Habol ang hininga nang makarating ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama. Hawak ko ang labi ko at di ko maiwasang ngumiti na abot hanggang tenga. Ang sarap sumigaw at magtitili. Kung wala lamang tao sa baba aba kanina pa ako ang nagtatalon at nagsisisigaw. Grabe para akong nanalo sa lotto sa nararamdaman ko ngayon. I have my first kiss sa taong ngayon ko lang nakilala pero subrang crush ko na. I mean gustong gusto ko sya kahit ngayon pa lang kami nagkita. Grabe the feeling is mutual. Di ko tuloy malaman ang gagawin ko. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Nasaksihan ko kanina kung gaano ako karupok pagdating sa kanya. Nagpaubaya ako at tumugon pa sa mga halik nya. Nakakahiya baka akalain nyang easy to get ako. E ano pa nga ba iisipin nya sa klase ng pagtugon ko kanina? Naku! Lagot talaga ako kay kuya nito.
Inayos ko ang sarili ko at sinimulan ko ng tapusin ang lahat ng assignments ko. Gagawin ko na lahat ng assignments ko kahit wala namang pasok bukas kasi sabado. I need to divert my attention para makalimutan saglit ang gwapong mukha ng binata na laging nagflaflash sa isip ko. Ilang sandali pa at narinig ko ang ilang katok sa pintuan ko. Narinig kong tinawag ni kuya Jim ang pangalan ko. Agad kong inihinto ang ginagawa ko at pinagbuksan sya ng pintuan.
“Baby here’s your food. Pasensya ka na ha. Don’t you worry malapit naman na kaming grumaduate kaya madalang na ulit mangyayari tong mga ganitong ganap sa amin. Sana wag mo akong isumbong kay mama,” sabi nito sabay haplos sa ulo ko.
“Ah! Basta kuya wag ka magpapakalasing ha at saka wag kayong umabot ng hatinggabi. I want them gone when I wake up tomorrow!” matigas kong sabi sabay kuha ko sa kanya sa pagkain na nakalagay sa tray.
“I don’t think so if matatapos kami before midnight. Zane bought additional 2 cases of beer para lasingin kaming lahat Hahaha! Ewan ko ba anong nakain ng mokong na yun at bigla na lng ginanahan magpainom. Sabi pa nya sky is the limit kasi subrang saya daw nya ngayon. Nakapagtataka talaga e kanina kanina lang busangot ang mukha. Nag cr lang e pagbalik halos di na mawala ang ngiti sa labi,” mahabang kwento ng kanyang kapatid. Bigla naman akong inihit ng ubo sa sinabi ni kuya.
“Ha!? E kuya paano ako makakagamit ng banyo mamaya kung matagal pa kayo matatapos?” inis kong tanong sa kanya. Di ko pinahalata ang subrang kilig ko dahil sa nalaman. Alam kong ako ang dahilan kung bakit subrang saya ni Zane. Nakaiskor ba naman ng halik sa akin kaya nagpainom. Lihim na nagdiriwang ang bata kong puso.
“Baby, please wag ka munang lalabas sa kwarto mo. Ngayon lang naman ito e. Bukas ka na ng umaga gumamit ng banyo please….” pagmamakaawa ni kuya.
Agad lumambong ang mga mata ko at sabay tango kay kuya.
“By the way pag tumawag si mama sabihin mo busy ako sa paggawa ng thesis ha!” pakiusap nito sabay talikod. Di man lang ako hinintay na makapagsalita. Hayts! lagot ako nito kay mama. Si kuya talaga pahamak. Gagawin pa akong sinungaling. Naku tuwing alas 9 pa naman e tumatawag si mama sa skype. Nasa New york ngayon si mama at doon nagtatrabaho. Since I’m 12 di pa sya nakakauwi. Ang lage nyang rason kailangan nyang kumayod para sa aming magkapatid lalo na daw ngayon na malapit na akong magkolehiyo. Di ko maiwasan na maalala ang Daddy. Since noong gabi na mag away sila ni mommy at nag alsa balutan si Daddy e di ko na sya nakita. Inaamin ko miss na miss ko na sila at subrang naaapektuhan ako sa paghihiwalay nila. Hanggang ngayon di ko parin matanggap na nagkawatak watak na kami na wala na ang masayang pamilyang kinagisnan ko. Kumain ako at pagkatapos ay bumaba sandali para ibaba ang napagkainan ko at magtotoothbrush na rin. Dahan dahan lamang ang pagbaba ko pero nang nasa ibaba na ako ng hagdan biglang napadako ang tingin ko sa grupo ng nag iinuman partikular na kay Zane. Halatang masayang masaya ang pagmumukha habang abalang nagkikipagkwentuhan sa mga kasama. Sakto naman ang pagbaling nya ng tingin sa gawi ko. Nagtama ang aming mga mata. Titig na titig sya sa akin. Agad ko namang binawi ang paningin ko at nagmamadaling tumungo sa kusina. Binilisan ko ang bawat galaw ko. Pagkatapos kong magtooth brush ay agad akong nagbanyo. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa labas ng banyo. Ang ilaw na lang sa loob ang papailawin ko. Pagbukas ko, pipindutin ko pa lamang ang switch ng ilaw nang biglang may humatak sa bewang ko. Hindi ako agad nakahuma kaya't napasubsub ako sa dibdib ng mapangahas na taong ito. Abot abot ang kaba ko at pagkatakot pero biglang naglaho ang lahat ng takot ko nang malanghap ko ang pamilyar na amoy na walang ibang may ari kundi si Zane. Nang makabawi, agad akong humiwalay sa yakap nya pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa bewang ko kaya di ako agad nakakalas sa kanya. Hinawakan nya ang panga ko. Nahulaan ko ang gusto nyang gawin kaya iiwas ko sana ang mga labi ko pero bigla nya ito sinibasib ng halik.
"Ump! Hmmm…" para akong malulunod sa halik nya sa subrang sarap. Kahit hindi ko sya makita sa dilim damang dama ko ang bawat haplos nya. Idiniin nya ako sa kanyang katawan partikular na sa ibabang bahagi nya na namumukol sa tigas. Bigla akong nahimasmasan nang maramdaman ko ang matigas na bagay na yun sa ilalim ng kanyang pantalon. Nanginginig pa ang mga kamay kong buong lakas syang itinulak. Nang magkaroon ng luwag ang kanyang pagkakakulong sa katawan ko ay agad akong kumalas sa kanya.
"Ano ba!? Bakit ba bigla ka na lang nanghahalik at bakit nandito ka sa loob?" Inis na tanong ko sa kanya sa pigil na boses dahil baka marinig kami sa labas.
“Oh! Sorry I just miss you already. I don’t know what's into you that makes me so hot and crazy over you right now," malambing na bulong nya sa tainga ko na mas lalong nagpakilabot sa nararamdaman ko. Langhap na langhap ko ang mabangong hininga nya na may halong amoy beer na mas lalong nagpabaliw sa pagkasabik kong mahalikan nya ulit.