Chapter 2

1703 Words
MAAGANG pumasok si Raji pagdating ng Lunes dahil sa maraming trabaho sa opisina. At dahil hindi niya maalis sa isip ang babaeng nahalikan noong stag party ng kaibigang si Jonathan, kailangan niya nang mapagbabalingan ng atensyon. Hindi niya alam kung bakit hindi na siya kinontak ng manager nito gayung nilakihan naman niya ang ibabayad kung tutuusin. Dalawang araw din siya naligalig sa babaeng 'yun at hindi niya gustong dagdagan pa ng araw. She was a prostitute, he should not waste his time thinking about her. Tiyak naman niya na ibang customer ang sinamahan nito kaya hindi na sumipot sa kanya. "May meeting tayo maya maya, Raji," wika ng kapatid na si Samir na sandaling sumilip sa opisina niya. "Tungkol saan?" "Maaari na nating buksan muli ang branch sa Baguio at Cagayan de Oro. Kailangan na lang nating magtalaga ng taong mapagkakatiwalaan. Pag-usapan na lang natin mamaya." Marahan siyang tumango dahil mabilis ding umalis ang kapatid niya na nasa pinto kanina. Matapos ang isang oras ay tawag naman ang sekretarya niya at sinabing may gustong makipag-usap sa kanya. "I have a meeting with my brother in fifteen minutes," paalala niya sa sekretarya. "Sino ba 'yan?" "Mr. Manriquez daw ho. Dati niyo daw ho siyang empleyado." Umahon ang inis sa dibdib niya nang mapagtanto na ito ang empleyado na nakatangay ng malaking halaga noon dahilan para magsara ang branch nila sa Cagayan de Oro. Sumabay ito noong kasalukuyang nasa ospital ang kapatid na si Samir pagkatapos nitong maaksidente. Sinamantala ni Mr. Manriquez ang kawalan ng supervision dahilan para magnakaw ito ng pera sa kumpanya. Sa loob ng ilang taon ay hinahanap nila ito pero magaling itong magtago. "Send him in right away," utos niya sa sekretarya. Pagkatapos ay tinawagan niya kaagad ang abogado nila para ipaalam ang presensya nito dahil nakahanda na silang kasuhan ito. Wala pang tatlong minuto ay kumatok na ang sekretarya niya. Bumungad sa kanya ang nangayayat at lalong tumanda na si Mr. Manriquez. Tiyak niyang pinagdudusahan naman na ito ng nagawang pagnanakaw sa kumpanya nila, pero kailangan pa ring pairalin ang batas. "Mabuti at kayo na rin mismo ang sumuko, Mr. Manriquez. Alam niyong mahahanap din kayo ng mga pulis kaya't walang dahilan para magtago. May utang kayong dapat pagbayaran." "Patawarin niyo ako, Raji. Kung kaya ko lang ibalik ang perang nakuha ko'y matagal ko nang ibinalik." Gusto niyang maglabas ng sarkastikong ngiti pero pinili niyang magpakahinahon. Naaawa rin naman siya sa matanda kahit paano. "Tinawagan ko na ang abogado ng kumpanya para maghain ng reklamo laban sa inyo." "Maawa ka, Raji... Kaya ako lumabas sa pinagtataguan ko'y dahil may sakit ang asawa ko. Kailangan ko siyang alagaan dahil bata pa ang mga anak ko at nag-aaral. Maawa ka sa amin..." "I'm afraid I cannot grant your request. May batas tayong susundin. Nagkasala ka at nararapat lamang na pagbayaran mo 'yun. It was actually long overdue..." "Nakikiusap ako, Raji... Kung gusto mo ay magsisilbi akong muli sa inyo ---" "After you've broken our trust?" mabilis niyang sagot. "There's no point of keeping you in the company, Mr. Manriquez." "Magtatapos na ang panganay kong anak. Kung gusto mo sa 'yo siya maninilbihan kahit hindi pa siya nakakatapos. Hindi na rin naman namin siya kayang pag-aralin." "I don't need an undergraduate and inexperienced employee, you know that." Hindi ito nakinig sa kanya bagkus ay inilapag nito sa mesa ang larawang hindi niya maaaring mapagkamalang iba. He was sure the young girl in that photo and the young woman at Jonathan's stag party were the same. "What's her name?" tanong niya na bahagyang nagbara ng lalamunan. Umahon ang kakaibang pakiramdam sa katawan niya. Nabuhay ang dugo niya. "Iyan ho ang panganay kong anak. Bente anyos pa lamang siya at hindi pa tapos sa kolehiyo, pero tinitiyak ko na maayos siyang magtrabaho." "What's her name?" muli niyang tanong. "Alyana Rose Manriquez. Sana'y tanggapin niyo siya dahil kailangan niya ng trabaho. Walang wala kami ngayon dahil nasa ospital ang asawa ko dahil bumagsak nang husto ang sugar niya. Nanganganib siyang mabulag, Raji..." Kung sa ibang pagkakataon ay ikatutuwa niya na tila pinarurusahan ang mga ito ngayon dahil sa ginawa ni Mr. Manriquez sa kanila. Pero naawa siya kaagad kay Yana na hindi nito matatapos ang pag-aaral dahil sa problema ng pamilya nito. Kaya ba ito pumasok bilang prostitute ay dahil nagtago ang ama nito sa mahabang panahon? "You had swindled fifteen million pesos, Mr. Manriquez. Kailan pa sa palagay mo mababayaran ng anak mo ang perang 'yun?" Yumuko ang matanda sa kawalan ng isasagot. Pagkuwan ay nagsalita. "Kung gusto mo'y anak ko mismo ang magiging kabayaran. Magiging maayos naman ang kalagayan niya kapag ikaw ang napangasawa niya..." Hindi niya maintindihan kung bakit tumigil ang pagtibok ng puso niya sa loob ng ilang segundo. Hindi niya inaasahan na ipambabayad mismo ni Mr. Manriquez ang anak nito. Kung gayun ay alam nito na bayarang babae si Yana? Nang maalala ang trabaho ng dalaga ay nagbago ang isip niyang tanggapin ang proposisyon ng matandang kaharap. He can't marry a prostitute. Sa dami ng mga kaibigan niya na nagpupunta sa mga men's executive club, tiyak niyang may naging kliyente na si Yana sa mga ito. Hindi niya gustong ipahiya ang sarili. Pero sumagi sa isip niya ang kasunduan nilang magkakaibigan na may babae siyang ipakikilala bilang fiancee sa kasal ni Jonathan sa linggo. Maaari niyang magamit si Yana pagkatapos ay didispatsahin niya oras na may makakilala sa dalaga. "Bring her here tomorrow," mahinahon niyang utos sa matanda na nagpaliwanag ng mukha nito. "Papupuntahin ko ho siya kaagad dito," masayang sagot nito. "Ano ho ang ibig sabihin ng pagpapapunta ko sa kanya dito bukas?" "You will find out tomorrow. I need to talk to her first." "Sige ho, Mr. Burman. Bukas na bukas ho ay magre-report siya dito sa inyo." Nang makaalis si Mr. Manriquez ay muli niyang tinitigan ang mukha ni Yana sa iniwang larawan ng ama nito sa mesa niya. Hindi niya inaasahan na magkikita silang muli sa pambihirang pagkakataon. Nasa kanya pa rin ang alas. Kahit iwasan siya nito'y siya pa rin ang panalo. Tadhana ang nagdikta na magkikita silang muli. "KAILANGAN na ho bang bilhin ang mga gamot niya?" tanong ni Yana sa nurse na nag-aasikaso sa Mama niya. "Opo, ma'am, para maipainom na ho sa kanya," sagot naman ng nurse. Napatitig siya sa ina na may nakakabit na dextrose na ngayon ay mahimbing na natutulog. Noong isang gabi ay tumumba ito dahil bumagsak nang husto ang sugar. Kasalukuyan siyang nasa party noon kasama ang isang ahente ng club na pinagtatrabahuhan ni Milette. Nanlulumo siya sa kinasapitan ng pamilya niya mula nang masangkot ang Papa niya sa pagnanakaw sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nito. Nagtago ito nang tatlong taon dahilan para maghirap sila. Tatlo silang nag-aaral sa isang exclusive school. Para maipagpatuloy ang pag-aaral ay ibinenta ng Mama niya ang kotse nila at ilang gamit at alahas. Pero hindi naging sapat iyon sa pang araw-araw na gastusin dahil wala namang trabaho ang Mama niya dahil sa pag-aalaga sa kanilang magkakapatid. Nang mag-enroll siya sa kolehiyo ay lumipat siya sa Polytechnic University of the Philippines para makatipid ang Mama niya sa tuition. Hanggang isang araw ay kinailangan niyang tanggapin ang alok ng isang bugaw dahil hindi na sila nakabayad ng kuryente at upa sa bahay at enrollment ng dalawang kapatid sa eskwelahan. Hindi siya prostitute. Ang tinanggap niya lang na trabaho ay ang ilagay sa malaking box sa isang stag party bilang regalo sa lalaking ikakasal na. Ang kailangan lang daw niyang gawin ay ang magsayaw pagkatapos. Magtatakip naman siya ng mask katulad ng pag-attend sa isang masquerade ball. Hindi siya makikilala. At lalong hindi siya magpapa-table o sasama sa isang hotel para magpakama. Kailangan lang talaga niyang kumita nang malaki sa mabilis na paraan dahil umiiyak ang kapatid niyang si Rosette dahil hindi ito makapagpa-enroll sa susunod na pasukan. Matagal nang nag-aalok sa kanya ng trabaho si Salve na mag part-time sa club kahit waitress lang. Malaki ang sahod na halos triple ang halaga kumpara sa kinikita niya ngayon sa isang fastfood chain. Pero pinipilit niyang ilayo ang sarili sa ganoong trabaho dahil gusto niyang mapanatili ang dignidad niya. Mataas ang pangarap niya para sa sarili. Hanggang isang araw ay kailangan niyang isantabi ang paninindigang iyon alang-alang sa pamilya niya. Alam niyang iyon na ang simula nang pagtapak niya sa mundo ng prostitusyon. Bago siya isalang ay nakabunggo pa siya ng isang lalaking binatos at hinalikan siya. She felt humiliated and degraded. Gaano man kayaman at kagwapo ang lalaking 'yun ay walang karapatan na maliitin ang pagkatao niya. Muling umahon ang galit niya sa lalaking 'yun. Nag-alok pa ito kay Salve na doon sumama at titreplihin nito ang ibabayad huwag lang siyang um-attend sa stag party. Nanlaki ang mata ni Salve sa bayad nitong two hundred thousand pesos bilang komisyon. Napailing na lang siya sa alaalang iyon. May mga lalaki nga namang magtatapon ng pera para lang maitawid ang tawag ng laman. Sinasamantala ng mga ito ang kahinaan nilang mahihirap na halos mamalimos naman ng pera para maitawid ang buhay. Ang pagbagsak ng Mama niya sa sahig ang nagligtas sa kanya sa sitwasyong iyon na tuluyang maging isang prostitute. Tumawag si Rosette sa kanya na nakahandusay ang Mama nila at hindi nito alam ang gagawin. Sa tulong ng kapitbahay ay isinugod ito sa ospital. Umalis siya kaagad sa hotel na 'yun at pinuntahan ang ina. Hanggang ngayon ay hindi pa niya kinokontak si Salve tungkol sa alok ng lalaki na hinding-hindi niya tatanggapin. Kahapon ay dumating ang Papa niya na ikinagulat nilang magkakapatid. Nagkaroon siya ng pag-asa. Hindi na siya nagtanong kung kanino nito nalaman na maysakit ang Mama niya. O kung saan ito nagtago sa loob ng tatlong taon. Sapat na sa kanya ang presensya nito para mapanatag siya na kakayanin nilang lagpasan ang suliraning pinansyal. Ikinatuwa niyang sa kabila nang paglayo ng Papa nila, nakamasid pala ito sa kanila mula sa malayo; inaalam ang kalagayan nila. Alam niya kung gaano nito kamahal ang Mama nila kaya't hindi na siguro natiis na hindi magpakita ngayong maysakit ito. Masyado na ring matagal ang tatlong taong pagtatago. Sana'y kinalimutan na ito ng kumpanyang naghabla noon dahilan para iwanan sila ng Papa niya. Sana'y bumalik na sa dati ang lahat. Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD