Climax 5
FLASHBACK
Kinabukasan, hindi naabutan ni Regine si Ric. Ngunit may sulat itong iniwan sa lamesa.
"Good morning beautiful. Maaga akong umalis dahil kinakailangan na ako ng client. Isa pa at kailangan kong asikasuhin ang kaso sa pagkamatay ni Tito Dave. Hindi na kita ginising dahil masarap ang tulog mo. Ingat sa pagpasok, susunduin kita mamaya."
Napangiti si Regine at halos magtatalon sa iniwan na sulat ni Ricardo.
"Ricardo Junior! Nakakakilig ka! Hinalikan niya ang dibdib ko papunta roon! Grabe! Gano’n pala ang feeling!"
Nagmadaling kumain at nag-ayos si Regine. Masayang pumasok ang dalaga kahit na sa kabila ng kanyang kalungkutan, nakukuha niya itong ma-divert kay Ric.
"Dad mag-aaral po ako ng mabuti! Promise! Kahit matino na lahat ng grades ko. Gagalingan ko pa po."
Pagpasok niya sa loob ng silid aralan. Sinalubong siya ng yakap ni Gracia.
"Condolence Regine," sambit nito.
"Salamat," nagtutubig ulit ang kanyang mga mata.
"Sana hindi ka na muna pumasok. Walang Professor ngayon dahil nagkaroon ng meeting para sa Graduation Venue," pag-aabiso ni Gracia sa kanya.
"Alam ko naman, gusto ko lang mag-review sa library para sa Remedial Exam."
Siya lang ang hindi pumasa sa buong block section nila. Napangiti si Gracia at binitbit ang bag.
"Halika, tutulungan kita. Para kahit mag-remedial exam ka. Mas mataas ang makuha mong grade!"
Narating nila ang library at nakuhang mag-aral ng leksyon ni Regine. Patingin-tingin din siya sa kanyang cellphone dahil hinihintay niya ang text ni Ric.
"Ano bang mayroon sa cellphone mo? Bakit ba tingin ka nang tingin?"
"Eh, hinihintay ko kasi si Ric."
"Sus! In love na in love! Teka? Saan ka pala nakatira? Mag-isa ka lang ba sa bahay niyo?"
Umiling si Regine at ngumiti. Sumingkit ang mga mata ni Gracia at para bang may naamoy itong maganda.
"Teka, may naamoy ako," lumipat ng pwesto si Gracia at nagpakita ng interes na makinig sa sasabihin ng kaibigan.
"Saan nga?! Magkasama na kayo ni Ric? Nag s*x na ba kayo?"
Biglang kinuha ni Regine ang libro at tinakip sa mukha.
"Oh sabi na! Paano dali, masarap ba? Anong feeling?!" sunod-sunod na tinanong ni Gracia.
"Gaga! Wala! Hindi naman natuloy."
Para bang pinagbagsakan ng langit at lupa si Regine habang nakatingin sa kanyang kaibigan.
"Ows? Huwag ako Regine! Kilala kita! Patay na patay ka kay Ric! Game na game ka pagdating sa kanya! Tigang kumbaga," pang-aasar ni Gracia. Nakatikhim ng batok ang kaibigan niya dahil sa sinabi nito.
"Baliw wala nga! Bitin talaga, promise! Sabi niya sa'kin, maaga pa para sa ganoong bagay," matamlay niyang pagkukuwento. Nagtaka siya kay Gracia dahil sa sobrang kilig nito.
"Putres! Nakakakilig! Sana lahat ng lalaki ganyan! Kahit na inihain mo na ang sarili mo ng hubo't hubad, rerespetuhin at hihintayin ka pa rin! Napaka gentleman naman ni Ricardo! Kahit hindi mo natikman ang Junior niya," pagbibiro ni Gracia.
"Ibang klase 'yang bibig mo! Mag-aaral na ako. Ano-anong pinag-uusapan natin," wika niya at ngumiti.
"Sus, kung alam ko lang. Bitin na bitin ka until now!"
"Hay, Gracia mag-aaral na ako. Baka Ricardo Junior ang maisagot ko sa Remedial! Nakakahiya at ako lang ang bagsak!"
"Magpaturo ka kaya sa kanya! Tapos akitin mo! Nako, promise gagana 'yan!"
Ngayon na mag-isa na lang siyang pababa mula sa library, alas tres na ng hapon at oras na ng pagkikita nila ni Ric. Muli siyang napatingin sa kanyang cellphone at dito nakita ang Law Firm na kanyang inapplayan.
"Good Day Ms. Perez, are you still interested with the Job offer?"
Napatingin si Regine sa kanyang cellphone at wala pa naman reply si Ric.
"Tama, hanggat wala si Ric. Pupuntahan ko na ito!"
Dali-dali siyang tumakbo upang makahanap ng Taxi. Kahit saan pumunta ang dalaga, lagi siyang kumpleto. Mula sa mga papeles niya. Hindi din niya alam sa sarili kung bakit pakiramdam niya'y hindi kumpleto ang buhay niya kung basta na lang niyang iiwan ang mga importanteng gamit sa bahay.
Nakalipas ang ilang minuto, nakuhang marating ni Regine ang building kung saan matatagpuan ang Law office.
"Wow, ang dami pa lang office ng mga Attorney dito," sambit niya at nakitang dikit-dikit ang mga opisina. Pumukaw sa mga mata niya ang naglalakihang letra ng pangalan ni RICARDO DAVID II. Ayaw niyang ipaalam na gusto niyang magtrabaho, lalo na't ibang Attorney ang kanyang pagtatrabahuhan.
"Nako! Paano ko lalagpasan ang office ni Ric! Nasa dulo pa ang inaapplayan ko!"
Bahagyang sumilip si Regine sa office ng nobyo at nakita niya itong may katabing babae.
"Who is she?" Kumirot ang kanyang puso. Sinubukan niyang tawagan ang dibdib. Napasilip ulit siya sa loob at nakitang hinawakan ni Ric ang cellphone. Hinihintay ni Regine na sagutin nito ang kanyang tawag.
"Pick-up."
Nakaramdam ng lungkot ang dalaga dahil ibinaba at hinayaan lang ni Ric ang tawag niya. Wala sa wisyong naglakad ang dalaga at diniretso ang Law Office para sa kanyang interview.
"Good afternoon po. Pasensya na po at hindi ako nagpasabi. Namatayan po kasi ako," sambit niya sa isang lalaking Attorney.
"No, it's okay. I know you, laman ka ng balita. Condolence."
Napangiti na lang si Regine sa sinabi nito. Ilang pagtatanong mula sa Attorney.
"Congratulations. We'll see each other again," masayang sinabi ng Attorney at kinamayan siya.
"Hired na po ba ako?"
"Yes, pero hindi tayo mago-office. Sakatunayan, lilipat na rin ako dahil tapos na ang kontrata ko sa lessor."
"Salamat po Sir!" Sa paglabas niya, nakahinga ng maayos si Regine dahil sa sobrang bilis kausap ng Attorney. Nasa mid forty's na ang kausap niyang lalaki. Ngayon na hindi niya alam kung paano tatakbo babaa upang hindi makita ni Ric.
"Regine?"
Parang nabuhosan ng malamig na tubig ang dalaga dahil sa boses ni Ric.
"What are you doing here?"
Hindi makaharap ang dalaga.
"Kanina ka pa ba dito? O ngayon lang? Anong oras ka pumunta dito?" Sunod-sunod na tanong ni Ric sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Inalis ni Regine ang kamay niya at tinago sa bulsa ng palda.
"Ngayon lang, Pauwi na rin ako," matamlay niyang sagot.
"Bakit ka nandito? Alam mo pala ang office ko."
"Hindi, wala akong alam sa'yo. Nandito ako para sa trabaho," diretsong sagot ni Regine at hindi pa rin niya makuhang makatingin sa mga mata ni Ric. Nagsimula siyang maglakad at hinatak ni Ric ang kamay niya.
"May problema ba?" Muling nagtanong si Ric.
"Isa pa, bakit ka nag-aapply sa Law Firm? Nag-aaral ka pa, graduating ka. Mas kailangan mong mag focus sa last three months," dagdag ng binata.
"Kaya kong mag focus sa bagay na gusto ko. Kahit sabay, o pagsasabayin ko pa," wika ni Regine at may laman ang mga salitang sinabi niya. Napabuntong hininga si Ric at hinawakan ang kamay niya. Mabilis naglakad ang binata para marating nila ang sasakyan.
"Huwag kang mag trabaho. Mag-aral ka na muna, sulitin mo ang tatlong buwan. Tiyaka huwag na sa Law Firm," pilit siyang kinukumbinse ng kanyang nobyo.
"Tumawag ako, k-kanina. Bakit hindi mo sinasagot?" Malayong sagot at pagtatanong ni Regine.
"Ah, naiwan ko ang cellphone ko sa drawer. Naka-silent din kasi. Sorry."
"Ah, ah talaga ba? Okay," pilit niyang pagngiti.
"Saan mo gustong kumain? Gutom na din kasi ako," paglalambing ni Ric at hinawakan ang kamay upang halikan.
"Umh, pahatid na lang sa bahay nila Gracia. May nakalimutan akong ibigay sa kanya," para bang walang baterya si Regine na sumagot sa katanungan ni Ric.
"Oh sige, pero after no'n kumain tayo," pagpupumilit ni Ric na pumayag si Regine.
"Hindi, mauna ka na munang umuwi. Kailangan ko rin kasing mag-review kasama si Gracia."
Napabuntong hininga si Ric. Alam niyang may kakaiba sa babaeng kaharap niya. "Regine, ayaw mo ba akong kasama?"
"Ha? Hindi. Gusto ko lang ma-perfect ang exam. Hindi ba't sinabi mong mag-aral ako ng mabuti?"
"I can help you naman sa bahay."
"Hindi na Ric, pagod ka na sa trabaho. Ayoko naman na dumagdag pa ako."
Pumreno ang binata at tumigil sila sa kanto. Hinarap siya nito at hinawakan ang kamay niya. Napatingin si Regine at napaatras dahil sa unti-unting paglapit ng mukha ni Ric. Naramdaman niya ang lambot ng labi nito. Napaatras si Regine at napakapit sa bag niya.
"Alam kong galit ka. I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Busy lang ako."
Naiinis si Regine sa sarili niya dahil ang bilis niyang bumigay kahit na kitang-kita niya ang kaganapan kanina. Kung paano winalang bahala ni Ric ang tawag niya. Hindi nakakibo si Regine at ilang sandali, narating na nila ang bahay ni Gracia. Ngumiti na lang si Regine at hinintay na umalis ang kotse ng nobyo.
"Hindi naman talaga ito ang bahay ni Gracia."
Gusto niyang mapag-isa. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan mag sinungaling ni Ric sa kanya.
"Maganda naman ako, sexy, gusto din ng mga kalalakihan sa school. Bakit may kulang pa ba? Marunong akong magluto. Bakit mukhang ibang putahe ang gusto niya? O dahil ba bata lang ako sa kanya? Dahil wala akong alam? Hindi ko kayang i-satisfy ang gusto niya?"