Kakatapos lang namin kumain sa labas para i-celebrate ang pagtatapos namin ni Persy ng high school. It is time na rin para pumunta sa underground kung saan kami magkakaroon ng laban for the last time dahil sa Manila na talaga kami titira. 'Yon din ang sabi nina tita sa amin kani-kanina lang bago kami um-attend ng graduation day namin dahil may dorm naman daw sa papasukan namin. Kaya no need na raw na bumalik pa kami rito ni Persy.
"After niyong pumunta sa pupuntahan niyo ay diritso na kayo sa airport ha? At ikaw Persy magtino ka na, okay?” sabi ni ninang sa amin. “Akalain mo na halos lumuwa ang mga mata ng batchmates ninyo dahil sa nalaman nila. Sayang din naman kasi, anak. Pero epic talaga 'yong nangyari kanina." Sabay tawa niya nang maalala ang graduation day namin kaninang umaga.
Kulang pa nga ata ang description na lumuwa ang mga mata ng mga batchmates namin that time. Noong tianawag na ang salutatorian ay pangalan ni Persy ang tinawag kaya wagas sila maka-react talaga. As in sobrang lakas ng pagkakasabi ng 'huh' at 'ano’ o ‘what’. Nakangiti rin ang bruha dahil alam niya na naiinis ang batchmates namin sa nangyari and besides, she deserves it din naman. Kaya nga good choice talaga na hindi na sinabi kung sino ang top 2. Nagtaka nga rin ang iilang parents kung bakit ganoon na lang inakto ng karamihan. Hahaha.
Pagkatapos ng gulatan sa mga oras na 'yon ay ako naman ang tinawag. Ang daming ka-ek-ekan ang nangyari. The usual na ginagawa pag graduation day. Ang mas malala ay kinausap ni Mr. Perez ang parents namin na mag-enroll sa university nila na siyang ini-expect naman namin ni Persy dahil panay tingin lang ito kina titan ang makita niya ang mga ito. Agad na tumanggi sina tita dahil nga buo na ang desisyon namin lalo na ako. Ayaw raw niyang hadlangan kung anong gusto namin. Besides, sapat na ang apat na taon na ginugol namin sa school nila para umangat na ang ranking ng school nila sa Asia. Kaya wala raw kaming utang na loob sa kanila bagkus, sila pa ang may utang na loob sa amin dahil sa ginawa namin ni Persy. Walang nagawa si Mr. Perez kundi pumayag at 'di na umangal pa. Kilala pa naman sina tita bilang isang friendly na business woman pero mabagsik pag-inaapakan o pag binabastos. Kaya hindi namilit si Mr. Perez na siyang ikinatuwa namin ni Persy. Baka saan pa siya pulutin kung mamimilit pa siya.
"Whatever! Hindi naman ako ang magkakaroon ng heart failure sa huli. They judge me kasi. Kahit ganito ako may utak ako, ano? Unlike others." Maarteng depensa naman ni Persy sa kaniyang sarili kaya mas lalong natawa si ninang.
Hindi rin namin naiwasan ni tita na matawa na rin sa kaniya.
"Sige na. Uuwi na kami ng mama ninyo lalo na't sobra kaming napagod kanina,” sabi na lang ni tita. “Mag-ingat kayo, okay?" Paalala pa niya sa amin.
Tumango naman kami at sumakay na sa kaniya-kaniyang kotseng dala namin.
Dala ko ang Bugatti Veyron ko na may combination na black and red. Kay Persy naman ay Bugatti Chiron Colorized.
Habang binabaybay namin ang kalsada ay biglang tumawag sa akin si Persy na nasa unahan ko lang.
"Magbihis muna tayo sa hideout natin. Para hindi tayo magmukhang ewe mamaya," sabi niya agad nang sagutin ko ang kaniyang tawag.
"Sige. Nandoon na ba ang kambal?"
"Oo, nandoon na sila kanina pa nga. They texted me. Hindi mo na naman siguro binasa ang inbox mo, ano?" Natatawang tanong niya sa akin.
"As always. Katamad kaya." Pag-amin ko.
Mas gusto ko talaga na tawag kaysa sa text. Nakakapagod magtipa ng sasabihin tapos maghihintay kailan magre-reply. Why not diritso tawag na para mabilis at magkakaroon ng maayos na pag-uusap, diba? Minsan din kasi ay nakaka-misinterpret ang text. I don’t know if sarcastic na ba ang laman ng message or not.
Tinawanan niya lang ako at agad kong pinatay ang tawag. Tinabi ang earpiece ko bago nag-concentrate na sa pagmamaneho.
Agad akong bumaba sa kotse nang makarating kami sa hideout namin na may dalawang palapag lang. Kung titignan mo sa labas para lang siyang bahay ng isang taong nasa middle ang katayuan sa buhay. Pero pagpasok mo siguradong bagsak ang panga mo dahil sobrang modern ang nasa loob ng bahay.
Lahat ng mga materialis na gamit sa bahay ay galing din sa company namin. Ang iba naman lalo na sa mga furniture at decoration ay sa business ng family ng kambal. Sa amin na rin ang technology and what so ever na makikita sa loob.
Pumasok naman agad ako sa kwarto ko sa hideout at agad na nagbihis. The usual get up namin pagpumupunta kami sa underground.
I'm wearing a tank top na color white, fitted ripped jeans at sinamahan pa ng flat ankle boots. Inilagay ko naman sa braso ko ang bilog na bakal na parang katulad sa mga sinusuot ng Greek Goddesses at naglagay rin ako ng kung ano-ano sa mukha ko. Para maiba ng kunti ang features ng mukha, if in case na matanggal ang susuotin naming cloak. Iwas gulo na rin kasi. Hindi naman din kasi maiiwasan na may mga pangyayaring hindi inaasahan. It is better to be prepared than never.
Nakarinig na lang ako ng katok sa pinto kaya agad akong lumabas. Baka sirain pa ng isa sa kambal ang pinto ng kwarto ko pagnagtagal pa ako. Mahirap pa naman maging excited sila dahil naninira ng gamit pagnagiging pagong kang kumilos. Mabilis kasing mainip minsan ang dalawa.
"As always, maganda pa rin este dyosa pala." Hagikhik ng dalawa kay napa-irap ako agad.
Sumunod na rin ako sa kanilang bumaba.
"Mabuti, tapos na rin kayo. Magsuot na kayo ng cloak para complete na ang get up nating apat. Para makaalis na rin tayo." Nakangiting sabi ni Persy sabay lahad sa amin ng cloak na may iba't-ibang kulay.
Nagmumukha kaming kulto sa cloak namin. Pero ang cool kaya lalo na pagkami ang nagsusuot at trademark na namin kasi ito, kaya bawal na hindi suotin. Hindi kasi kami mahilig sa mask kaya ang ginagamit namin pang tabon sa mukha ay balabal. Hindi naman kami nababahala na may makakilala sa amin. Iyong hood naman niya ay malaki kaya natatakpan ang half ng mukha namin.
"Let's go?" tanong ni Zeira na kumikinang na ang mga mata dahil sa excitement.
Gusto na kasi niya talagang pumunta sa underground.
Same get-up lang kami at kulay ng cloak namin ang magkaiba. 'Yong akin gold and black, kay Persy ay gold and red. Sa kambala, kay Zeira ay gold and white at kay Zaina naman ay gold and blue.
***
Rinig na rinig namin ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa loob at sinisigaw ang pangalan ng grupo namin. Eksaktong alas-diyes ng gabi kami dumating sa underground.
Nilingon naman ako ng tatlo kaya tumango naman agad ako. Nauna na silang pumasok sa loob at ako? Lumihis na ng landas. Pumunta ako sa pinakamataas na parte ng underground para roon maupo dahil hindi naman kasi ako lalaban unless if it is needed. Sa sobrang dilim na parte ako pumupwesto dahil ayaw ko na may nakakakita sa akin. Wala namang nakakapansin dahil magaling ako sa ganiyang bagay. Magaling ako sa taguan at pagtago ng presensya ko. I don't know. Nakasanayan ko lang din kasing gawin kaya easy na lang sa akin.
"Hindi ka ba tatabi sa amin? Kahit ngayong gabi lang?" tanong ni Persy sa akin.
Nakaupo na siya sa upuan na naka-assign na sa kanila, I mean sa amin pero tatlo lang na upuan ang meron. Sa kanila lang, kasi alam naman ng nag-organize ng laban na ito na hindi ako darating. 'Yon ang pinapalabas lagi namin.
May nakakabit kasing earpeice sa amin kaya kahit saan kami ay nagkakarinigan pa rin. Matutunton din namain ang bawat isan if in case na may mangyaring masama or ambush.
"Yeah. I'm more comfortable here kaysa riyan," sagot ko.
Napairap tuloy silang tatlo sa aking sinabi. Mukhang hindi talaga ma-gets kahit kailan kung anong gusto ko sa buhay.
"Killjoy ka lang talaga kahit kailan. Psh," komento naman ni Zaina na ikinatawa naming tatlo.
"Sobrang ingay na ng gabing ito dahil narito na finally ang pinakahihintay ng lahat. Walang iba kundi ang Greek Goddesses! Ang numero sa underground!" Sigaw ng announcer.
"WOOO! Be mine, Deux (Do)!" Tinutukoy nila ay si Persy.
"ANG HOT MO, TROIS (Twa)!" Which is si Zaina
"QUATRE (Katr) MY LAAAAAAABBBBBSS!" Which is si Zeira
Code name namin ay French numbers. Na-trip-an lang nina Persy kaya pi-nush na rin ng dalawa. Cool lang din naman para sa amin. Madali lang din maalala.
'Yan lang naman din ang palaging naririnig sa underground pagnandito kami lalo na iyang tatlo. At ako? Minsan akong lumabas kaya minsan naiisip nila na unofficial ako na member ng grupo. Hindi naman ako na o-o-offend kasi mas okay pa nga sa akin 'yon. Lumalabas lang ako pagdihado na talaga ang grupo namin at kailangan na nila ang tulong ko. Kung sasali ako sa simula ng laban ay I'm sure ako ang susugurin ng tatlo dahil tinatapos ko na agad ang laban. Minsan ako na ang nagbubugbog sa nakakalaban namin kaya minsan ay 'di nila na i-enjoy lalo na't kunti lang ang mapapataob nila. Ngunit, gusto nila na makasama ako sa baba dahil marami ring gusto akong kalabanin at ginagawa nila akong attraction sa kalaban. What I mean is malaking pain.
Pag may nakakita sa akin, either hahamunin ako sa single battle or hahabulin ako para makausap. Ngunit ang nakakatawa pa minsan ay magpa-picture pa talaga. Kamuntikan na rin akong mahalikan ng kung sino man kung nagkataon na hindi ako nakaiwas agad. Kaya umiiwas na rin ako. Ayokong maulit ang mga pangyayaring iyon.
"And now, ang kalaban nila ay walang iba kundi ang Black Fangs!" Sigaw naman ulit ng announcer.
Mabilis namang tumayo ang grupo ng Black Fangs at pumunta sa gitna ng arena. Sumunod naman ang tatlo at ginawa pang runaway ang nilalakaran nila. Kaya mas lalong nag-ingay ang mga gangsters na narito. Kung pwede lang talaga bumaha ang laway baka bumaha na talaga rito. Ang dadami kasing gangsters na gustong ikama ang grupo namin. Magaganda naman kasi talaga kami which is plus talaga namin lalo na’t magaganda rin lahi at genes ng parents namin. Biniyayaan pa ng tangkad at ka-sexy-han.
One-time nga, nalaman namin na may nagpupustahan kung sino ang unang lalaking mapapansin ng grupo namin. Kahit isa lang sa amin ay makuha niya. After ay hindi na nangyari pa. Bigyan ba naman nina Persy ng karampatang parusa. Though, ayaw naman talaga namin makipaglaban outside sa arena ng basta-basta lang. Kaso namumuro na rin ang grupo ng mga kalalakihan sa mga panahon na 'yon. Nilagay lang nina Persy sa tamang lugar ang grupo nila baka kasi dumami pa sila na gumawa ng ganoon. Kasi rin, baka lumaki ang mga ulo at baka mabalitaan namin na nanggagahasa na pala sila. Kaya simula ng mangyari 'yon ay wala ng nagtangka pa. Except na lang sa mga baguhan na ang lalakas talaga ng mga loob. Lalo na’t hindi pa nila kami masyadong kilala at hindi pa laging nakikita. Madalas lang talaga kami lumabas. Minsan lang kasi may mag-aya na kalabanin kami.
"Attention seeker talaga," komento ko sa ginawa nila kaya mas lalo silang ngumiti.
Kitang-kita rito lalo na't half lang ang nakikita sa mukha nila. Kaya mas lalo tuloy nagsigawan ang mga taong nandito kasi malaki talaga ang hatak ng mga ganiyang datingan talaga. Malaki kasi talaga ang impact ng mga taong misteryoso o mas nakakaagaw sila ng pansin. Lalo pa’t masyadong mahihilig ang mga tao sa may mga thrill na bagay. Gusto na kasi ng karamihan na makita kung ano ba talaga itsura namin. Kung totoo ba na magaganda kami or not.
"Mas nararamdaman namin na dyosa kami pag ganoon ang lakad namin," sagot naman ni Persy na ikina-giggle naming tatlo.
Ang kulit kasi talaga. Parang hindi sasabak sa laban ang mga ito. Hahaha.
"The fight begins!" Anunsyo ng announcer sabay putok sa baril na kanina pa niyang hawak. Hudyat na simulan na ang laban.
Nangalumbaba na lang ako makalipas ng ilang minutong pag-start nila ng laban. Halos makatulog ako dahil 'di masyadong pinagpawisan sina Persy. Aliw na aliw naman ang kambal dahil naiinis ang kalaban nila dahil nakikipaghabulan pa talaga kasi sila. Nagiging childish na naman ang dalawa kaya pulang-pula na sa inis ang kaharap nilang dalawa. Paglaruan ba naman.
"Parang bata talaga," sabi ko na mas lalong ikinangiti ng dalawa.
"Huwag kang ngingiti-ngiti! Ang duwag mo dahil panay takbo ka lang at ilag!" Inis na sabi ng isa na kalaban ni Zeira.
Sa isang kurap lang ay tumilapon ang lalaki sa isang wall ng underground. Hindi pa nakuntento si Zeira dahil mas lalo niyang binaon pa sa dingding nang makatalon siya palapit sa lalaki. Tinapon pagkatapos sa gitna ng arena at sinipa naman agad ni Zaina pabalik rito. Ginawa nilang parang bola ang lalaking nagreklamo sa kanilang dalawa. Nagsigawan naman ang lahat dahil sa ginawa ng mga ito.
Hindi naman nakakagulat na magawa nila ang mga 'yon dahil grabe 'yong insayo na ginagawa ng dalawa. Kulang pa ang pinapakita nila. Hindi pa nangangalahati sa totoong kakayahan ng nila.
"WOOOOOOOOO!"
"THATS MY BABY!"
"BOOOOOO! BOOOOOOO!"
Sigaw ng mga manunuod. Nang makitang wala ng malay ang lalaki ay binaling naman ng dalawa ang atenyson nila sa dalawa pang natitira. Si Persy ay apat na ang napatumba at umupo na lang sa gilid ng arena. Tapos na siya at hinayaan na lang niya ang kambal sa kalokohan nila kasi doon sila nasa-satisfied.
Fight is our happiness pag nasa underground kami at mas lalo pa kaming natutuwa pagnahihirapan ang ibang tao dahil sa amin. ‘Di naman kami lumalaban kung ‘di mas halang ang kululuwa sa grupo na kakalabanin namin. Kumbaga less ang guilt namin dahil kinakalaban lang namin ay ang mga taong worse pa sa amin. ‘Di kami basta-bastang lumalaban. Mapili kami lalo na pag alam namin na walang match talaga. We don’t want to humiliate people naman pag alam namin na they are starting pa sa mundong ginagalawan namin ngayon.
Aalis na sana ako dahil alam ko na ang kalalabasan ngunit nahagip ng tingin ko ang tatlong tao sa 'di kalayuan sa akin. May dalang sniper at ang target nila ay sina Persy. O sabihin na natin na ang grupo namin. Hindi ko alam bakit umabot talaga sa point na ganito.
Bago pa makapwesto ang dalawa ay mabilis akong tumakbo papalapit sa lalaking malapit sa aking area.
"Mali ata iyang posisyon mo, pre," bulong ko rito matapos kong makapwesto sa likuran ng lalaki.
Bago pa siya makaharap sa akin ay umikot ako ng 360 degree at sinipa siya agad sa mukha. Sa lakas ng pagkakasipa ko dahil sa nakabwelo pa ako ay tumabingi na ang ulo niya. Mabilis na dumaosdos siya pababa hanggang sa bumagsak na siya sa baba ng arena.
"AAAAHHHHHH!" Malakas na daing niya na siyang naging dahilan para matahimik ang iilang tao nakakita.
Naagaw naman niya kasi agad ang atensyon ng lahat. Napalingon sila rito sa taas at pinuwesto nila ang spotlight sa kinatatayuan ko kaya nakita nila ako. Hindi na ako nag-effort na magtago pa. Maraming napasinghap at ang tatlo ay nakangiti ng nakakaloko sa akin.
I just want to show them naman na even though hindi ako laging sumasama sa laban sa baba ay ma-aware rin sila na I am always around pag narito sa underground ang mga kasama ko. Isa na ring babala sa nagbabalak na magtangkang gawin ang ganito ulit sa grupo namin.
"Attention seeker pala, ha? May binabalak pa lang iba kaya hindi na sumama kahit alam naman na huling araw na natin dito." Natatawang sabi nila sa akin.
Hindi na ako sumagot pa. Binaling ko ang aking tingin sa kaliwa at kanan ko. Nakita kong nakapwesto ang dalawa pa and this time sa akin na nakatutok ang sniper na hawak nila. Bago pa nila makalabit ang gatilyo ay tumilapon sila pababa dahil nasipa at nasuntok sila ng kambal na mabilis na pa lang nakarating sa likuran noong dalawang lalaki. Ang final blow? Tumalon nang mataas si Persy para salubungin ang dalawang taong sinipa ng kambal at sinipa niya naman agad sa sikmura ang isa. Sa likod naman ang isa at sabay na bumulusok ng tuluyan ang mga ito pababa.
Rinig na rinig ng lahat ang mga butong nag-c***k. Pati ang announcer ay 'di na nakapagsalita dahil sa kinahinatnan ng tatlo dahil sa ginawa namin. Ang bilis din kasi ng mga pangyayari.
"Tsk! Dirty games eh? Better luck next time," bulalas ko after a couple of minutes.
Nagsisigawan na naman ulit ang mga taong narito nang makabawi sa gula. Nagsitapon na naman sila ng rosas sa gitna ng arena at sa gawi ko rin. Nagmumukha tuloy kaming nilalamayan dahil sa ginagawa nila pero ito na rin ang nakasanayan ng lahat pagnananalo ang grupo namin.
Halatang pinaghahandaan lagi nila pagnalalaman nila na lalaban kami. Nagsimula lang na ‘yon nang minsan na kaming mag-iwan ng green rose sa arena after our fight.
"Wow! Uno is here and mismo ako 'di ko naramdaman ang presensya niya.” Hindi makapaniwalang sabi ng announcer. “Kahit kailan talaga ay patas kang makipaglaban!” sabi niya sabay taas ng kamay niya na pinapakita na okay ang aking ginawa.
"I LOVE YOU, UUUNNNNOOOO!"
"UNNNOOOO! Akin ka na lang!"
"UUNNNNOO, MARY MEEE!"
Napapailing na lang ako dahil sa sinabi nila. Lumabas na rin agad ako dahil siguradong hahabulin na naman ako ng mga taong narito para magpa-picture. O 'di kaya ay tangkain na naman akong halikan.
"Run, Uno! Run!" Natatawang cheer ng tatlo.
Hindi ko alam kung underground pa ba napasukan ko o fan signing or meet and greet sa fans? Seriously?
"Pakyo!" Sigaw ko bago tumakbo na nga ng mabilis at sumakay sa aking Bugatti.
"Until now, Greek Goddesses is still on the top!" Huling narinig ko bago tuluyan akong nakaalis sa underground at makalayo sa mga gusto akong i-corner.
‘Yon din ang isa sa pinakamalaking ayaw ko pagnagagawi ako sa underground. Kung sa tatlo, maraming nagsisigawan dahil sa kanila. Ang akin? Halos maging stalker ko na sila dahil once na nila akong nakitang walang suot na balabal dahil sa nangyari noong 2nd year high school namin. Wala kasing make-up noon si Persy at natanggal ang balabal niya kaya agad kong hinubad ang akin para takpan siya. Na-expose ang mukha ko sa madla pero buti na lang ay kinulayan ko ang mukha ko at nag-iba ang itsura ko.
Let me say na back-up na iyong make-up churva sa mukha ko pero kahit nakita nila iyon dati ay kampante ako na walang makakakilala sa akin. Sa totoong buhay ay hindi ako gumagamit ng make-up, paglumalaban lang talaga. And I do believe the best mask talaga ay make-up. Nababago niya kung sino ka talaga kaya kampante lang ako. Besides, hindi ko rin naman hahayaan na matunton nila ako. Never in my wildest dream. Never!
I'm not Athena Hestia a.k.a. Uno from Greek Goddesses for nothing!