Isinama siya ni Raji sa opisina nito nang makabalik sila sa BLFC. Tinawagan nito ang kapatid na si Wael para pag-usapan ang panibagong venture ng BLFC na balak kumuha ng shares sa Mega Union Bank. At para pag-usapan ang tungkol kay Wael at kay Ivy. "You have to come to your office and attend meetings, Wael. You can't go on like this all the time," narinig niyang wika ni Raji sa kapatid. Sa tingin niya ay hindi naman sumunod si Wael sa utos ni Raji hanggang sa ibaba ng asawa ang telepono. "Ano ba ang problema ng dalawang 'yun?" "Wael was avoiding Ivy, obviously." "May problema ba kung hindi sila magkaayos?" "Matagal nang kaibigan ni Papa ang pamilya Dantes, Yana. Wael and Ivy had been constantly going out since they both love parties and nightlife. Unfortunately, Ivy's parents caugh

