ang Ama. Hindi niya ito makuhang tingnan dahil sumasagi lang sa isip niya kung paano mawala si Dave. Hawak-hawak ni Ric ang kamay niya habang siya'y umiiyak. "Hija,” napatingin si Regine kay Athena. "Ayoko sanang tumira kang mag-isa sa bahay niyo. Hindi ko nakikitang safe roon, gusto ko sanang tumira ka sa bahay namin. Tutal at ikakasal din naman kayo ni Ric," sinabi ni Athena. "No, sa bahay ko. Doon siya titira," pagsingit ni Ric. "Kung saan mo gusto anak, doon ka," hinawakan ni Athena ang buhok ni Regine at hinalikan ang noo niya. Magsimula ang Lunes, hindi nakuhang matupad ni Regine na pumunta sa job interview sa isang Law Firm dahil sa dinami-rami ng kanyang pinag-pasahan ng resume. Tanging paglilipat sa bahay ni Ric ang kanyang inatupag. Busy at ayaw niyang makastorbo kay Ric kung kaya't nagpatawag na lamang ng tao ang magulang ni Ric. "Pasensya ka na anak, noong nasa Los Angeles pa si Ric. Ganyan na talaga siya ka busy. Bilib ako sa haba ng pasensya mo at nakukuha mong hintayin ang anak ko," saad ni Cardo. "Tito, ayos lang po. Sobra pong nahihiya ako sa pamilya niyo. Kami po ang may utang pero heto't ako pa ang inyong tinutulungan," sagot niya. "Don't call me Tito, call me Dad. Mula noon kilala ka na namin! Hindi ka iba sa pamilya ko, Hija. At soon, magiging legal na anak ka na rin namin. Hindi ba, Athena?" Tumango ito at hinalikan ni Athena si Regine. Kinagabihan, bago mag-aral si Regine. Minabuti niyang ipagluto ng hapunan ang kanyang fiance. "Bilang kapalit o sukli sa lahat ng nagawa niyong kabutihan sa'min ni Dad," nakangiti siya at hinain ang pagkain. "Ay kabayo!" napatingin siya sa biglang bagsak ng pinto at iniluwal nito'y si Ric. Bukas ang butones ng polo nito at halatang lasing ang binata. "Ric!" Sinalo niya ito at halos mataob siya. Naamoy niya ang umaalingasaw na pabango nito. "Bakit ka ba lasing? Bakit ganyan ang itsura mo?" "Client, I have a surprise Reg. The case of your father and the farm," nakuhang mataob ni Regine at pumaibabaw si Ric sa kanya. "Ric, bumangon ka nga!" bulalas niya at pilit tinulak ang binata. Mabigat at halos hindi na siya makakawala sa bisig nito, "Ric ang bigat mo." Ilang sandali, naramdaman niyang umangat ang binata pagkatapos tiningnan ang maganda niyang mukha. "Nagluluksa ako, pero bakit may halong kilig. Bakit? Ano ba itong puso ko!" Tila nagising sa katotohanan si Regine nang sinukahan siya ni Ric sa dibdib. “Ano ka ba naman, Ricardo!” Napatayo siya at kumuha ng tuwalya upang ikuskos sa sarili niya. Pagkatapos inalalayan na niya ang nobyo papasok sa banyo. Binohosan niya ng tubig ang binata at bumakas ang katawan nito sa puting polo. Hindi nag dalawang isip ang dalaga na hubaran ng polo ang si Ric. "Regine, lumabas ka na, maliligo ako," nakapikit nitong sambit. Napabuntong hininga si Regine at nanatili sa loob ng banyo. "Maligo ka! Halika," hinatak niya ito at tumayo naman si Ric. Ayaw lumabas ng dalaga dahil gusto niyang bantayan ang binata. Natatakot din siyang baka ito'y madulas. Ilang sandali, hindi na natiis ni Regine ang maasim-asim na suka at nakuha na niyang makisabay sa pag-ligo. "Damn," bulong ng binata nang makita siyang walang ni isang saplot sa katawan. "Ric!" Para bang nawala ang pagkakalango ni Ric sa alak binuhat ang dalaga. Basang-basa ang buong katawan nilang dalawa habang si Regine na sinandal ng binata sa pader. "Ricardo," ungol niya at halos habulin na niya ang hininga dahil sa mga maiinit na halik nito. Nagpakalunod ang binata sa kanyang dibdib at napasabunot si Regine dadil sa bagong pakiramdam. Ilang sandali, nilabas siya nito at basta nalang inilapag sa kama. "Oh Ric!" bulong niya. Bumigat at paibaba na ang halik nito. Nilibot ni Ric ang birhen na katawan ni Regine. Pumaibaba paroon ang mga labi nito. "Ric teka!" Angal niya dahil nakita niyang, pinagmamasdan nito ang sensitibo niyang parte. Naramdaman niya ang dila nitong bawat sulok na tinitikman ang kanyang p********e. "Ric! Oh my gosh!" halos matanggal na ang kobre kama sa sensasyong nararamdaman ng dalaga. "Oh gosh! Please," pakikiusap niya at ilang sandali, para bang nakaramdam ng pagkakadismaya si Regine. "Bakit ka tumigil!?" Asik niya. "Too early to do this Regine," saad nito at bumangon ang binata. Kinumutan siya ni Ric at iniwan sa loob ng kwarto. "Tama naman siya, maaga pa para gawin ang bagay na ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD