Pabagsak na isinara ni Raji ang pinto ng kotse nang makauwi siya. Hindi pa rin humuhupa ang galit niya matapos makitang yakap ng ibang lalaki si Yana at nagawa pa itong halikan. It was his fault. Dapat ay hindi siya pumayag noon na manatili si Yana sa mga magulang dahil napatunayan naman niya na totoong ikinasal sila. Hindi niya nahindian ang pakiusap ng ina nito na tapusin na lang muna nito ang pag-aaral bago mag-asawa tutal ay hindi naman siya naaalala. He agreed. So, he waited two more years. Wala namang problema sa pagbawi niya kay Yana sa pamilya nito. Ngayong wala na rin si Mr. Manriquez, lalong wala nang tutol sa pag-angkin niya sa asawa. Pero ang problema niya ay malayo ang loob sa kanya ni Yana. At hindi niya alam kung paano ilalapit ang loob pagkatapos ng nangyari kanina. Nakit

