Binabaybay namin ang papuntang Manila ngayon. Nasa hulihan lang ako at nasa unahan naman si Persy dahil ito na ang nakagawian naming gawin. Ayaw kong maulit ang nangyari before na umuna kami ni Persy at nawala bigla si Zeira dahil sa may nakaagaw ng atensyon nito. Ang makulit na babae natutuwa pa dahil napadpad daw siya sa lugar na maganda raw kuno. Halos talahiban nga siya napadpad noon eh. Buti nga at na-track namin siya agad dahil open ang GPS niya. Buti na lang din at hindi pa siya nakipagtaguan sa amin. Grabe nga ang kaba naming tatlo kasi wala talagang sense of direction ang kambal lalo na si Zeira. Baka mapaano pa. Kahit naman marunong kami na makipaglaban at depensahan ang sarili namin ay hindi pa rin kami kampante. Napapanatag kami pagsama-sama kami. Kaya lesson learned talaga sa

