CHAPTER 1: WORDS OF WISDOM

3204 Words
"We cannot change what has happened, but by facing it, we can more easily accept it. We let little things upset us. Do they really matter? Is it worth your time and energy to be upset over them? Is there action you can take to move beyond the challenge? And I can only say, 'Difficulties are meant to rouse, not discourage. The human spirit is to grow strong by conflict.' and that's from the words of wisdom of William Ellery Channing."   Nag-standing ovation naman lahat ng narito sa gym habang nakikinig sa mga sinasabi ko kani-kanina lang. Nakakapagod talaga sumali sa isang school contest lalo na't ikaw na lang parati ang kinukuha para isabak sa laban na siya ngangnangyari sa akin ngayon. To think na isang malaking biglaan ang nangyari ngayon. Bigla na lang kasi akong tinawag and viola, here I am.   ---- "Athena Hestia!"  Umalingawngaw na sigaw ni Persy o kilala sa pangalan na Persephone Xena.   Ang nag-iisang anak nina Karie Eris Xena at Dennise Valdez na masyadong pasaway minsan.   "Ano naman ba kailangan mo?" tanong ko sa kaniya na may halong pagkainis.   Kanina pa kasi niya ako tinatawag. Pagtinatanong ko naman kung ano ang pakay niya sa akin ay bigla-bigla na lang siyang ngumingiti ng hindi ko alam. May saltik na ata siya. Ewan ko ba sa kaniya bakit napapadalas na ganiyan siya.   "High blood masyado, ah?” Pang-aasar na tanong nito. “Pinapatawag ka ni Hydra, Thena." Sabay hagikhik pa niya pagkatapos niyang sabihin sa akin ang totoong pakay niya bakit panay tawag niya sa aking pangalan.   Do you know what's the meaning of Hydra? It is a serpent like water monster with reptilian traits. Iyan ang tawag niya sa professor namin. Mukha kasi raw ahas, kaya ganiyan tawag niya kaya napairap na lang ako sa kaniya. Hindi ko nga rin alam kailan nagsimula. Basta one day, nagulat na lang ako na Hydra na tawag niya kahit hindi naman ganoon ang professor namin. Malayong-malayo sa pagiging hydra. Though, there are many interpretation naman about doon pero hindi ko makuha iyong point niya. Wala naman sigurong inahas ang professor namin sa kaniya. Mas lalo na rin siguro na traydorin siya. Hindi rin naman kasi sila close.   "Oh? Ano naman kailangan niya?"  tanong ko naman.   "Ewan ko ba roon. I'm sure isasabak ka na naman niya sa contest,” ani nito. “Alam mo naman iyong Hydra na iyon. Ikaw lagi ang nakikita when it comes sa contest. Ginagalingan mo rin naman kasi kaya ganiyan,” lintanya niya.   Napapairap na lang tuloy ako sa kaniya. Mukhang naging kasalanan ko pa ang lahat. Galingan ko man o hindi, ako pa rin naman ang nananalo. Besides, ayaw ko na magsisi sa mga bagay-bagay kahit maliliit lang ‘yon. Ayokong makaramdam ng pagkatalo. Never naman akong natalo, so far. Hindi ko lang feel at ayaw ko lang maranasan. Hindi rin pumasok sa isip ko na makakaramdam ako ng kauna-unahang pagkatalo sa buhay ko. Sa bawat ginagawa ko naman ay ginagalingan ko kaya ganoon siguro.   "Lakas talaga ng bad vibes mo sa tao, ano?” Pansin ko. “Ano ba kasi nagawa niya sa iyo at ganiyan na pakikitungo mo?" tanong ko habang naglalakad na papunta sa Faculty Office.   Sakto lang din kasi na sinasabayan niya rin ako sa paglalakad. Baka this time makalusot na ako kasi may quiz pa naman kami. Ayaw kong um-absent lalo na pagbiglaan talaga ang lahat. Baka hindi alam ng ibang professor bakit wala ako. Minsan pa naman hindi sila tumatanggap ng late excuse. Ayokong magkaroon ng bad record sa grades ko. Though, hindi naman kami pinipilit nina Tita Karie na mag-top and such pero ‘yon talaga gusto ko eh. I don’t want to pretend naman din na hindi ako marunong. I don’t want to look dumb din naman. That is not cool. Ayoko ring magpanggap na may alam ako kahit wala naman. I just want to be real. That’s all lang naman ang gusto ko.   "Kasalanan niya iyon,” sabi pa niya na may kasamang irap pa. “Kung hindi lang siya ahas eh ‘di sana 'di ko siya bina-back stab ngayon. Hindi naman ako aakto ng ganito kung wala naman siyang ginawa."  Walang pakundangang na depensa niya sa kaniyang sarili.   Tumango naman agad ako kasi may point naman siya kahit paano. But, masyado naman sigurong too much iyong sa kaniya. Unless na lang kung bi-nully talaga siya nito. Though, alam ko rin naman na hindi basta-basta nagbabago ang pakikitungo niya sa ibang tao, unless, may nagawa sila kay Persy na didibdibin talaga niya.   "So? Ano bang ginawa sa iyo ng tao? Inahas ka ba?” Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya. “May karelasyon ka na ba na hindi mo sinasabi sa akin o kina ninang?" Sabay taas ng kaliwang kilay ko na ikinanguso naman agad niya.   Malalagot talaga siya for sure pag may nilihim siya sa parents namin. Aba! Hindi porket okay lang minsan kina Tita Karie at Ninang Dennise ang ginagawa namin ni Persy, pagdating sa relasyon ay strikto sila. Ayaw nilang naglilihim kami sa bagay na 'yon. Ayaw kasi nila na masaktan kami o makagawa kami ng isang bagay na pagsisisihan namin sa hinaharap. They don’t want din na paglaruan ang ibang tao dahil sa love.   "Hindi, pero parang ganoon na nga,” sagot nito na may alanganin. “Inaakit kasi niya si Professor Apollo. As if naman maganda 'yang Hydra na 'yan,” pag-amin niya. “Mas gusto ko pa si Professor Aphrodite sa kaniya. Dapat hindi na siya nakikisawsaw pa." Sabay irap na naman niya with hand gesture pa.   Kaloka! Mas siya pa talaga ang affected kaysa sa iba. Mukhang, ang tungkol na naman sa hindi umuusad na relasyon ng dalawang sikat na professor dito sa school namin. Maganda at gwapo rin kasi kaya masyadong matunog ang mga pangalan nila. Bawat estudyante ay nagkakagusto talaga sa dalawa. Ganoon din naman sa isa pang professor namin na tinatawag ni Persy na Hydra.   "So, ganoon? Pag-like mo ‘yong guro natin may professor na, pero pag hindi?  Iyon ang tawag mo lang talaga sa kaniya? Ganoon?” tanong ko habang kinu-conclude kung bakit ganiyan siya. “Bias ka, ha? Ang mean mo masyado, Persy." Sabay irap ko.   Idi-defend sana niya ang side niya nang biglang lumabas sa Faculty Office si Professor Hydra este Professor Valentine. Ayan! Nahawa tuloy ako kay Persy. Kasi naman, panay hydra siya.   "Oh, nandito ka na pala, Athena. Thanks, Persy, sa pagsama kay Athena rito." Ngiting sabi niya nang makita niya kami.   Nag-mi-mic naman 'tong katabi ko kaya agad ko siyang siniko. Baka marinig at makita pa ni professor, pagalitan na naman siya. Pasaway kasi minsan. Buti na lang talaga ay nasa akin lang ang atensyon ni professor. Mahirap na kaya. Kilala pa naman siya rito. Baka mas lalong pag-initan ng iba ang aking kapatid.   "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ikaw ang isasabak ng school sa contest na The Wisdom of Words. Bibigyan kayo ng certain topic. Kailangan mong mag-speech, para rin siyang impromptu pero kailangan na may wisdom of words na kasama. Alam ko naman na kaya mo 'yon. You are Athena Hestia after all." Diritsang sabi niya sa akin habang may ngiti sa kaniyang labi.   Nagkatinginan tuloy kami ni Persy. She mouthed, 'I told you', bago niya binaling ang tingin sa professor namin.   "Sorry po, Professor Valentine. Kasi po, may long quiz po kami. Bawal pa naman um-absent o mag-excuse, 'yon kasi sabi ng professor namin sa susunod na subject,” sabi ko na may pagtanggi sa gusto niya.   Totoo kasi 'yon, it is not an excuse. Sobrang terror ng professor namin sa susunod na subject, mas masahol pa kay Miss Minchin. Siya rin ang numero uno na ayaw na ayaw ng late excuses kahit isasabak ka sa contest. Dapat excuse muna bago contest, which is tama naman talaga.   "No worries."  Ngiting sabi naman niya.   Nagulat ako nang agad akong hinila papasok sa faculty. Dahil katabi ko si Persy nahila ko rin siya. Automatic kasi na napahawak ako sa kamay niya dhail sa gulat ko. Aangal pa sana si Persy nang higpitan ko ang pagkakahawak sa kaniya kaya hindi na siya nagpumiglas pa.   Aba! Kung hindi niya ako nahanap at hindi niya sinabi sa akin na pinapatawag ako ni Professor Valentine ay wala sana kami rito. Nasa room na sana kami ngayon while waiting for our next class.   "Attention everyone,” sabi ni Professor sa intercom.   "Miss Athena Hestia will attend a contest right now,” sabi niya agad. “Mismo na ang nakakataas ang nagsabi na siya ang ipadala roon and they said na excempted siya sa lahat ng activities, quizzes and etc. si Miss Hestia sa araw na ‘to. Thank you." Agad naman niyang pinatay ang intercom bago humarap sa akin with an okay gesture.   Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyari. Paano pa ako aangal, bin-roadcast na niya sa lahat ang tungkol sa contest. Malaking kahihiyan sa part ko pagnag-back out pa ako. Mapag-initan na naman ako, pati na rin si Perst. Hays!   "Tsk. Tsk. Ahas talaga," komento naman ng katabi ko.   "Manahimik ka na lang diyan," bulong ko sa kapatid ko na ang sama na ng timpla ng mood.   "Psh. Alis na ako baka ma-poison pa ako sa dala ng babaeng ‘yan,” paala nito. “Good luck na lang sa ‘yo, Thena. Bring home the bacon." Sabay tapik niya sa aking shoulder bago tuluyang umalis.   "Let’s, go?"  tanong ni Professor Valentine sa akin nang makuha niya ang kaniyang bag.   "As in agad-agad po?" Bigla kong tanong.   Nakakagulat naman kasi. Ngayon lang sa akin sinabi tapos aalis agad kami? I thought mamayang hapon pa?   "Oo, may 1-hour pa tayo bago magsimula ang contest," sagot naman niya. -----   "Wow! You are really great.” Puri ni Professor Valentine sa akin. “'Di na ako magtataka kung mananalo ang school natin dahil sa mga sinabi mo back there. Grabe! I didn't expect that. Marami kang napahanga sa mga sinabi mo. Athena ka nga talaga,” sabi pa niya.   Ngumiti na lang ako sa kaniya dahil ayaw kong humaba pa ang pag-uusapan namin. Pagnagkataon ay babagsak at babagsak ang usapan tungkol kay Professor Sebastian na tinatawag ni Persy na Professor Apollo.   Naghintay na muna kami ng kalahating minuto bago matapos ang contest para malaman na rin namin kung sino ang mananalo. Naiilang pa ako sa ibang estudyante at guro na napapatingin sa gawi namin ni Professor Valentine. May iilan sa kanila na binabati ako ng congrats kahit wala pa naman. Si Professor Valentine panay sundot sa tagiliran ko kaya tumatango ako sabay sabi na thank you. Kahit hindi naman dapat kasi wala pa nga.   As expected, nanalo nga ang school namin. Halos maputol kamay ko kakakamay sa mga judge at iba pang taong narito sa venue. Bakit ba kasi nauso ang matagalang congratulation, pwede lang naman sabihin ng isahan? Bakit kailangan may shake hands pa na nalalaman? Nananantsing lang ba? Kasi ang dalawang judges na lalaki, pinisil pa kamay ko sabay ngiti na may pinapahiwatig sa akin. Muntikan ko na ngang samaan ng tingin. Kaso, hindi ako bastos na tao para magpahiya ng ibang tao sa maraming tao that is why nanahimik na lang ako. Ayokong sirain ang araw ko dahil sa mga ganoong klase ng tao.   "Professor Valentine? Babalik na po ba tayo sa school?"  tanong ko naman sa babaeng panay cellphone lang after ng event.   "Yes," sagot naman agad niya na may ngiti na naman sa kaniyang labi.   For sure, nagsto-stalk na naman 'yan kay Professor Sebastian o 'di kaya ka-text niya ito.   Bakit kaya ang mga babae marurupok? Kunting text lang, sinabihan lang ng mag-ingat at whatsoever ay kinikilig na. Nag-a-assume na agad, even though sa part ng guy ay friendly text lang ang lahat. Hays! Baka nag-delulu na si Professor Valentine. Masyado siyang bulag pagdating kay Professor Sebastian. I can’t blame her din naman. Marami rin kasing nagkakandarapa sa professor naming iyon.   "Feeling ko may gusto sa akin si Sebastian." With dreamy eyes pa.   See? As expected. Hays!   "At feeling ko rin na malapit na siyang mag-confess sa akin,” sabi pa niya. “I can't wait for that. Excited na ako na mangyari lahat ng nasa isip ko." Dugtong pa niya, but this time with kilig pa.   Napailing na lang ako dahil sa sinasabi niya sa akin right now. I know na normal naman ang ganoon lalo na't nasa mid 20's sina Prof. Valentine at Professor Sebastian. Pero sa mga sinasabi niya? I doubt that. Hindi ko naman nakikita na may gusto 'yong tao sa kaniya. Ramdam ko rin na hindi sila nagpang-abot. Iba kasi ang pagkakaintindi ng isa at iba rin ang pinapakita ng isa. Masyadong binibigyang malisya kaya maraming nasasaktan now a days ay dahil doon. Ang nakakatakot lang din ay pagnag-confess na pero walang laman pala lahat ng mga salitang binitawan niya. Kawawa naman.   "Mapapanis 'yang laway mo, Miss Athena,” sabi niya nang mapansin ang pananahimik ko. “Try to talk. O mag-side comment ka lang sa sinabi ko. Hindi naman kita pinagbabawalan." Sabay angkla niya sa aking braso.   Hay, nako! Professor pa ba siya? Though, normal naman na makipag-usapan sa student pero ipakita na ganiyan siya? Baka may tendency na may gumaya sa kaniya. Buti na lang I know myself and I love myself more than anything else. Pero syempre, when it comes sa family ko, mas uunahin ko sila kaysa sa sarili ko. Applicable lang 'yon sa ibang bagay.   Tendency kasi kung bakit ganiyan siya ay dahil sa kulang siya sa love ng isang tatay. Kasi parang kunting salita lang o ginagawa ng isang lalaki sa kaniya na parang sweet tignan for her ay ganoon na. Base lang din naman sa observation ko. But I’m still thinking na sana hindi nga. Hindi ko rin naman din nilalahat.   "First of all, I don't care if mapanis man ang laway ko po, Professor Valentine,” sabi ko. “Kaysa naman sa magsalita nang magsalita ako ng walang sense. Nakadagdag pa po ako ng carbon dioxide, nagsasayang pa ako ng laway at energy. Kaya I chose to shut my mouth instead of saying something na pointless. After all, napagod po ako sa nangyari kanina." Diritsang sabi ko na hindi na niya ikinabigla o ikina-offend pa. Sanay naman siya at alam niya na ganoon akong tao.   Lagi kasi talaga kami magkasama pag-usapang contest talaga. Siya kasi ang pinapadala lagi kasi alam nilang pag kaming dalawa ay nananalo talaga. Pag-ibang professor at ibang student na same lang din sa akin na matalino ay hindi raw, which is hindi naman totoo. Masyado lang talaga despirado ang nakakataas na mas umangat pa ang image ng school namin with the help of Professor Valentine and me. Though, hindi ko naman minamasama ang tungkol doon.   "Alam mo, swerte ka dahil nabiyayaan ka ng talino.” Out of nowhere na sabi niya. “Pero minsan ba, 'di mo ba na isip na nakakabobo rin ang ganoon?" Biglang tanong niya.   Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Kung si Persy pa 'to siguro okay lang na 'wag ko na lang siyang sagutin o sisigawan ko na lang siya na 'Pwede ba? Stop!'. But unfortunately, hindi pwede, because she is my professor. Besides, sanay na si Persy sa akin. Malala pa nga ang batuhan namin ng salita. Hindi naman kami nasasaktan kasi alam namin anong totoo and we love each other talaga. Kaso hindi si Persy ang kasama ko.   "Professor Valentine,” sabi ko sa kaniya, “I know may gusto kang itanong o sabihin. Huwag ka na pong magpapaligoy-ligoy pa baka iyan pa ang maging dahilan bakit ko ma-realize na nakakabobo pala ang pagiging matalino." At iniwan ko siyang humahaba na ang nguso.   Bakit pa kasi ipinanganak ang tulad niya. Sumasakit na ulo ko. Parang anytime by now ay mag-sa-snap ako bigla.   "Nanalo ka lang sa contest ay ginaganiyan mo na ako." Pagtatampo pa niya.   'Di na ako nagsalita at diritso na akong pumasok sa kotse para makabalik na kami sa school. Para na rin mahiwalay na ako sa kaniya. Naririndi na rin kasi ako. Ayoko talagang pag-usapan ang love life niya. Kasi simula pa lang wala naman siyang love life. Nag-a-assume lang talaga siya na umuusad ang love life niya dahil sa ginagawa ni Professor Sebastian.   Bakit din naman kasi pinanganak na masyadong mabait ang professor na 'yon. Masyado rin kasing appealing ang lalaki kaya marami ring nagkakagusto. Halos mga student din sa school ay gusto ang lalaking professor, pero alam kong paghanga lang ang mga 'yon. Ito lang talagang kasama ko ang nasa next level na. Kulang na lang ay nasa alapaap na siya sa pagiging assumera niya. Baka bansagan na siyang ‘Assumerang professor ng taon’.   ***   'Di na talaga ma-ipinta ang mukha ko nang makarating na kami sa school dahil panay salita lang kasi si Professor Valentine. Kunting-kunti na lang ay dumugo na ang taenga at utak ko dahil sa mga naririnig ko sa kaniya. Masyado na talaga siyang delusional. Maliliit na bagay pinapalaki niya. 'Yong friendly gesture lang ni Professor Sebastian ay iba na ang dating sa kaniya.   Hay nako! Bakit masyado siyang bulag sa nararamdaman niya? Kulang ata talaga siya ng pagmamahal ng magulang niya o tatay niya kung bakit kunting galaw lang ni Professor Sebastian o sinasabi ay parang nasa alapaap na? Ewan ko na lang talaga sinong iiyak sa huli.   "Bye na, Miss Athena,” paalam nito. “Congrats again," sabi niya habang kumakaway sa akin.   Bago pa makalayo si Professor Valentine ay tinawag ko muna siya. May binitawan akong salita na sana makatulong para mabawasan ang pagdi-daydream niya tungkol kay Professor Sebastian. As soon as kaya pa niyang i-withdraw ang feelings niya at hindi pa huli ang lahat. Para maiwasan niyang mas masaktan ng sobra.   Emotional pain is too much to handle than physical pain.   "Alam niyo ho? Kung puro po kayo 'feeling', I'm sure magkakasakit ka sa puso. Why? Dahil sa mga sinasabi na keso feeling ko na mag-co-confess na siya, feeling na gusto niya ako, feeling na iiwasan na niya si Professor Carmela para sa iyo.” Sabay buntong hininga ko. “Try mo kayang i-clear ‘yang pag-iisip mo. Try mong isipin ang realidad. Iyong walang halong pagpapantasya,” suhestyo ko. “'Yan kasi ang problema ng ibang taong sa sobrang pagiging positive thinker kahit alam mong imposible na mangyari ay sige pa rin. Kahit alam mong hindi mangyayari o nangyayari ay kino-convince mo pa rin ang ‘yong sarili sa maling pamamaraan.” Sabay iling ko pa.   Kitang-kita ko kung paano siya napapaisip sa mga salitang binitawan ko para sa kaniya.   “Try to accept everything na nangyayari around you. Mabuhay ka sa realidad hindi sa puro pantasya lang. Because fantasy can ruin you. Hindi pa huli ang lahat sa iyo." Huling sinabi ko na ikinaawang na ng kaniyang bibig.   Hindi talaga siya makapaniwala na binigyan ko siya ng payo at nag-real talk ako sa kaniya. Ang haba na rin ng sinasabi ko. Though, hindi naman kasi talaga ako tipid magsalita. Hindi lang ako nagsasalita pag alam kong nonsense lang. Pero kawawa na rin kasi siya. Mukhang walang ibang taong nagsasabi sa kaniya na mali ang ginagawa niya. Ayoko rin naman na suportahan siya sa kaniyang gusto dahil hindi naman iyon tama.   Isa lang naman nakakatulong talaga sa atin, ang sarili lang natin. We need to think more at pakiramdaman ang nararamdaman. Minsan kasi nabibigla sa mga nangyayari kaya nagiging impulsive tayo which is a big no. Isang malaking mali at isang malaking decision ang nagagawa natin kung alam natin na nagawa natin lang 'yon kasi naging impulsive na lang bigla. Hindi pa naman huli ang lahat. It is better na bawiin lahat ng sinabi kaysa mapasubo sa mga bagay na alam mong in the end ay magbibigay problema sa ‘yo.   "Ciao, Professor Valentine,” paalam ko. “Gawin mo na, before it's too late. Kaya mo pang iahon ang sarili mo. Huwag masyadong feeling."  Pahabol ko bago tuluyan na nga akong naglakad palayo sa kaniya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD