Tulad ng mga nagdaang araw, laging maaga umaalis si Raji at hindi na siya kinausap man lang. Mababaliw na yata siya sa araw-araw na walang ginagawa sa bahay. Kung alam lang niya na ganito lang ang magiging karera niya, hindi na siya nagsunog ng kilay para maging isang CPA. Magiging surrogate mother lang pala siya. Ang ikinasasama pa ng loob niya ay hindi na siya nilapitan pang muli ni Raji matapos ang gabing nagpunla ito sa sinapupunan niya. Dahil ba may ibang babae na itong pinag-uukulan ng pansin ngayon? "Ano ho ang gagawin natin ngayon, Manang?" tanong niya sa katulong na si Sita nang bumaba sa komedor. Tulad ng dati, sila lang ang naiiwan sa mansyon dahil nasa opisina maghapon ang magkakapatid. Ang asawa ni Samir na si Gia ay manager din sa isang publishing house na pag-aari ng mag

