Climax 6
FLASHBACK
Ginabi sa pag-uwi si Regine dahil sa walang humpay na paglalakad sa kalye.
"Hindi totoo ang mga nababasa kong love story. Lahat kathang isip lang ng writer," bulong niya at hinubad ang sapatos. Pagpasok niya, nagulat siya dahil nakatayo si Ric at seryoso ang mukha.
"Kaninong bahay 'yon?"
"Kay Gracia," pag-iwas niya at diretsong naglakad. Hinablot ni Ric ang braso niya at idinikit sa katawan nito.
"Ric, magpapalit na ako," walang ganang sagot nito.
"Hindi mo ako maloloko Regine. Kaninong bahay 'yon? Bakit doon ka nagpababa?"
Naramdaman ni Regine ang mainit na palad nitong hinawakan ang magkabila niyang balakang.
"Ric, inanatok na ako," sagot niya at nag-iwas tingin.
"Bakit ka nagsisinungaling? Sinong nakatira doon at bakit ka nagpababa. Answer me," seryosong pagtatanong ni Ric sa kanya.
"Ikaw Ric, sa propesyon mo bilang Attorney. D'yan ka lang ba nagsisinungaling, o pati sa pribado mong buhay?"
Binitiwan siya ni Ric at umatras. "Trabaho ko na ipaglaban ang client ko. Kung magsisinungaling man, kailangan kong ipanalo ang kaso," aniya ni Ric.
"Okay, sige matutulog na ako," pagpapaalam niya rito, ngunit hindi siya satisfied sa sagot ni Ric.
Hinatak siya nito at hinagkan. "Mas mahirap pa sa mga kaso na hawak ko, na alamin ang problema natin. Bakit ba ang lamig mo? Hindi ka naman ganyan."
"Sino ba kasi 'yung kasama mo kanina! Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko! Iba ang sagot mo sa nakita ko!" mga salitang nasa isip lamang ni Regine.
"Ric, na-stress lang ako. Alam mo naman kakamatay lang ni Dad. Hindi ko kayang magsaya," pagdadahilan ni Regine.
"Gagawin ko ang lahat upang mahanap ang malinis na ebidensya para sa Daddy mo. Good night Regine my soon to be wife, " maamo pa sa tupa na sinabi ni Ric at hinalikan siya nito.
Nagmadaling umakyat si Regine at sinara ang pintuan. "Hindi na ito biro. Lagi na kaming naghahalikan!"
Halos sumabog na ang kanyang puso dahil sa nararamdaman kay Ric. Dumagdag pa ang palaging paghalik nito sa kanyang mga labi.
"Huwag kang tanga Regine, kailangan ko na munang malaman kung bakit at sino ang kasama niya kanina!" Umiling-iling si Regine.
Ilang oras ang nakalipas, sinigurado ni Regine na natulog na si Ric pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto. Gustong- gusto niyang kumain. Ni hindi pa siya nag-hapunan. Agad binuksan ng dalaga ang fridge at kinuha lamang niya ang kapirasong tinapay at gatas.
"Ric!" Bulalas niya at nabuhos sa katawan niya ang fresh milk. "Ano ba? Ugali mo bang manggulat ha?!" pag sigaw niya at hinampas ang binata na tumatawa.
"Akala ko kasi daga," pagbibiro nito.
"Ewan ko sa'yo! Kainis ang lagkit!" reklamo niya.
Lumapit si Ric at hinalikan ang gilid ng labi niya. "May gatas," nakakaakit na binulong ni Ric sa kanyang tenga at muli siyang tinapunan ng halik ni Ric papunta sa leeg niya.
"Ric! Wait," pagpipigil niya.
Ang gatas na nagkalat sa dibdib niya ay hinalikan ni Ric. Inupo siya nito sa kitchen counter at naramdaman niya ang pagmamasahe nito sa kanyang dibdib.
"Ricardo!"
Hindi nagpaawat ang dalaga nang sumagi sa isip niya ang babaeng nasa opisina ni Ric. "Magaling kaya 'yon?" mga katanungan sa isip niya habang hinahalikan at minamasahe ni Ric ang dibdib niya. Tinulak ni Regine ang nobyo at marahas na hinawakan niya ang boxer shorts nito pagkatapos ay pinasok bigla ang kanyang kamay.
"Oh Damn, Regine," pagpigil ni Ric.
Nagsiakyatan ang milyong boltahe sa katawan ni Regine dahil sa mainit-init niyang hawak. Pinipigilan siya ni Ric ngunit hindi tumigil si Regine. Biglang lumuhod ang dalaga at hinarap ang kanyang hawak-hawak. Akmang isusubo ng dalaga ang hawak niya pero umatras si Ric at binuhat siya.
"Ric, ohh why?" ungol niya dahil naramdaman na lang niya ang daliri nito sa loob ng p********e. Masakit at mahapdi ang kanyang nararamdaman habang nakakapit sa balikat ng nobyo.
Umaalingawngaw sa kusina ang ungol ni Regine kahit pigilan niya, ito'y kusang lumalabas sa kanyang bibig. Mas lalong nag-init ang mukha ni Regine dahil sa alam niyang mararating na niya ang sukdulan.
"Damn, Ric! These are just fingers!" Sigaw ni Regine, kusang umarko ang kanyang katawan nang maramdaman ang kanyang init.
"Hot." bulong ni Ric. Napakagat labi si Regine at pinigilan ang sarili na batukan si Ric.
"Bakit hanggang doon lang?" reklamo ni Regine. Ngunit hindi niya ito masabi. "Bakit inuunti-unti ako ni Ric!" Hindi na siya kumibo at kinagat na lang ang ibabang labi. Kusang si Ric pa ang nagsusuot ng bra para sa kanya.
"Maligo at matulog ka na pagkatapos," humalik ito sa noo niya at hinatid papasok sa kwarto.
"Damn it. I think, I reached my climax," bulong niya at ngumiti.
Halos magtatalon siya sa loob ng banyo habang naliligo.
"Ric! Binibitin mo pa ako! Feeling ko pagkatapos ng kasal, doon ko mararamdaman 'yon. Pabitin ka pa! sisiguraduhin kong ready ako sa bagay na 'yon! Isusuko ko ang Bataan ko sa'yo!"
***
Kinabukasan, para bang nabura sa utak ni Regine ang kanyang pagseselos sa babaeng kasama ni Ric sa opisina. Ngayon na sabay silang nag-almusal.
"Anong oras ka aalis?" Regine asked him left a kiss on his forehead.
Muling bumalik ang atensyon ni Ric sa dyaryong binabasa habang umiinom ng kape.
"Hindi ako aalis, hahatid kita," wika ni Ric.
Napatikom ang bibig ni Regine at yumuko. Kilig ang nararamdaman niya, tila nagkakarerang kabayo ang kalabog mula sa puso niya. Sinulit niyang hindi siya nakikita ni Ric dahil natatakpan ang mukha nito sa binabasa.
"Okay ka lang?" pagtatanong ni Ric sa kanya. Nagulat si Regine "Bakit ang pula ng mukha mo? May lagnat ka ba? Baka nagbabad ka kagabi sa pag ligo?" nag-alala si Ric at hinawakan ang leeg niya.
"Hindi, wala akong lagnat! Magde-date ba tayo after ng remedial exam ko?"
"Sure, saan mo ba gustong pumunta?"
"Gusto kong tumingin ng gown," ngumuso si Regine at pinisil ang braso ni Ric.
"Hindi ba't sila Mama at Papa na ang bahala ro'n?"
"Eh gusto ko lang din," sagot niya at hinawakan ang kamay ng nobyo.
"Okay, as you wish my lady."
Nang marating nila ang paaralan. Isang subject para sa remedial examination lang ang pinasok ni Regine. Natuwa siyang lumabas lahat ng inaral niy kahit silang dalawa lang ng pinaka kinaiinisan niyang Professor ang nasa loob ng silid aralan. Nakuha niyang magalak dahil hindi siya nahirapan sa pag-sagot. Ilang sandali at natapos na niya ito.
"Wait the result Ms. Perez," seryosong sinabi nito.
"Ah-eh, Okay po," umupo siya ulit sa puwesto at para bang init na init na ang puwitan na lumabas. Palingon-lingon siya dahil baka sunduin siya ni Ric. Kilala at alam ng lahat ang relasyon nila. Kaya walang makakagalaw kay Regine bukod sa alam nilang Attorney ang Fiance nito.
"Ms. Perez," nagulat si Regine dahil sa seryosong pagtawag ng guro."You passed the exam with flying colors. Congratulations, sigurado akong proud si Dave sa'yo," para bang babagsak na ang mga luhang namuo sa mata niya. Sa ilang taon niyang Professor ang matanda, ngayon lang siya nito nginitian at na-appreciate.
"Sir, salamat po!" Ngumiti lang ang matanda at nauna na itong lumabas. Kinuha lang ng Professor ang grade niya at binalik sa kanya ang test paper.
Tumakbo si Regine at hinanap ang nobyo. Mula sa Second floor, nakita niya si Ric na may kausap sa cellphone. Nakita niya ang patawa-tawa at sobrang pag-ngiti nito. Napanguso si Regine at nagmadaling bumaba. Dahan-dahan siyang lumapit dito at gusto niyang marinig ang pinag-uusapan ng nobyo niya.
"Okay, I'll see you, again and again," sambit ni Ric at tumawa pa bago ibaba ang linya. "Oh Reg!" gulat na bungad nito.
"Sinong kausap mo? Ilang beses dapat kayong magkikita?"
Natawa si Ric at umiling."Bagay nga tayo, Attorney ako. Imbestigador ka naman. Client 'yon. Alam mong sila lang ang kausap ko, bukod sa magulang ko at ikaw."
"Siguraduhin mo lang Ric. Baka ipaglaban mo ang sarili sa husgado kapag niloko mo ako habang kasal tayo," matapang nitong sinabi.
"No, I will not do that Regine. How was your exam? Pasado? O lagpas pa sa ceiling grade?"
Parang baril na inilabas ni Regine ang test paper niya sa harapan ni Ric.
"Congratulations! You deserve a dinner date," masayang pagbati ni Ric sa kanya at parang tarsier na sumabit si Regine sa nobyo.
"I love you Ric! I love you!"
"Love you too Regine," bulong nito at binaba siya. "Let's go? Huwag ka nang tumingin ng gown. Mag pakalayo-layo na lang tayo," kumindat si Ric sa kanya at parang bata na tumakbo ang dalawa papunta sa sasakyan..
"Sana hanggang dulo mahal mo pa rin ako, kahit na napaka layo ng agwat natin. I promise, lahat gagawin ko para maging mabuting asawa sa'yo. Kasabay ng pag-graduate ko ang pagtatapos ng buhay party at pagiging dalaga."