Hanabi's P. O. V. Alas dyes na ng gabi at limang araw na rin simula nang bumalik ako sa bahay na ito, pakiramdam ko ay taon ko ng hindi nakakasama si Liam. Gustong- gusto ko na siyang makita. Pinanghahawakan ko ang sinabi sa akin ni kuya Raymond na gagawa siya ng paraan para kahit papaano, magagawa kong makita si Liam nang hindi nalalaman ni daddy. "Pst!" Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng sitsit mula sa bintana. Hanggang sa may nakita akong hulma ng tao umakyat mula sa terrace dito sa aking kuwarto. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba dahil parang pamilya ang taong ito. Hanggang sa binuksan ko ang glass door dito sa aking kuwarto at naluha ako sa aking nakita. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon ang lalaking pinakamamahal ko. "L- Liam..." naluluha kong banggit s

