Chapter 3

1417 Words
Kumusta ho ang Mama?" tanong ni Yana sa ama nang dalhan niya ng pagkain ang mga magulang sa ospital. "Tulog pa rin ng tulog. Pero tumaas naman na daw ang sugar niya sa ngayon. Kailangan lang mas pataasin pa para tuluyan na siyang maligtas sa kapahamakan. Ilang araw pa tayo dito sa ospital, anak." Malungkot ang tinig ng Papa niya. Naroon ang pag-aalala sa kalusugan ng Mama nila at kasama na rin ang problemang pinansyal. Ilang araw na sila sa ospital, maraming gamot na rin ang naiturok sa Mama nila. Alam niyang walang pera ang ama sa ngayon at hindi niya na gustong kwestuyin pa. "Kumain ho muna kayo." Inilapag ni Yana ang pagkain sa ibabaw ng cabinet na nasa tabi ng hospital bed ng Mama niya. "Humihingi ako ng tawad sa inyo, anak. Kung hindi dahil sa pagkakamali ko, hindi tayo maghihirap nang ganito. Ni hindi mo sana kailangang huminto sa pag-aaral." "Ano ho ba ang nangyari?" Ngayon lang siya naglakas ng loob na magtanong. "Na-scam ako ng isang kumpanya kung saan ako nag-invest ng pera anak. Hindi ko na mahanap ang taong tumanggap ng pera ko at nagsara na rin ang kumpanya mismo. Gusto ko mang magsampa ng kaso sa kanila ay wala na akong pera para ipantustos pa." Hinawakan ni Yana ang kamay ng ama na ngayon ay kulubot na ang balat. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito at alam niyang dala pa rin sa kunsensya nito ang nagawang pagkakamali. "Maghahanap ho ako ng trabaho, Pa..." "Nagpunta ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, Yana. Humingi ako ng tawad sa nagawa ko." "Ano ho ang sabi nila? Pumayag ho sila na hindi ka na nila ipapakulong?" Marahang tumango ang Papa ni Yana pero malungkot pa rin ang ibinabadya ng mga mata nito. At naroon din ang pagkabalisa. "Salamat naman ho kung ganoon." Kahit paano ay nakabawas na sa aalalahanin nila ang dapat na kasong kahaharapin ng Papa niya. "Pero may kundisyon sila, anak..." "Ano ho'ng kundisyon?' "Na... magtatrabaho ka sa kanya, anak. Gusto ka niyang makausap bukas na bukas din." "A-ako ho?" Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan sa sinabing iyon ng ama. Sa kalagayan nila ngayon, hindi naman na talaga siya makapag-aaral pa kahit wala naman siyang babayaran sa university. Mas kailangan niya na ang magtrabaho dahil wala namang trabaho ang Papa niya. Pasan niya ngayon ang buong pamilya niya kung susumahin. "Ano ho ang magiging trabaho ko doon?" "Si Sir Raji na lang ang kakausap sa 'yo, anak. Maghahanap din ako ng trabaho at aalagaan ko ang Mama mo. Mabait naman si Sir Raji, anak. Pumayag nga siya na hindi na ako ipakulong. Alam kong magiging maayos din ang lahat." Isang marahang tango ang pinakawalan niya. Ang alam niya'y patay na ang pinaka-boss ng Papa niya ilang taon na rin ang nakalipas. Wala naman siyang balita sa kumpanya mula ng magtago ang Papa niya. Kunsabagay, noon kasi ay pag-aaral lang ang inaatupag niya. Ngayon lang siya namulat sa mundo ng kahirapan. Kinabukasan ay maaga siyang naghanda ng almusal para sa dalawang kapatid. Pupuntahan niya ang dating kumpanya ng Papa niya para puntahan ang boss nito na si Raji Burman. Nasa kanya na ang calling card nito. Kailangang hindi siya ma-late sa sinabi ng Papa niyang oras ng appointment niya. Alas nueve ng umaga. Napakalaki ng Burman Building sa Makati. Halos mabingi siya paglabas sa elevator. Agad siyang nagtanong sa receptionist kung saan ang opisina ni Mr. Raji Burman. Iginiya naman siya nito sa isang malaking opisina na napapalibutan ng dingding na salamin kung saan makikita ang buong Makati. Kinakabahan man, pilit niyang inignora ang takot sa dibdib niya dahil kailangan niyang harapin ang dating boss ng Papa niya na ngayon ay magiging boss niya. Fifteen million ang nakuha ng Papa niya sa kumpanya noon. Kahit yata bente kwatro oras siyang magkuskos ng sahig sa buong building ay hindi niya kayang bayaran 'yon. Ilang taon na ba ang Raji Burman na 'yon? Bakit pumayag itong balewalain na lang ang kaso ng Papa niya basta lang magtrabaho siya dito? Bago pa madagdagan ang mga tanong sa isip niya ay bumukas na ang pinto. Inayos niya ang black mini skirt bago nilingon ang taong pumasok. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya nang makilala kung sino ang lalaking naka-coat and tie at pormal na nakikipag-usap sa isang babae na marahil ay sekretarya nito. Ito ba si Raji Burman?! "Pero nanghihingi sila ng palugit kahit dalawang buwan pa raw, sir Raj," wika ng babae. Napatingin sa kanya ang lalaki imbes na sa kausap nito. Napalunok siya dahil pakiramdam niya'y nanuyo ang lalamunan niya. "Let's discuss this later, Arlene. I have a very important visitor here whose time is as valuable as mine." Tumitig sa kanya ang lalaki nang umupo ito sa executive chair. "Okay, sir. Sabihin ko na lang kay Mr. Hombre na wala pa kayong desisyon. Ang kulit kasi eh." Hindi alam ni Yana kung saan ibabaling ang tingin nang makaalis ang babae. Napahawak siya sa lilis ng mini skirt niya na tila ba doon kumuha ng lakas. "G-good morning, Mr. B-burman..." mahina niyang bati. Tumaas ang kabilang sulok ng labi nito. Kung sa ibang pagkakataon sila ay tiyak niyang kikiligin siya sa kung paano ito tumitig sa kanya ngayon. Pero tila naaamoy niya nang may ibang dahilan kung bakit siya pinapunta dito ngayon. "Akala ko'y nagkaintindihan kami ng manager mo? Why didn't I receive any call that night? Maliit ba ang two-hundred thousand na komisyon?" "N-nawalan kasi ng malay si Mama... Kinailangan kong puntahan kaagad sa ospital." Sandali itong natigilan bago muling sumandal sa itim at malambot nitong upuan. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang perang tinangay ng Papa mo, Yana?" Marahan siyang tumango. "Kaya ho ako nandito para makabayad sa kung paanong paraan pupuwede." "I won't marry you, if that's what you have in mind." "Ho? Hindi ho 'yon ang ibig kong sabihin," agad niyang tanggi. Kahit kailan ay hindi niya naisip ang ganoong bagay. Ni hindi niya ito kilala at ngayon lang niya nalaman na ang dating boss ng Papa niya at ang humalik sa kanya sa hotel noong nakaraang linggo ay iisa. "Hindi ba? It was your father's proposal." Isang ngisi ang pinakawalan nito habang siya'y umahon ang inis sa ama. Bakit gagawin 'yon ng Papa niya? Kunsabagay, desperado na ito na makabayad ng utang para maabswelto sa kaso. Siya na ang ipinambayad tutal hindi na rin naman siya makapag-aral. Ano na lang ang trabahong mapapasukan niya kung hindi naman siya graduate ng college? "H-hindi ko ho alam..." "Why were you surprised? 'Yon naman ang trabaho mo, hindi ba?" Hindi niya alam kung paano itatama ang maling pagkakakilala nito sa kanya. O kung mahalaga pa ba 'yon. "K-kung gayun... sa paanong paraan ho ako magbabayad kung ayaw niyo sa alok ni Papa?" "How long have you been working as a call girl?" "H-hindi ho ako callgirl," mariin niyang sagot. Gusto niya nang mag-walk out kanina pa kung hindi lang walang mag-aalaga sa Mama niya kapag nakulong ang Papa niya. "Don't pretend anymore. Marami akong kaibigang nagpupunta sa mga high-end clubs at mapapahiya ako kung isa roon ay naging customer mo na." Gusto niyang ulitin ang sampal na ibinigay niya rito noong gabi, pero baka isampal din sa kanya ang kaso ng tatay niya. "Huwag ho kayong mag-alala dahil sa pipitsuging bar sa Sta. Cruz lang ho ako nagtrabaho ng isang linggo. Ano ho ba ang magiging trabaho ko?" Tinapangan niya ang sagot at kailangan na rin niyang magpanggap. Hindi maaaring yuyuko lang siya sa harap ng lalaking ito. "You will be my fianceè. Hindi tayo magpapakasal sa totoong salita, pero aakto kang girlfriend ko sa harap ng mga kaibigan ko sa Linggo. Titira ka sa bahay ko at doon ka magtatrabaho hanggang sa panahong itatakda ko. Naiintindihan mo?" "N-naiintindihan ko ho. Kailan ho ako lilipat sa bahay niyo?" "Today. My driver will pick you up from your apartment after lunch. But let me remind you, Yana, walang makakaalam sa kasunduan nating 'to." "Yun lang ang gagawin ko? Magpapanggap lang?" Ngumising muli ang lalaki. "May iba ka pa bang naiisip na ipagagawa ko?" Agad niyang iniwas ang tingin matapos umiling. "W-wala ho." "Wala akong interes sa katawan mo kung 'yon ang gusto mong ipahiwatig, Miss Manriquez. Pero malay mo, baka magbago ang isip ko. Masyado nga namang madali kapalit ng labinlimang milyon." Hindi na siya nagsalita dahil nakita niyang pumormal na ito at hinarap ang laptop nito. Mabigat ang mga paa na nilisan niya ang opisina ni Raji Burman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD