HINDI napigilan ni Raji ang mag-init ang katawan pagkatapos maghubad sa harap niya si Yana. She's alluring, tempting, and hard to resist. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili dahil hindi niya gustong magpauto dito. He had enough. Kaninang nakausap niya ang katulong, sinabi ni Sita na ginagawang katulong ni Yana ang sarili. Pinagbawalan niya ang mga ito na bigyan ang asawa ng trabaho. Wala siyang pakialam kung maburo ito maghapon sa bahay niya, kailangan nitong magtiis hangga't hindi pa niya alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanilang dalawa. "I'm not in the mood," mahina niyang wika na hindi niya alam kung mapaninindigan. He was rocking hard and his groin started to ache. Ilang gabi na siyang nagtitiis na huwag itong puntahan sa silid. Ikinawit ni Yana ang dalawang braso

