Chapter 40

1424 Words

NASA balkonahe si Raji nang lumabas siya mula sa banyo. Alas dies na ng gabi. Maghapon silang nasa meeting ni Raji dahil wala ang dalawang kapatid nito sa opisina kanina. Si Samir ay inaasikaso ang pamilya nito na kuntento na dahil may dalawang anak. Si Wael naman ay hindi rin nagtutungo sa opisina dahil iniiwasan si Ivy. Kay Raji lahat nakaatang ang trabaho kaya't tiyak na marami itong iniisip. Kinuha niya ang roba na nakasabit sa rack dahil malamig ang simoy ng hangin dahil sa nagbabadyang pag-ulan. May hawak na baso ng whiskey si Raji na nakatanaw sa malayo. Buong hapon din siyang naligalig dahil sa huling pag-uusap nila kanina.  'Kung meron mang magloloko sa atin, hindi ako 'yun...' "May problema ba?" Ikinawit niya ang kamay sa baywang nito. Raji, like Samir, was a man of few words.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD