Climax 7 THE PRESENT Hawak ni Regine ang kalahating sako ng clay at inilapag ito sa tabi ng throwing machine upang makagawa ng paso pati mga ceramic ware. Sa ilang taon na nakalipas, ang pinapangarap niyang Pottery Shop ay natupad na. Ngunit ang pamilyang kanyang inaasam ay hindi pa rin natutupad o dinidinggin ng Diyos. "It's been twelve years since Ric and I got married. Until now, I still don't call our relationship as a 'family'. Paano mo ba masasabing pamilya, kung kami lang dalawa pagkatapos ng labindalawang taon. Yes, we still don't have kids. Nanatili akong tahimik at hindi nagrereklamo. Ito ang gusto niya, gusto lang niya ng companion. Ayaw niya yatang magkaanak. weird right?" kinakausap niya ang halaman na kaharap ngayon. "Nakuha ng mamatay nila Mama Athena at Papa Cardo,

