Magdamag na lang na umiyak si Yana. Na-block niya na ang telephone number ni Roniel at ibabalik niya na sa kapatid ang teleponong hiniram niya. Kailangang maayos niya ang problema nilang mag-asawa. Kailangan niyang maitama ang pagkakamali niya. Kung totoo na naghintay si Raji ng dalawang taon at hinayaan muna siyang makapiling ang mga magulang niya habang hindi pa niya ito naaalala, tiyak niyang may pagtingin nga ang asawa sa kanya katulad ng sinasabi ni Anton noon at ng iba pa nitong kaibigan. Galit lang ito ngayon kaya ganoon na lang ang pagtrato sa kanya. Maaga siyang bumangon kinabukasan kahit pa masakit pa ang katawan dahil sa pakikipagbuno dito kagabi. Naligo siya kaagad. Baka sakaling magbago ang isip nito na pagtrabahuhin siya ulit sa BLFC. Itinanong niya sa katulong kung

