CHAPTER 3: CHOICES

3279 Words
Narito lang ako sa isang sulok ng classroom namin at 'di alintana sa akin ang ibang kaklase namin na panay kulitan lang sa isa’t isa. Sobrang ingay nila, dinaig pa ang nakalunok ng milyon-milyong megaphone. Hindi rin sila masyadong nababahala na baka may madisturbo silang klase sa kabila. Ewan ko ba sa kanila at ganiyan sila. Pwede naman kasi mag-usap ng sila-sila lang.   "So, saan ka mag-aaral? Luluwas ka ba ng Manila?"   "Hindi ko alam pero sabi nina mommy, ako raw ang bahala kung saan. Gusto ko sana sa Crystal University kaso 'di ko ata kaya eh."   "Sa Foyer University ka na lang. Sikat na university sa Manila iyon tapos mahigpit ang siguridad doon. For sure, mapapanatag parents mo. Kaso nga lang masyadong pinakadulo na iyon ng Manila eh."   "Baliw ka ba ha? Eh hindi pwede roon, ano. 'Di kaya basta-basta makakapasok doon kaya 'di ako mag-a-assume at ayaw ko roon. Balita ko nga, masyadong seryoso lahat ng tao roon. Baka mamatay ako ng maaga. Hindi ko atang makipagsabayan sa kanila. Mag-iisp na lang ako ng iba. Basta ‘wag doon."   Naagaw naman ng dalawang nasa harapan ko ang aking atensyon lalo na ang tungkol sa Foyer University na kanilang pinag-uusapan. Marami na rin akong nababalitaan about sa university na iyon. May isang student daw rito na nakapasok mismo roon na siyang laging napag-uusapan lalo na pagnababanggit ang tungkol sa Foyer University. Isa siya sa nag-top notcher at valedictorian din rito kaya 'di na nakapagtataka na magawa niyang makapasok at maging top notcher sa Foyer University. Kung hind inga nila pinag-uusapan ang tungkol sa university na iyon ay hindi ko malalaman na nag-i-exist pala iyon.   Naisipan ko na lang na lumabas na lang sa classroom kasi masyado na akong naririndi sa mga kaklase namin ni Persy. Hindi ko talaga kaya ang ingay nila. Sabay-sabay ba naman magsalita. Hindi ko nga rin alam saan ko ibabaling ang atensyon ko pagganito sila. Hahakbang na sana ako palabas nang saktong harangin ako ng dalawang co-officer ko.   I am the president of our Student Supreme Government ngayong taon. Pinasa agad sa akin ang posisyon na iyon bago palitan ang bagong SSG sa school na ito. Ewan ko ba sa may-ari at masyado akong pinipahirapan. Tatanggi sana ako kaso na-i-announce na sa lahat. Alam na rin nila na sa darating na election ay walang president na i-vo-vote kasi may elected na. Kaya heto.   "Bakit?" Agad na aking tanong.   Huminga muna siya ng malalim para bumalik sa normal ang kaniyang paghinga. Halatang nagmamadali siya. Nang maging okay na ang paghinga niya ay roon na siya nagsalita pa.   "Pinapatawag ka ni Mr. Perez. Importante ata dahil seryoso ang mukha niya habang inutusan kami na sabihin sa iyo.” Mabilis na sabi niya sa akin. “Mukhang tungkol sa nangyari between sa inyo ni Lily, Miss Hestia.” Dugtong niya pero bakas sa mukha niya na hindi siya sigurado.   Napaisip tuloy ako. Pero hindi naman malabo na tungkol nga roon ang pag-uusapan namin. Ini-expect ko na rin naman ang lahat after ng nangyari sa amin ni Lily sa canteen. Hindi naman ako nababahala dahil wala naman din akong kasalanan. Ayoko rin naman magsinungaling if ever na tanungin ako. Hindi ako pinalaki nina Tita Karie na maging ganoon. But I know how to keep a secret naman. It depends sa sitwasyon nga lang.   "It's about what happened last time, sis.” Singit naman ng kapatid ko na kakarating lang sa room namin. “Narinig ko kasing nagsisigawan sila noong napadaan ako sa Principal's Office,” sabi pa niya habang kumakain siya ng paborito niyang pagkain na tattoos.   Kahit kailan talaga, 'yan lagi kinakain niya. Comfort food na rin kasi niya since bata pa kami. Kinalakihan na. Masarap din naman kasing kainin kaso kalaunan ay nauumay ako na kainin. Masyado siyang salty eh.   "'Wag na po kayong mag-enroll sa ibang college po, Miss Hestia. 'Wag niyo na pong pansinin si Lily." Paki-usap sa akin ng co-officer ko.   Tinitigan ko tuloy siya nang sabihin niya 'yon. Bakas sa mga mukha nila ang kaba sa kalalabasan ng pag-uusap namin mamaya ng principal. Nagkibit balikat na lang ako at nagpaalam na sa dalawa lalo na sa aking kapatid. Wala rin namang saysay kung magpapalitan kami ng kuro-kuro regarding sa ano ba ang totoong dahilan bakit ako pinapatawag.   "Hintayin na lang kita sa loob. Bilhan mo rin ako ng water, please?” sabi niya habang nakisuyo pa. “Naubos na 'yong akin. I'm eating junk foods pa naman.” Sabay pakita ng hawak niya kaya tumango lang ako ulit bago tuluyang naglakad na papunta sa Principal's Office.   Habang naglalakad ako ay 'di talaga maiwasan na mapansin ako ng mga student, lalo na sa kagandahang taglay ko. Wala namang bago sa mga inaakto nila when I am around. Napapaisip nga ako kung may araw ba na mukha akong pangit sa mata nila. But, I doubt that. Wala sa lahi namin ang pangit. Nakakasigurado ako roon. Pero masyadong nakakailang minsan. Daig ko pa kasi ang isang sikat na model o artista na napadpad sa school nila.   "Siguro engkato si Miss. Athena, ano?” Bigla kong narinig na tanong ng isang babae. “Ang ganda niya kasi talaga. Kulang pa lahat ng adjective para ipuri ang kagandahang taglay niya." Dugtong pa niya.   "Sinabi mo pa,” sang-ayon naman ng kasama niyang babae. “Magsisimula na rin akong magpakulay katulad ng sa buhok niya. Baka gumanda rin ako. O hindi kaya'ay bumagay sa akin,” sabi pa nito.   "Gaga, magmumukha kang si McDonald pagnagkataon!” Natatawang sabi naman ng babae. “Hindi bagay sa tulad natin na ganito ang itsura. Baka mapagkamalan din tayong asawa ni Chuckie."   "Grabe ka naman, girl! Highlights na lang katulad ng sa kaniya.” React naman ng isa.   "Mas better pa. Magmumukha tayong tao pag 'yon gawin natin."   "Hanggang sana all na lang talaga tayo."   "Sinabi mo pa."   Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. Kahit nga ako napapa-isip kung anong klaseng genes ang meron ako dahil pati ako mismo ay nabibighani at namamangha pag akikita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ini-imagine ko nga, ano ba talaga ang mukha ng mga magulang ko? Paniguradong mas angat pa ang gandang/gwapong taglay nila. Gusto ko ngang itanong minsan kina tita kaso nahihiya ako. Ayoko ring isipin nila na baka nagkulang sila ng pag-alaga sa akin dahil nga sa hinahanap ko ang mga magulang ko. Though, alam ko naman na hindi ganoon ang magiging reaction nila pero pinangungunahan ko na. Hindi ko rin alam pero parang nasa in between ako ng gusto ko sa hindi ko gustong alamin ang tungkol doon.   Sa kakaisip ko tungkol sa mga magulang ko, 'di ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng Principal's Office. Kamuntikan pa akong lumagpas, buti na lang ay nakasalubong ko ang isa sa professor namin na kakalabas lang galing sa loob. Halatang masama ang timpla ng kaniyang mukha. Nagsasalubong kasi talaga kilay niya, isama mo pa na nakabusangot na siya.   "Mag-ingat ka sa loob." Paalala pa niya sa akin.   Kahit nagtataka man sa kung anong ibig niyang sabihin ay tumango na lang ako. Ayoko rin naman magtanong baka sa akin pa siya mainis.   "Kayo rin po. Mag-ingat po kayo kung saan po kayo pupunta," nasabi ko dahil nakakahiya naman kung tango lang ang gagawin ko.   Show respect na rin lalo na't mas matanda siya sa akin. Isa rin siya sa naging paborito kong guro rito sa school namin ni Persy.   Nang makita kong wala na siya ay humarap ako sa pinto ng Principal's Office. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. May manners naman ako kahit papaano. Isa pa naman sa tinuro sa amin ni ninang ay dapat irespeto ang privacy ng iba. Lalo na't pagpapasok ka sa isang silid. Dapat kakatok muna bago pumasok para ma-aware ang nasa loob.   "Pinapatawag niyo raw ho ako," sabi ko agad pagpasok ko.   Sumalubong sa akin ang 'di mapakaling may-ari ng school na pinapasukan namin ni Persy for 4 years. Pinigilan ko lang ang aking sarili na huwag ipakita ang pagtataka sa nadatnan ko. Mukhang tama nga ang sinabi ng aking kapatid sa akin.   "Oo, iha. Maupo ka muna."   Umupo naman ako at tinitigan ang lalaking kaharap ko na 'di mapakali sa kinauupuan niya. Isa sa ayaw nila sa akin is the way I looked at them dahil nakaka-intimidate raw ako kung tumingin. Hindi naman bumubuga ng apoy or what so ever ang mata ko pero parang ganoon na nga ata nararamdaman nila. Nakakailang din daw minsan. Pero may iilan naman na nato-tolerate 'yon pagkaharap ako.   "Kung tungkol sa nangyari na sagutan namin ng anak niyo ho ay wala na ho kayong magagawa. Final na po talaga ang desisyon ko ho." Magalang na sabi ko sa kaniya.   And boom! Napako na ang tingin niya sa akin. May nakikita akong kakaiba the way he looked at me.   Bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa mga nalalaman niya at narinig sa akin. Though, wala naman akong pakialam. Enough na ang 4 years na pag-stay namin dito. We've done enough na rin naman sa school na ito. Actually, more than enough.   "Why?” tanong nito na may pagtataka. “We treat you well except nga lang sa ginagawa ng anak ko. Pero sana naman ay palampasin mo ito, Miss Hestia," sabi niya agad.   Tumitig ako sa kaniya ng seryoso sa sinabi niya sa akin. Why? Para saan pa? Ano ba ang rason niya bakit pinipigilan niya ako?   "Why? Dahil malaki akong kawalan sa school niyo?” tanong ko na walang pagdadalawang isip sa kaniya. “It's my choice to choose what university I want. What we want. Wala na kayong magagawa para baguhin ang desisyon ko o ni Persy.” Seryosong sabi ko sa kaniya. “After all ho, sinuklian ko lahat ng kabaitan niyo sa amin ng kapatid ko sa pamamagitan ng pag-angat ng ranking ninyo sa Asia. Hindi ho pa ba sapat ang mga iyon?"   I think he wants more from me. He craves for more kaya niya ako pinipigilan. Nakaramdam tuloy ako ng disappointment towards him. I see him as greedy person who wants more than fame, a power. Kapangyarihan na wala sa kaniya ngunit nakasalalay sa akin para makamtan niya 'yon. I am not dumb not to feel it. I am not dumb para hindi marinig ang iilang bulungan ng mga guro namin dito.   "But you can't, because I said so!" Galit na tutol niya sa sinabi ko.   Hindi ko alam na may ganitong side pala ang taong 'to. Sabagay, lahat ng tao may tinatagong masamang baho lalo na ang mga mababait and I believe on that. Example na iyan ang taong 'to. Though, nakikitaan ko naman dati pa pero pinagsawalang bahala ko lang. I didn’t expect na tama nga ako.   "Yes, I can because that's what I want. I am just your student not your daughter to control, Mr. Perez.” Pagpapaalala ko sa kaniya na ikinabigla niya. “Baka nakakalimutan mo. Dahil sa ginawa mo ho, na-realize ko na tama ang desisyon ko na hindi na mag-aral pa rito." Sabay tayo ko.   Mukhang natauhan siya sa aking sinabi.  Akala niya siguro ay masisindak niya ako sa inakto niya sa akin. Simula bata pa ako never akong nasindak sa kahit sino. Except siguro kina ninang pero hindi naman nila ginagawa 'yon sa akin. Hindi nila ako dinidisiplina sa ganoong paraan. So, technically wala talaga. Besides, hindi siya ang taong kakatakutan ko talaga. Kakainisan? Pwede pa.   Halata talaga sa kaniya na despirado talaga siya na panatilihin kami sa paaralan niya. As what I have said earlier, I have done enough. More than enough.   "I have to go dahil may tatapusin pa po ako. Pagmalaman ko po na hino-hold niyo ang mga papeles ng kapatid ko. Siguraduhin niyo lang po na tama ang babanggain niyo ho.” Walang kurap-kurap na sabi ko sa kaniya. “I'm not warning you. It is just a friendly reminder lang ho." Dugtong ko.   Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya. Agad na akong umalis sa office niya dahil nasu-suffocate na ako sa loob. At sa kamalas-malasan ay nakasalubong ko pa ang bunga. Walang iba kundi si Lily. Bakit ngayon pa? Kakatapos pa nga lang sa kaniyang ama, tapos siya naman susunod? Wala bang pahinga muna?   "Anong napag-usapan niyo?" Diritsang tanong niya nang makita ako.   "Wala ka na roon and by the way, better back off. Baka ikaw pa ang mabugahan ng apoy ng tatay mo na nagmumukha ng toro,” sabi ko agad sa kaniya. “Like father like daughter nga naman, diba? Umiwas ka muna." Dugtong ko pa na ikinabilog ng mata niya.   Pasalamat talaga ang babaeng 'to dahil wala rito ang mga alipores niya. Kung nandito pa? Siguradong napahiya na naman siya sa harap ng mga ito.   Minsan naaawa ako sa kaniya, pero minsan hindi. 'Di naman madali sa kaniya na makipagkompetensya lalo na sa atensyon ng mga magulang niya. Napag-alaman ko kasi na sobrang busy at mahal ng magulang niya ang business nila at mga ari-arian. Halatang natatakot mawala sa kanila ang lahat ng pinaghihirapan nila kaya pati si Lily ay na-si-set aside nila. At ngayon? Ako. Ako na ata ang gagawing alas nila para mas umangat sila lalo sa Asia. Pero 'di ako papayag dahil sapat na lahat ng nagawa namin ng kapatid ko sa school na ito. May dahilan kasi bakit nakaya naming dalawa ni Persy na mag-stay rito kahit pwede naman na lumipat kami agad.   "Anong nangyari sa mukha mo?" Bungad na tanong sa akin ni Persy nang makaupo na ako sa tabi niya.   Agad kong binigay sa kaniya ang tubig na dinaanan ko pa talaga sa canteen. Sa ibang side kasi 'yon ng school. Sasadyain talaga ang pagpunta sa canteen kung galing ka sa banda sa area ng Principal's Office.   "Tama ka nga,” sabi ko. “Halos mabugahan ako ng apoy kanina eh. Ini-expect ko naman na mangyayari 'yon pero hindi talaga ako makapaniwala na he can do something na ganoon." Pag-amin ko.   Tumango naman siya bilang pag sang-ayon matapos nitong uminom ng tubig.   "So, saang university tayo papasok after nito?" tanong agad niya sa akin.   "Wala akong alam actually. Pero may napupusuan na ako." Sabay kuha ng kunti sa pagkain niya.   "Napupusuan? Wala ka namang puso, ah?" Pang-aasar na naman niya sa akin kaya kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran na ikinaismid niya agad.   Mapang-asar kasi talaga. Minsan lang makausap na matino.   "Foyer University," sagot ko.   Bigla na lang nabulunan si Persy kaya pulang-pula na ang mukha niya. Maputi kasi siya katulad ko kaya klarong-klaro talaga. Pero nakakapagtaka bakit ganoon na lang naging reaction niya? Wala namang problema kung sa Foyer University kami mag-aral ah? Besides, secured naman iyon eh.   "Anong problema mo? Maka-react ka, wagas ah?” tanong ko habang nagtataka pa rin sa naging reaction niya. “Muntikan ka na nga matuluyan. May problema ba sa naging sagot ko? Nagiging weird ka na naman." Sabay irap ko.   Sinamaan naman niya ako ng tingin bago siya uminom ulit. Pagkatapos ng kaniyang ginawa ay nagsalita na nga siya.   "Seryoso ka na talaga? Sa university na iyon tayo papasok? Are you, nuts?" 'Di makapaniwalang tanong niya.   Hala siya! Wala naman kasi talagang masama na sa Foyer University mag-aral eh.   "What? May problema ba roon? It's just a university, Persy." Naiinis na sabi ko.   Ang OA kasi talaga kung maka-react. Katulad lang ng mga kaklase namin namin pagnaririnig na ang pangalan ng university na 'yon. Bakit masyadong big deal? We will try lang naman if makakapasok kami. 'Yon ang nasa isip ko. Pero sisiguraduhin ko na makakapasok talaga kaming dalawa ni Persy. Ayoko sa iba. 'Yon lang talaga. Masakit din sa ego ko if ever na hindi.   "No, it's not! Alam mo ba na 'di basta-bastang makakapasok doon?” tanong nito sa akin. “If not, I tell you, sobrang hirap dahil maraming screening ang mangyayari at ka ek-ekan. Hindi mo ba alam iyon?" Kumunot pa ang kaniyang noo pagkatapos.   Bigla tuloy akong napapatitig sa mukha niya. Para kasing may kakaiba.   "Ow? Kailan ka pa nawalan ng tiwala sa iyong sarili, Persy? Come on. I want to try and I want to be part of that university." Pamimilit ko sa kaniya.   Napatulala pa siya bago tumango bilang pagsang-ayon sa aking gusto. Sabi ko na nga ba 'di niya ako matitiis kaya napangiti na ako ng malapad sa kaniya. At the end naman ng pag-uusap namin ay alam ko naman na papapayag pa rin naman siya.   "Hala, girl? Tama ba ang narinig natin? Sa Foyer University sila papasok?"   "Okay lang iyan, girl. Pwedeng-pwede silang pumasok sa university na iyon. Misteryoso naman ang mga student doon pati rin naman sila kaya makakapasok talaga sila. Sigurado ako roon."   "Magaganda pa at mayayaman pa ang magkapatid na iyan. Kaya 'di ako magtataka na makakapasok agad sila."   "Matalino pa pero goodluck na lang sa kanila. Malaking challenges talaga ang kahaharapin nila para lang makapasok at maging-isa sa students ng univeristy na iyon."   Rinig kong bulong-bulungan ng iba kaya mas lalong nanaig sa damdamin ko ang kuryusidad tungkol sa university na papasukan namin. I think, tama ang pinili ko at may kung anong enerhiya na humihila sa akin sa university na iyon.   I can't wait! I can't wait kung anong panibagong experience ang mararanasan namin ni Persy sa Foyer University. I hope maging okay ang lahat. Excited na ako.   "Narinig mo ba sila?" tanong agad ng kapatid ko nang makalapit agad siya sa akin.   "Yes, kasi hindi ako bingi." Agad kong sagot.   Nakurot tuloy ni Persy braso ko kaya agad ko siyang inarapan.   "Nagiging pilosopa ka na naman. You see? Foyer University is bad news," sabi agad niya.   Gusto pa ata niyang ipagpilitan na huwag na roon kami mag-aral after ng high school.   "They only said that kasi hindi talaga sila makakapasok sa university na iyon. Don't be chicken, Persy."   Napatampal na lang siya sa kaniyang noo. Akala niya siguro ay magbabago ang aking isip.   "Hindi na talaga magbabago isip mo? Final na talaga na sa Foyer na tayo?” tanong niya sa akin. “Marami pa naman tayong pagpipilian kasi," sabi pa niya.   "Like ng ano? May hihigit pa ba sa Foyer University?” tanong ko sa kaniya agad. “If meron, sige. Doon na tayo mag-aral," sabi ko.   Napaawang tuloy bibig niya. Bakas din kasi sa mukha niya na wala talagang hihigit pa sa Foyer University kasi wala siyang maisip na university sa Manila na hihigit pa roon.   "Foyer University it is." Pagsuko niya.   Tinapik-tapik ko agad pisngi niya nang sabihin niya 'yon.   "Final na 'yon. So better prepare yourself. Hindi ako papayag na hindi mo gagawin ang best mo, Persy."   Tumango naman siya sa akin sinabi habang nakanguso ito sa akin.   "Mami-miss ko sina dada at mama. It is a dorm university kasi," sabi pa niya.   "Cool! Mas mabuti kung ganoon. Another experience sa atin. Bibisita naman doon sina tita at ninang pagnakapasok tayo. Huwag ka ng mag-worry." Habang nginitian siya.   "Hindi talaga halata na excited ka. Ano pa nga ba? Desidido ka na rin eh. Aangal pa ba ako?” Sabay kibit balikat pa niya. “Pero sabagay, feel ko mas cool pa 'yon. Let's see na lang."  At tuluyan na nga siyang ngumiti sa akin.   Mabilisan niyang pinatakan ng halik ang aking noo bago siya umayos ng pagkakaupo.   Oh my gosh! Excited na talaga ako. Hindi na talaga ako makapagahintay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD