CHAPTER 2: ATHENA HESTIA

3349 Words
Napabangon ako sa aking pagkakahiga dahil sa ingay ng aking alarm clock. Naririndi na rin ako. Hindi na talaga kaya ng aking taenga.   "Fudge! Kakapikit ko pa lang eh!" Reklamo ko sabay patay ng alarm clock.   Nag-aral kasi ako kagabi at 'di ko namalayan ang oras dahil sa masyado akong na-enjoy sa aking mga binabasa. Akala ko kasi ala-una pa ng madaling-araw. 'Yon pala ay almost 4 in the morning na. Tsk!   "Gising na!” sabi ni Ninang Dennise nang makita ako. “First time ka atang ginising ng alarm clock mo, Thena. Mukha ka ring walang tulog" Natatawang sabi ni ninang sa akin. Nakatayo na siya malapit sa hamba ng pinto ng kwarto ko.   Naka-cross arm pa siya habang aliw na aliw na nakatingin sa akin. For the first time kasi talaga na nangyari ito. Lagi kasi akong handa pagpumapasok siya sa kwarto ko. Like, prepared na ako para bumaba, mga ganoon. Ngayon kasi ay hindi talaga.   "Nang, naman kasi. Nang-aasar ka pa.” Habang nakabusangot na ako. “Alam mo naman na wala akong tulog. Kakapikit ko pa nga lang." Inis na saad ko pagkatapos.   Tumawa tuloy siya lalo bago tumayo ng maayos.   "Bangon na. Do your daily routine bago ka pa ma-late,” utos niya. “Gigisingin ko muna si Persy para sabay na rin kayo sa pag-alis mamaya," sabi niya pa bago sinirado na rin ang pinto.   As what she said earlier ay bumangon na nga ako. Ginawa na rin ang daily routine ko. After checking my things in my bag ay bumaba na rin ako para mag-almusal. Kailangan kumain ako ng marami, wala pa naman akong tulog. Baka magkasakit pa ako, mahirap na.   "Hi, Ta," bati ko sa babaeng prenting nakaupo sa hapag habang umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.   Mabilis naman niyang binaba ang tasa bago lumingon sa akin.   "Hi rin, Thena,” bati niya pabalik. “Mukha kang tinakbuhan ng kama mo." Natatawang puna niya nang makita ako.   Kahit kailan talaga! Hindi na ako nagtaka dahil may pagka-bully rin siya katulad ni ninang. Mag-asawa sila eh. As far as I know ay ganoon na talaga sila noong mag-girlfriends pa sila. Though, hindi ko naman kasi talaga alam ang buong kuwento sa love story nilang dalawa.   "Hi, my dear sister," bati naman ni Persy na kakababa lang kasama niya rin si ninang.   Mabilis naman siyang lumapit sa akin para i-kiss ako sa pisngi, ganoon din ginawa niya kay tita.   "Hi." Maikling sagot ko sa bati niya pagkatapos.   "So, after class uwi agad ha? 'Wag ng gumala dahil family dinner natin mamaya." Pagpapaalala naman ni tita sa amin.   Mabilis naman kaming tumango ni Persy nang makaupo na rin kami. Para makasimula na ring kumain ng breakfast namin.   "Ikaw, hon? Baka ikaw ang makalimot." Baling naman ninang kay tita sabay kumandong pa rito.   They are lesbian and bisexual na siyang hindi ko kinakahiya kahit kailan at kahit kanino man. Sila rin ang magulang ni Persy at hindi naman nakakapagtaka bakit nagkaroon sila ng anak. Makabago na ang technology ngayon kaya sa lahat ng impossible before nagiging possible na ngayon. How about me? I'm just an adopted child. Proud naman ako roon. Hindi ko naman deni-deny pero naiinis sila pagsinasabi ko na adopted ako. Kasi para sa kanila anak nila ako.   "Hindi na, hon.” Pag-a-assure nito. “Anyway Thena, I'm sure pagkakaguluhan ka na naman sa school dahil sa nag-champion ka na naman." Baling ni tita sa akin habang kumakain na rin siya.   Nagsusubuan kasi silang mag-asawa. Hindi naman awkward tignan kasi sanay na rin kaming dalawa ni Persy. Sweet nga eh. Sa tagal nila, naroon pa rin ang tamis ng pagmamahalan nila sa isa't isa. Which is rare lang talaga sa mag-asawa na umabot sa ganoong punto talaga.   "Wala namang nagbago roon, dada,” sabi naman ni Persy. “May sa halimaw na utak si Thena. So, scary." Pagbibiro pa ni Persy kaya nakatanggap siya ng death glare sa akin.   Nang-aasar na naman kasi. Pag ako makaganti sa kaniya, for sure, magpapalaban na naman kay tita at ninang.   "And I'm tired of it. I hate that kind of attention that they've given to me. Hindi na rin kasi nakakatuwa." Honest na sabi ko sa kanila.   Natigil tuloy sila sa kanilang ginagawa para tignan ako. Mukhang hindi nila inaasahan na sasabihin ko ang mga katagang 'yon. Ngayon lang din kasi ako nag-react o nag-open sa kanila about sa feelings ko towards sa mga ganoong bagay. Minsan kasi ay ngingiti lang ako o iiling na lang.   "Masaya ka dapat dahil may mga taong umi-idolo sa ‘yo. O na-a-appreciate ang mga achievements mo sa buhay lalo na school niyo," sabi ni ninang sa akin.   "Nang, 'di naman lahat natutuwa. Iyong iba nakiki-go with the flow na lang pero sa kaloob-looban nila ay sasabihin ang katagang 'Pasikat talaga siya kahit kailan. As if naman na matalino talaga siya. Tsamba lang ang lahat ng iyon.’, sabi ko. Napapailing na lang tuloy sina tita dahil sa mga naririnig nila sa akin.   “Ang iba naman, they will take an advantage on me na as if naman na hahayan ko na magawa nila sa akin.” Sabay buntong hininga ko.   "Chill, sis. Tapos na ang contest, okay?” sabi ni Persy sa akin habang natatawa. “Kumain ka na lang para kahit papaano makabawi ka. Wala ka pa namang tulog ngayon.” Sabay ngiti niya.   "Himala ata dahil concern ka sa akin ngayon." Sabay arko ng isang kilay ko.   Weird kasi. Pag alam kasi niya na wala akong tulog nang-aasar lagi siya kasi napipikon ako agad. Ikanga niya 'masarap asarin ang walang tulog'. But now? Ibang-iba talaga. Nasapian siguro siya kaya siya ganiyan.   "Actually, I'm concern about your looks, my dear sis,” pag-amin niya. “Paano na lang pag nasa school na tayo? Tapos makita kang parang zombie, for sure, madadamay pa ako, diba? Hello? Goddess is here." Sabay flip ng kaniyang mahabang buhok paharap sa akin.   Agad ko naman itong hinila dahil magkatabi lang naman kami. Natawa na lang ang parents namin sa amin.   "Puro ka talaga kalokohan, anak.” Habang natatawa si tita. “Buti na lang totoong maganda ka. Nakuha mo sa amin ng mama mo,” aniya.   Proud pang ngumiti si Persy kaya natawa na rin ako. Baliw lang kasi.   ***   "We are here, sis." Sabay irap ni Persy nang sabihin niya 'yon sa akin.   Nag-iiba kasi talaga mood niya pag nasa school na kami. Hindi kasi talaga niya feel kahit kailan.   "Ang laki talaga ng problema mo kapag nandito na tayo sa school. Magtino ka nga," sabi ko habang natatawa na sa inaakto niya ngayon.   "How how the carabao?” tanong nito. “Halos lahat ng nag-aaral dito mga stubborn, b***h at kung ano-ano pa lalo na iyang Lily Perez na iyan. Maka-asta na parang siya talaga ang nagmamay-ari ng school na ito. Anak lang siya! Anak!" Gigil niyang sabi sa akin.   "Puso mo! Kumalma ka nga." Sabay tawa ko ng malakas.   Hindi ko lang talaga mapigilan. Ang facial expression kasi niya ang nagdala ng lahat. Hahaha.   "Panira ka ng moment, ano?" Sabay nguso niya sa harap ko.   "Bumaba na kayo bago pa ako mabaliw sa inyong dalawa.” Singit naman ni tita sa usapan naming dalawa ni Persy. “Kung ano-ano na lang napag-uusapan niyo. Ewan ko ba sa inyo. Ang dami niyong reklamo sa school na inyong pinapasukan,” sabi pa niya habang naiiling na lang kaya bumaba na kami.   Before that ay hindi namin nakalimutan na i-kiss muna si tita bago bumaba talaga. Baka kasi magtampo pagnakauwi na kami sa bahay. Minsan pa naman nangyari iyon.   "Bye, Ta/Dada." Sabay na paalam namin.   Nang tuluyang makaalis si tita ay naglakad na kami papunta sa room namin. Lahat ng nadadaanan namin ay nakatingin na naman sa amin, ‘yong iba nagbubulungan na.   "Monster talaga ata 'yang utak na meron si Athena. Always na lang nananalo sa kahit anong contest na salihan niya."   "Sinabi mo pa but still she stays humble."   Rinig kong usapan ng dalawang babae na nadaanan namin.   "Hindi lang naman utak. Pati ang tao monster din." Sabay tawa ni Persy matapos sabihin iyon at nag-tounge out pa sa akin.   "Baliw. Ewan ko sa ‘yo, Persy." Natatawang saad ko.   Nang makapasok na kami sa room ay ganoon pa rin ang nangyari. But this time, pamimintas na.   "Tsk. Nandito na naman ang totally opposite na magkapatid!"   "Sumama na naman ang hangin!"   "Manggugulo at manggigiba na naman ng table na naman iyang si Persiphone."   Pagnagagalit na kasi si Persy ‘yong table niya iyong pinagdidiskitahan niya. Baka pang-1000 na naman na table ang masisira niya ngayon dahil sa mga taong 'to. 'Di na rin ako magugulat pag may kauna-unahang estudyanteng masasapak niya sa mukha.   Nagtitimpi na rin kasi ako. Ngunit ang kaibahan namin, bunganga ang gamit ko pero si Persy ay hindi. Tatahimik lang siya pag kaya pa niyang magtimpi. Pagnagalit na, baka goodbye world ka na.   "Magbubulungan na nga rinig ko naman. Cheap na mga nilalang," sinabi na lang bigla ni Persy. Sapat lang na marinig ng lahat.   Umupo naman agad ako at katabi ko naman siya. Agad akong tumingin sa labas ng bintana, pinanuod ang ibang estudyante na naglalaro pa habang hindi pa class hours.   "Ay! Guilty pala?" Pagpaparinig na naman nila but this time si Lily Perez na.   "Why so inggit?" Pag-mimic ko sa voice niya na ikinatawa ng iba.   Sinamaan niya ng tingin ang kaklase namin bago binaling ang tingin sa akin para panlakihan ng mata. ‘Waring sinasabi na magsalita ka pa baka 'di ka na sikatan ng araw. As if naman matatakot niya ako.   "Psh! Idiot lang ang matatakot sa tarsier mong mata," bulalas ng katabi ko kaya napahiya lalo si Lily.   Oo nga naman. Mas nakakatawa pa nga siya tignan kaysa nakakatakot o nakakasindak.   "You, damnit!" Sabay tayo niya.   Sugurin na sana si Persy ngunit napatigil naman si Lily nang makitang nakapatong ang isang paa ni Persy sa lamesa nito. Kasabay ng pag-alis ng paa ni Persy sa kaniyang lamesa ay nasira agad ito.   Hays! Another one!   "Oh? Bakit ka tumigil?" Inosenteng tanong ng kapatid ko sa babaeng nagtatapangan na ngayon sa harapan namin.   "Puro salita lang. Psh! Walang challenge," komento ko naman kaya ako tuloy ang pinagdiskitahan niya.   "Hoy, ampon! Ikaw kaya 'tong puro salita lang!" sigaw niya sa akin na siyang sinang-ayunan naman ng mga bolok at hipon niyang alipores.   Lagi na lang may ganitong eksena. Nakakasawa na talaga.   "Anong problema mo? At least may utak 'di tulad sa iyo na wala.” Depensa ko naman sa aking sarili. “Umupo ka na nga. Gumagawa ka pa ng eksena. 'Di ka talaga nahiya. Reputasyon ng mga magulang mo ang nasisira 'di sa iyo dahil simula pa lang sira na ang sa ‘yo,” sabi ko pa na ikinangiti ng katabi ko na prenting nakaupo sa upuan. Ang siko niya ay nakapatong sa lamesa ko dahil nga sinira na naman niya ang lamesa niya.   Pasaway na bata. For sure ako na naman ang kakausap sa principal namin. Mag-i-explain para 'di mabayaran ang nasira niya dahil ikanga ng principal namin kahit anong gawin ko okay lang. Reward daw iyon sa ginawa ko sa school namin. Kaya okay lang din manira si Persy. Though, kaya naman naming bayarin na magkapatid kasi malaki naman allowance namin. Ngunit, hindi sila pumapayag kaya pinagpapasensiyahan na lang nila ang ginagawa ni Persy. Kasalanan din kasi ng mga taong ito.   "Baka nakakalimutan mo sino ako?!” Mapagmataas na tanong nito. “Kaya 'wag na 'wag mo akong pagsabihan ng ganiyan!" Sabay cross arm niya with matching irap pa.   "Sino ka? Ikaw lang naman si Lily Perez." Bagot na sagot ko sa non-sense na tanong niya sa akin.   Duh! Obvious naman kasi sikat naman siya rito as ultimate Bully Queen ng school na ito. Wala rin namang may balak na umagaw sa trono niya.   "Oo, pero ako lang naman ang anak ng may-ari ng school na ito! Baka nakakalimutan mo o ninyong dalawa." Pagmamayabang pa niya sa akin.   "Oh tapos? Anong pinuputok ng butsi mo?” tanong ko sabay taas ng isang kilay ko. “Anak ka lang naman ng may-ari ng school na ito. Kung ako ang magulang mo itatakwil kita dahil wala na ngang laman iyang utak mo, eskandalusa ka pa. Nakakahiya ka.” Walang prenong sabi ko na ikinaawang ng kaniyang bibig.   Napatitig din ang ilan sa mga kaklase namin dahil sa mga salitang binitawan ko. First kasi na magbitaw ako ng masasakit na salita. Sanay kasi sila na nang-aasar lang ako.   “Wala naman akong ginagawa sa ‘yo bakit ganiyan ka sa akin. Don't be so inscure sa akin kasi may mga bagay na meron ka na wala ako. At pwede ba? Tigilan mo na kami ng kapatid ko. Save yourself, utang na loob." Dugtong ko pa sabay tayo ng katabi ko.   Binangga pa ni Persy si Lily na nakanganga ngayon dahil sa narinig galing sa akin. Parang maiiyak na dahil namumula na ang mga mata niya at pisngi. Pinipigilan niya lang na siyang pinagpapasalamat ko. Baka kasi mapahiya ito lalao eh kung iiyak talaga ng tuluyan ito.   "Reality hurts, right?” Mapang-insultong tanong ni Persy rito. “At sa susunod na sabihan mo ng ampon ang kapatid ko. Baka 'di kita matantsya at mukha mo na ang sisirain ko imbes ang lamesa ko. I'm warning you, b*tch!" Pagbabanta niya bago tuluyan ng umalis sa classroom namin.   Sinundan ko lang siya ng tingin na may ngiti sa labi. Isa 'yan sa rason bakit mahal na mahal ko si Persy kahit 'di ko siya tunay na kapatid.   Destroyer nga pero may puso naman. She wants to protect me lalo na pagtungkol sa pagiging ampon ko. She hates it. Pag-umabot ito kina Tita Karie at Ninang Dennise, hindi ko alam kung sisikatan pa ng araw ang school na ito.   "Good morning, class," sabi ng teacher namin na kakapasok lang sa room.   As usual ang katabi ko ang unang mapapansin nila lalo na't nasira na naman ang lamesa.   "Same situation, ma'am,” sabi ko agad bago pa siya makapagtanong. “But this time, si Lily na ang rason." Pag-amin ko.   Tumango naman agad ang teacher namin at umiling-iling. 'Di na iyan magagalit o kung ano-ano pa. Actually, nasasayangan sila kay Persy dahil matalino naman talaga siya. Ang kaso, madaling mag-init ang ulo at tamad masyado kaya ganiyan. Though, hindi naman kasi talaga siya ganiyan. Ewan ko sa kaniya bakit umaakto siyang ganoon.   Nasasayangan talaga sila sa kapatid ko dahil puma-pangalawa siya sa akin sa ranking na 'di alam ng lahat. Nilalagyan na lang nila ng initial ni Persy para hindi alam ng lahat. Kaya nga masyadong palaisipan sa lahat kung sino ang rank 2. Besides, umiiwas din sila sa gulo dahil paniguradong maraming aangal na estudyante pagmalaman nila ang tungkol doon.   ***   Matapos ang morning class namin ay dumiritso na agad ako sa canteen. For sure, roon lang naman din ang destinasyon ni Persy.   Habang naglalakad ako 'di talaga maiwasan na naman ako ang pag-usapan.   "Ang ganda niya talaga."   "Naiinggit ako sa kaniya. Model ba siya? Para kasi siyang naglalakad sa cat walk."   "Gusto ko ang ganiyan na buhok. Bloody red."   "Natural ba iyang mapupulang labi niya? Ang puti rin niya."   "Ang tangkad niya grabe. 5'9" na ata iyong height niya para sa ganiyang edad niyang 19."   "Swerte ni Persiphone dahil kapatid niya si Athena."   And so on and so forth.   Hindi sa pagmamayabang, lahat ng sinabi nila ay totoo. Describe na describe talaga, ano? Hindi ko talaga alam kong pinupuri ba talaga nila ako o nai-insecure lang bakit nila nasasabi iyon.   Kahit alin doon sa dalawa, hindi ako natutuwa. Ayoko kasi na may naiinggit sa akin. Hindi ko naman kasalanan na pinanganak akong ganito ng mama ko. Proud lang ako sa kung anong meron ako. I hope ganoon din ang iba. Nalulungkot nga ako minsan pagnakakarinig ako ng salitang 'sana-ganiyan-ako' at kung ano-ano pa. Bakit ayaw nilang makuntento sa kung anong meron sila. May rason naman bakit naging Athena Hestia ako at naging sila, sila. They are too blind para hindi makita na precious din sila sa mundo. Nabubulag lang sila because they just want more. Hindi na nakukuntento pa.   "Here!" sigaw ng isang pamilyar na boses.   Napalingon ako sa kanan at nakita ko nga ang aking hinahanap. Naka-order na rin siya ng food at halatang ako lang ang hinihintay niya para makakain na siya.   "Famous?" tanong agad niya na may halong pang-aasar nang makalapit ako ng tuluyan sa kaniya.   "Baliw! Pakialam ko ba? Kay Lily na lang dahil for sure matutuwa ang budhi ng babaeng 'yon pag siya ang pinag-uusapan ng lahat." Sabay subo ko ng pagkain.   "So, kailan mo kaya maipapakita ang masamang budhi mo?!" Biglang singit ng impakta.   'Di ko na siya pinansin dahil kumakain na ako at ganoon din si Persy. Ganoon naman talaga kami paggutom na gutom na talaga kaming dalawa. Wala na kaming pakialam sa paligid namin.   "Bastos kayo ah! Kinakausap kayo ni Princess Lily!" sigaw ng alipores niya sabay taob ng lamesa namin.   Napatingin tuloy kaming dalawa ng kapatid ko sa mga natapon na pagkain namin. And that's my cue.   Tumayo si Persy at mananapak sana nang harangin ko siya. Nagtatakang napatingin tuloy siya sa akin.   "Tumabi ka, Athena!" Ramdam ko sa tono niya ang pagbabanta.   "Ako na ang bahala." Seryosong saad ko na ikinangiti naman ng isa. Umupo na ulit sa inuupuan niya kani-kanina lang.   "As if you can! I'm sure bahag na naman ang bunt---what the f*ck!" 'Di makapaniwalang sabi niya sa aking ginawa sa kaniya.   I just slapped her big time. Sinigurado ko na 1-week mamamaga ang pisngi niya.   Napasinghap naman ang ibang nakakita. Halos lumuwa ang mga mata niya pati na rin ata ang mga guro namin na kakapasok lang din sa canteen.   "Masasabi ko na mas ampon ka pa kaysa sa akin dahil sa punyetang pag-uugali mo!” Gigil na sabi ko. “'Di ka ba nahihiya?! Ang babait ng magulang mo, nirerespeto ng karamihan at tinitingala rin ng iba dahil sa mga achievement nila. Sa pamamalakad ng skwelahan na ‘to at iba pang business ninyo pero dahil sa ‘yo bakit nadudumihan ang pangalan nila!" Walang prenong sabi ko sa kaniya sa harap ng maraming tao.   Tinaasan niya ako ng kilay at ang punyetang babaeng ito nagtatapangan na naman. Bigwasan ko kaya kaya siya ng makita niya!   "Tapos? Wala kang alam kaya huwag kang magsalita ng ganiyan! Ikaw lang naman ang salot dito eh! Ikaw lang ang dahilan bakit ako nagkakaganito!" Sabay tulak niya sa akin na ikinainis ko.   "Ganoon ba?! 'Di ko kasi alam eh! 'Di ko alam na isang Athena Hestia ang naging dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan. 'Di ko alam na salot pala ako rito sa paaralan na ‘to!” Tumaas na rin ang tono ng boses ko. “'Wag kang mag-alala dahil 2 months na lang ay matatapos na ang kademonyohan mo at pagiging punyeta mo! Dahil 'di ako mag-aaral sa paaralan na 'to. Dahil 'di ko na rin masikmura ang ugali ng anak ng nagmamay-ari nito! And may I remind you, hindi ko ginusto o intensyon na magkaganiyan ka.”   Iilan sa mga narito ay napapasinghap pa nang marinig nila ang sinabi ko. Bali-balita kasi na rito pa rin kami mag-aaral ni Persy after ng high school pero hindi.   “Stop being insecure for the rest of your life, will you?” Hindi ko maiwasang itanong. “Nang sa ganoon ay makita mo rin ang halaga mo sa ibang tao lalo na sa magulang mo!” Bumuntong hininga ako nang maisip ko kung anong dahilan bakit ganiyan siya sa akin. “Stop comparing yourself sa akin dahil kahit kailan hindi mo makukuha anong meron ako and vice versa. Magbago ka para sa sarili. Learn to love yourself too. Baka sooner or later mawala iyang ka-bitter-ran mo. Maawa ka sa sarili mo."   Hinila ko na si Persy para umalis na sa canteen. Bago ‘yon ay hinarap ko muli ang taong gusto kong ibaon sa lupa ngayon. Mas nangingibabaw kasi talaga sa akin ang inis kompara sa awang nararamdaman ko sa kaniya.   "Paki sabi nga pala sa magulang mo na hindi na ako magka-college rito. 'Wag mong hayaan na pakiusapan ako ng magulang mo na manatili sa paaralang dinumihan mo,” sabi ko pa. “By the way, dapat magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sa akin at kay Persy eh ‘di sana nasa pinakahulihan pa rin kayo! Goodbye, b***h!" Tuluyan ko na ngang nilisan ang canteen.   "Taray!” Hindi makapaniwalang sabi ni Persy. “Beast mode to the highest level, pero sayang. Dapat sinapak mo,” sabi pa niya.   "Okay na iyon. Baka nakakalimutan mo?" Sabay lingon sa kaniya.   "Hahaha. Hindi kaya, ano?” Sabay iling pa niya. “Gusto ko kaya iyon. 'Yun bang mag-iisang taon siyang mamamalagi sa hospital dahil sa binugbog mo siya ng sobra-sobra." Natutuwang sabi pa niya na waring maganda talaga gawin ang bagay na, which is hindi naman talaga dapat.   'Yon din ang iniiwasan ko. Ganoon ako magalit ng sobra. Mas worse pa sa nagagawa ni Persy. Ewan ko ba kung bakit, pero as long as kaya kong pigilan, pipigilan ko talaga. Baka makapatay pa ako ng tuluyan paghinahayaan ko ang emosyon ko. Iyon ang pinaka-iiwasan ko.   Impulsive actions can lead me to nothing or worse.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD