"Ano? Kasal na si Lawrence?" gulat na tanong ni Kate nang malaman niya iyon. "Oo bakit? Parang apektado ka naman?" natatawang sabi ni Emman. Umirap naman si Kate. "At bakit naman ako hindi magiging apektado eh 'di ba kailan lang umamin sa akin si Lawrence na gusto niya ako? At balak niya pa nga akong ligawan 'di ba?" Umarko naman ang kilay ni Emman. "Oh tapos? Eh 'di ba hindi mo naman siya pinili? Sumama ka sa ibang lalaki. Hindi mo pinili ang kaibigan ko kaya ayon.... nakahanap agad siya ng babaeng mamahalin niya at pinakasalan niya agad ang babaeng iyon. Akala mo naman kasi hindi seryosong magmahal ang kaibigan ko pero nagkamali ka. At ngayong nalaman mo kasal na siya, bakit parang hindi ka masaya? Nagsisisi ka ba at naisip mo na sayang dahil hindi siya ang lalaking pinili mo? Siguro

