Chapter 1

2028 Words
Prologue Kasalukuyang nagbabasa si Rhiana ng romance pocketbook nang dumating ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jim. Nasa ikalimang taon na ito sa kolehiyo at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Civil Engineering. Galing ito sa paglalaro ng basketball sa paaralan kasama ang mga kavarsity player nito. Hindi pansin ni Rhiana ang pagpasok ng kanyang kapatid sa kanilang munting sala dahil busy sya sa pagbabasa. Nasa parte na sya ng kissing scene kaya naman dalang dala sya sa eksena. Wala syang kamalay malay na lantad na lantad pala ang kanyang mapuputi, makikinis at mahahabang biyas dahil nakashort short lamang siya. Kitang-kita ang kanyang puson at cleavage sa suot na spaghetti top. Tinapik ng kanyang kuya ang kanyang hita upang maagaw ang kanyang atensyon. "Rhiana! WTF! What are you wearing!? Lumipat ka nga sa taas. I have a visitor!" pagalit na sita nito. Halos panawan naman ng ulirat si Rhiana nang ibaling niya ang kanyang paningin sa kanyang kuya at sa kasama nito. Dumako ang kanyang mga mata sa lalaking titig na titig sa kanya. Matangkad, moreno at napakagwapo nito. May mga abuhing mata na nangungusap. Hindi agad nakahuma si Rhiana at napako ang kanyang mga mata sa binata. Nagkatitigan sila at naputol lamang nang biglang magsalita ang kanyang kuya Jim. "Rhiana ano ba! Tumayo ka na dyan. Magpalit ka ng damit pagkatapos bumalik ka agad dito at ipaghanda mo kami ng juice at merienda,”utos nito sa kanya. "Ha!? Okey kuya sandali lang at magpapalit ako. Hindi ko naman alam na magdadala ka ng ibang tao dito e!" nakalabing sagot niya. Sabay takip niya sa kanyang dibdib dahil naaaninag ang mga ito sa kanyang manipis na pang itaas. Hindi kasi sya nag-abalang magsuot ng bra kanina dahil sya lamang mag-isa sa bahay. Pulang pula tuloy ang pisnge niya dahil sa pagkapahiya. Yuko ang ulo at mabilis pa sa alas kuwatrong umakyat sya sa hagdan papuntang kwarto. Halos di sya makahinga dahil sa bilis ng t***k ng puso na kanyang nararamdaman. Hindi rin nya maintindihan ang init na lumukob sa kanya dahil sa klase ng titig na binigay ng binatang kasama ng kanyang kapatid. Pagkapasok ng kanyang kwarto, naidantay niya ang kanyang mga kamay sa dibdib upang mabawasan ang bilis ng t***k na nararamdaman. Napadako ang tingin nya sa salamin. Namumula ang mga pisnge nya na lalong nagpatingkad sa angkin nyang ganda. Napahawak sya sa kanyang makikinis na pisnge at sumilay ang kimi nyang ngiti. "Hayts! grabe ang guwapo! Kaya lang nakakahiya halos kita na ang kaluluwa ko sa suot ko," kausap ni Rhiana sa sarili habang kinikilig. Mabilis syang nagbihis ng desenteng damit na babagay sa kanya at dalidaling bumaba para ipaghanda ng pagkain ang kapatid. Rhian POV Habang pababa ng hagdan ay hindi ko maiwasang magdabog dahil dinig na dinig ko ang malalakas na kantsawan at tawanan ng mga kaibigan ni kuya. Mga, dahil paniguradong nandito na naman lahat ng katropa nya sa varsity team at hindi lang ang gwapong bisita nya kanina ang bisita. Naiinis ako dahil I'm sure babaha na naman ang alak mamaya. Mag iinuman na naman sila. Para bang di pa ako sanay e lage naman nilang ginagawa lalo na kapag walang pasok at pagkatapos ng bawat laro nila. Ang nakapagtataka lang, ngayon lang napagawi dito ang napakagwapong lalaking iyon. Lihim akong kinilig at may munting pitik akong naramdaman sa aking pagkakababae. Ay ano ba ito? Parang nanabik ang pempem ko sa pag iisip ko palang sa hitsura ng lalaking yun. Pero di ko man aminin makalaglag panty talaga ang kagwapuhan nya. Siya pa lang ang bukod tanging lalaking nakaagaw sa pansin ko. Ang daming gwapong lalaki ang nanliligaw sa akin at halos lahat ay may sinasabi sa buhay pero ni isa man sa kanila ay walang nakakuha ng aking pansin at matamis na oo. Ang lalaking iyon titig palang para na akong nasa alapaap. Ramdam ko kanina na kumibot kibot ang pempem ko. Hay ang halay ng isipan ko. Epekto ata ito ng mga nababasa ko sa romance novel. "Pare buti naman at napapayag ka ni Jim na sumama sa amin dito," rinig kong sabi ni Alex "Oo nga pare, ano ang nakain mo? Sa tinagal tagal na pangungulit namin sayo sa wakas ay napagawi ka na dito," sabat naman ni Allan na kung hindi ako nagkakamali e ang point guard ng varsity team ni kuya. 'Hmmm… naku pag sya kasama sa basketball team ni kuya siguradong manonood na ako ng laro nila na kailanman di ko pa nagagawa.' “Pasensya na guys kung lage ako tumatanggi noon. Alam nyo naman na subrang busy ko sa company at lage akong hinahanap ni Dad but now, I need to give time for you guys since our graduation is coming. I don’t think we can still have this precious time after graduation,” paliwanag ng binata. Lahat sila ay sa akin natuon ang pansin nang nasa harap na nila ako. Nailang naman ako lalo na sa titig ng binatang nasa harap ko mismo. Agad akong hinila ni kuya sa tabi nya at pinakilala sa binatang ngayon pa nasalta sa bahay namin. “Hmmm… Guys tama na ang titig sa kapatid ko. Alam nyo namang off limits itong baby ko sa katarantaduhan nyo at bawal pa syang magkaboyfriend,” pasaring ni kuya na alam kong patama nya sa binatang nasa harap ko mismo. “You mean dude pwede na syang ligawan kapag pwede na syang magkaboyfriend?” singit ni Oliver,ang may dalawang dimple sa pisnge na subrang charming. May pakindat pang tumingin sa akin. “Sabi ko off limits sa inyo meaning di pwede!” matigas na sagot ni kuya na tinapunan ng masamang tingin si Oliver. “By the way, Zane this is my younger sister Rhiana, and baby, this is my bestfriend Zane Del Rosario,” pakilala ni kuya sa akin. Inilahad naman ng binata ang kamay para sana makipagdaupang-palad sa akin. Dahil nanginginig ang aking mga kamay dahil sa presensya nya, nag atubili akong tanggapin ang kamay nya. Tumingin ako sa kanyang mga kamay at sabay tingin sa kanyang mga mata. Alam kong lahat sila ay nag aabang sa pagdadaop palad namin pero dahil sa kaba ko umiwas ako sa pakikipag-kamay sa kanya. “Aah kuya ano palang lulutuin ko ngayon? Magluluto na ako ng maaga para masimulan ko ng maaga ang paggawa ko ng mga assignments ko ,” malambing kong sabi kay kuya sabay yakap sa kanyang bewang. Normal naman sa amin ni kuya ang maglambingan kahit nasa harap ng kanyang mga barkada. Subra akong naiilang ngayon dahil ang titig ni Zane ay tagos tagusan ata sa aking kaluluwa. ”Wag ka ng mag abala baby kasi nakapag order na ako ng pagkain natin kasama na rin yung favorite dish mo,” sagot ni kuya. ” Kuya, wag mong sabihin na tatambay ng matagal ang mga katropa mo dito? At bakit mag iinuman na naman ba kayo dito?” reklamo kong saad kay kuya. Tutol talaga ako sa pag iinuman nila dito sa bahay. Ginawa na nilang tambayan at inuman itong munting apartment namin ni kuya pero mas gugustuhin ko na lamang na dito lamang si kuya kesa malasing sya sa kung saan saan, kaya wala na din akong choice. “Wag ka na mainis baby kasi uuwi din naman sila bago pa maghatinggabi di ba guys?” sabay tingin sa mga katropa. Sabay sabay namang tumango ang mga ito maliban kay Zane. Umiwas ako ng tingin kay Zane dahil ang mga titig nya kanina na matiim e magkasalubong na kilay na ngayon. Baka nabastos ko kanina dahil sa hindi ko pagtanggap sa pakikipagkamay nya. E paki ko ba sa kanya! Mabuti na yun kesa maramdaman nya ang panginginig ko at malaman nya pang may crush ako sa kanya. 0 ”Baby, pwede bang pakihanda na lang ang mga beer sa ref,” lambing na utos ni kuya. “Okey kuya, basta ha! ayoko na makita pagmumukha nila bukas paggising ko,” ani ko sabay padyak ng mga paa ko. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na ayokong nagpapaumaga sila dito dahil sa kalasingan. Kahit naman nandyan si kuya wala parin akong tiwala sa mga kaibigan nya. Lalaki parin sila at ako ay isang babae. Hindi magandang tingnan na maglalasing sila at ako lang mag isang babae dito. Agad kong tinungo ang kusina at inilabas ang mga beer na pinalamig ni kuya sa ref. Malapit na akong matapos sa ginagawa nang biglang may pagtikhim sa aking likuran na gumulat sa akin. “Huh! Ano ba! Nanggugulat ka naman e!” inis kong wika at lalo akong nagitla dahil si Zane lang naman ang nabungaran ko. ” Hmm… sorry kung nagulat kita. Subrang lalim ata ng iniisip mo at di mo man lang napansin ang presensya ko,” aniya na ipinagkibit balikat ko naman. Umiwas ako sa malalagkit nyang titig pero hindi ko naiwasang magtanong. “Ano bang kailangan mo?!” masungit kong sagot sa kanya. ”Aah e makikigamit sana ako ng cr nyo,” walang kurap nyang sagot sa akin. “Ah! Ganun ba? Dyan lang naman sa likod ng kusina ang cr pero kailangan mong eswitch on muna ang ilaw kasi madilim dun,” sagot ko. Wala naman akong kabalak balak na samahan sya dahil umiiwas akong magpagsolo kaming dalawa at saka doble ang kaba ko ngayon na kaming dalawa lamang ang nag-uusap. Subrang nakakaintimidate ng presensya nya. Subrang bango pa nya. Nakakaaddict ang amoy nya. Baka nga napaghahalataan na ang mga galaw at reaksiyon ko. Sa dami ng mga manliligaw ko na di naman nagpapahuli sa kagwapuhan at may sinasabi pa, ngayon lang talaga ako naattract sa lalaki. Aaminin ko subrang attracted ako dahil ang pempem ko kumikibot kibot at ang puso ko parang magkakaheart attack na sa subrang bilis ng pintig. Umalis sya sa tabi ko at tumungo sa likod ng kusina. Narinig ko syang tinawag ang pangalan ko. ”Ah! Rhiana pwede mo bang ituro kung nasaan ang switch ng ilaw dito? Hindi ko makita e subrang dilim,” hiling nya. Agad ko namang dinaluhan ang binata. Pagpasok ko pa lamang sa likod ng kusina ay biglang may humila sa kamay ko at bigla akong isinandig sa may pader. Abot abot ang kaba ko at pagkabigla kaya nagpumiglas ako. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga at rinig ko ang mabilis nyang paghinga. “Ah! Ano bang…hmp!” di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sakop na ng labi ni Zane ang mga labi ko. Grabe ang kaninang dobleng kaba na nararamdam ko ngayon ay naging triple na. s**t! ang lambot ng labi nya at napakatamis ng laway nya. Ang bango ng hininga at nakakaaddict ang halik nya. Para ba akong idinuduyan sa ulap. Omg! ganito pala ang mahalikan. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Itutulak ba sya o kakabigin sya para mas lumalim pa ang halik nya sa akin. Di ko alam kung tutugon ba ako sa halik nya pero namalayan ko na lang na sumusunod ang mga labi ko sa bawat galaw ng mga labi nya. Ang pempem ko feeling ko lumuluwa na sa pagkakabasa. Naramdaman ko na lang na umakyat ang mga kamay nya sa dibdib ko kaya naalerto ako at nahimasmasan. Itinulak ko sya pero para naman syang bakal na di magupo sa pagtulak ko. ”Hmmm… Zane ano bang ginagawa mo bakit mo ako hinalikan?” naguguluhan kong tanong. Kahit madilim naaaninag ko ang gwapong mukha nya na puno ng pagnanasa sa akin. ”Sorry Rhiana but I can’t help myself from kissing you. I know, you feel what I am feeling too!” paos nyang bulong sa akin. Omg! Nafefeel din pla nya ang subrang attracted kami sa isa’t isa pero mali ito kasi I am sure na magagalit si kuya. At saka kahit eighteen year old na ako bawal parin ang makipaglandian. Itinulak ko sya ng subrang lakas kaya napakalas sya sa akin. Dali dali ko syang iniwan doon at bumalik sa kusina. Kahit nanginginig ang mga kamay ko pinilit kong ihatid ang mga inumin nila kuya sa living room. Pagkatapos kong maihatid ang beer nila nagmamadali akong umakyat at di ko na narinig pa ang pahabol na pasalamat ni kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD