Tila nagulat pa si Madeline nang magising siya sa isang magandang kuwarto. Kinusot - kusot niya ang kaniyang mata bago inilibot ang paningin sa paligid. Naalala niyang bigla ang nangyari kagabi na tumakas siya sa kaniyang amain na si Bogart. Kung saan muntik na siya nitong pagsamantalahan. Mabuti na lamang talaga at huminto ang sasakyan pinara n'ya kung saan mabait ang may ari nito at nagawa siyang patirahin sa bahay nito. Kaya naman sinabi ni Madeline sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat ng iuutos sa kanya ni Lawrence upang suklian ang kabutihan ng binata. Bigla niyang naisip ang kaniyang ina. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam dito na lumayas na siya at wala nang planong bumalik do'n. Ngunit naisip niya na tama lang siguro ang kaniyang ginawa dahil hindi naman siya nito kinaka

