"Congratulations!" "Congratulations, Hanabi!" "Congratulations, Liam!" Binalot ng ingay ng naghihiyawan, palakpakan at sigawan ang reception kung saan dinaos ang engrandeng kasal nina Liam at Hanabi. Sa wakas, natupad na rin ang pinakahihintay nilang maikasal sila sa harap ng maraming tao lung saan walang humahadlang at wala silang nararamdamang pangamba. "Oh 'di ba bongga! Next ako naman ang ikakasal!" maharot na sabi ni Aries kay Hanabi sabay hawi ng buhok nito na humaba na. Natawa naman si Hanabi. "I- claim natin iyan. Sana sa babae ka ikasal." Umirap naman si Aries. "Letse! Sinabi ng ayoko ng kipay! Ayoko niyan kadiri! Hotdog ang gusto ko! Jumbo hotdog! Talagang hindi na kinaya pa ng sistema ko na magpakalalaki. Wala na akong pakialam pa sa ibang tao kung ano man ang sasabihin n

