"Hoy! Nasaan ka ngayon? Bakit wala ka na sa bahay niyo? Lumayas ka na?" sabi ni Lea na kaibigan ni Madeline. Mabuti na lang at kabisado niya ang lahat ng social media accounts niya kahit na naiwan niya sa bahay ang maliit niyang notebook. Nakasulat kasi doon ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniya. Mabilis niyang pinagpapalitan ang kaniyang password at kung ano- ano pa. At nag - message kaagad siya kay Lea upang makipagkita dito at magkausap sila. "Naikuwento ko naman sa iyo kung bakit gusto ko ng umalis doon, 'di ba? Muntik na akong magahasa ng gagong Bogart na iyon! Hayop ang manyakis na iyon! Mabuti na lang talaga at nakatakas ako sa lalaking iyon. Wala na akong planong bumalik pa doon. Bahala na si mama. Hindi naman niya ako pinaniniwalaan eh. At wala siyang pakialam sa a

