"Kailangan ko ba talagang kasama sa trabaho si Ivy?" tanong niya kay Raji habang nasa kotse sila patungong opisina. Isang linggo din siyang hindi nakalabas ng bahay. Nami-miss niya na ring makita ang Mama niya at dalawang kapatid. "Mrs. Mones will be retiring very soon. Kaga-graduate mo pa lang, mas may experience si Ivy sa 'yo. You will be train first before Samir put you as Head of Finance. Don't worry, mabait si Ivy." "Baka sa 'yo lang," mahina niyang wika pero siniguro niyang maririnig ni Raji. Gusto niyang malaman nito na nagseselos siya sa babaeng 'yun. "Wait till you get to know her. She's a bit older than you. Pero sigurado akong magkakasundo kayo." Lalo tuloy siyang naiinis sa Ivy na 'yun. Hindi nga lang siya puwedeng magmaktol na parang bata na naman dahil kagagalitan siya ni

