FTMBE: Chapter 4

1378 Words
DI KO MAPIGILAN ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako, pinagpapawisan din ako. Ayoko man itong gawin pero wala nang atrasan. Naka-oo na ako e. Tiyak na pag nag-back out ako, masasaktan ko si Sarah. Tch. Bat ba kasi ang hirap nitong pinapagawa niya? I heave a deep sigh as i knocked on STEM A's classroom, i caught the attention of the teacher who's discussing infront. Kilala ko ang teacher na ito. Si Sir Felix. Isa sa mga respetadong teacher sa school na ito, pero isa rin siya sa mga kwela at mapang-asar. Sir Felix smiled as he locked his gaze to mine. "Yes? What do you need?" My hands are trembling, but i badly need to do it. "May i excuse Jonathan for awhile, Sir?" i asked. Mapanukso ang titig na ibinato nito sa akin, bago tinawag si Jonathan. "Mr. Mendoza, may magandang babaeng naghahanap sayo." mapang-asar na wika ni Sir Felix, bago ibinalik ang tingin sakin at kinindatan ako. Ilang 'kong nginitian si Sir Felix, bago ibinaling ang paningin sa loob ng classroom para tignan si Jonathan, pero di ko pa nahahanap si Jonathan ay mga matatalas at nakakamatay na tingin na ang nakapukol sa akin. Marahan akong napahinga ng malalim. Grabe naman kung makatingin ang mga babaeng ito oh. Wala naman akong ginagawang masama. Tssk. "What do you need?" malalim ang boses at medyo maangas na tanong nito. Tinignan ko naman ang mukha niya. Mukha na naman siyang bored. Tch. "Uhm..." may pagdadalawang isip 'kong sabi. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy to. Nagtatalo ang utak ko e. "If you don't have anything to say, can you please just leave? I don't have time to talk to a silly and a cheap girl like you." malamig ang boses na sabi nito, bago ako tinalikuran. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ang kapal ng apog ng lalaking 'to! Eh kung sipain ko kaya 'yong ano niya diyan. Ang kapal! Ano daw ako? Silly at cheap? Wow. Bago pa niya ako tuluyang matalikuran, agad 'ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. Napansin ko ang paninigas ng katawan niya, kasunod ang dahan-dahan niyang paglingon. Nakita ko ang yamot na ekpresyon sa mukha niya at malakas na ibinalya ang kamay ko upang alisin sa braso niya. Salubong ang kilay niya habang nakatiim ang bagang habang nakatuon sa akin. "Who gave you the right to touch me?" he ask in a serious and annoyed tone. I gulped. "Uhm...s-sorry. M-may gusto lang kasi akong sabihin." nakng! Gusto ko na talagang batukan 'tong playboy na'to e! Hinawakan lang galit agad? Aba! Mas lalo namang nagsalubong ang kilay niya. "I'm not interested." he said. "Wala pa naman akong sinasabi ah." He look at me with no emotion again. "Inuunahan na kita. Masasayang lang ang laway mo." aniya pa. Napakurap-kurap naman ako, at di sinasadyang napabaling ako sa loob ng classroom nila--kung saan nakatingin sakin ng masama ang mga babae niyang classmates. Shemss! Kapag dito ko ibinigay 'tong bagay na 'to, tiyak na malalaman ng lahat. Ayoko naman na lantaran sabihin sa kanya ang nakakahiya naming plano ni Sarah. Shems! Bahala na nga. Tinignan ko ang seryosong muka ni Jonathan, at walang sabing pinaghugpong ang mga kamay namin at hinila siya palayo sa room nila. Narinig ko pa ang gulat at singhapan ng mga kababaihan na nakakita sa ginawa ko. Pero wala akong pakialam. Patuloy pa rin ako sa paghila sa kanya patungong Park habang magkawak ang mga kamay. Hindi rin naman ako nakaramdam ng pagtutol mula sa kanya. Basta lang siyang nagpahila. Mabuti naman. Akala ko mahihirapan ako e. Matapos ang ilang minuto sa pagtakbo, sa wakas narating na din namin ang Park. Hinihingal pa ako habang nakahawak ang kaliwang kamay ko sa tuhod ko. "Shocks! Nakakapagod yon ah." hinihingal 'ko pang usal. Pakiramdam ko, nakipag karera ako dahil sa ginawa ko. Hayst. "You're enjoying my hand, isn't it?" seryoso at walang emosyon na rinig 'kong ani ni Jonathan. Napatingin naman ako muna sa kanya at pinangunutan siya ng noo. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin--at agad 'kong binitawan ang kamay niya. Shems! Nakalimutan 'kong hawak ko pala ang kamay niya. Gosh! Nakakahiya ka naman, Shanaiah e! Baka mamaya lumaki pa ulo nitong lalaking 'to e. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jonathan kaya muling umangat ang tingin ko sa kanya. Nakangisi naman itong tumingin sakin. "Kunyari ka pang di mo alam na hawak mo ang kamay ko." anito, bago humarap sakin at nakapamulsa."If i know, gusto mo lang tsumansing sakin. You know what? Just tell me if you like me, para matapos na 'to." may pagka-mayabang ang tonong sabi nito. Gustung-gusto ko na siyang ismidan, pero pigil-pigil lang. I need to do what i promised to Sarah. Hindi ko siya pinansin, sa halip ibinaba ko ang back pack ko, at kinuha ang bagay na itinago ko duon. Nang makita ko ang kulay asul na bagay na iyon, na may cartoon character pang Panda bilang design, inabot ko iyon at mabilis na ibinigay kay Jonathan. Napakunot-noo naman ito habang nakatingin lang sa inaabot 'kong asul na sobre. "What's that creepy thing?" maarteng tanong nito. Grabe. Hindi niya ba alam ang love letter? Creepy agad? Tssk. "Hindi yan creepy! That's a love letter." i said. His eyes darted on me. "What will i'm gonna do with that creepy l-love letter?" he ask. I want to roll my eyes but i stopped myself. "Syempre babasahin mo. I made that for you." that's right, Shanaiah. Sabihin mo na sa kanya ang gusto 'mong sabihin para makaalis ka na. "What? I will read that? Why would i do that?" "Because you need to know what i really feel towards you." "W-wait. Damn! Are you saying that you have a feelings towards me?" I nodded. "Yes." He smirked. "Sorry to dissappoint you, but i don't like it when someone is giving me some d-mn thing like that. And also, i don't like you. Hindi ako pumapatol sa babaeng..." he look at me from head to toe and i feel like i am being insulted by how he looks at me. "..katulad mo. Masyado kang simple, hindi bagay sa itsura ko." aniya pa, then he smirk at me at agad na tumalikod. Napairap naman ako sa inis. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to. Kung hindi niya ako type, mas lalo naman ako noh! Hinding-hindi ako magkakagusto sa katulad niyang arogante at mayabang! Nang makita 'kong nakaka-ilang hakbang na siya palayo, kahit na naiinis ako sa kanya at kahit gusto ko na siyang itapon sa bermuda triangle, still hindi pwede. Pag ginawa ko yon, masisira ang plano namin ni Sarah. Kaya naman kahit labag sa kalooban ko, hinabol ko siya. "Please. Accept this. Just this letter please. " i pleaded. I'm not the kind of person who likes to plead to someone. Hindi ako nasanay na ganyan e. Pero ngayon, kailangan 'kong baguhin ang sarili ko kahit konti para masigurado na maayos naming maisasagawa ang plano. Jonathan stopped, then he look at me. I changed my emotion to a desperate look. Kailangan magmukha akong nagmamakaawa at inlove na inlove sa kanya. Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay niya habang bumababa ang tingin sa mga kamay ko—kung nasaan ang love letter. I heard him sighed first, then he took the letter. I smiled at what he did. He accepted it. It means, my paawa effect is effective. Napatigil ako sa pagsasaya sa utak ko nang makitang inilaglag niya sa sahig ang love letter ay sunud sunod na pinag-aapakan. Napahawak naman ako sa bibig. Oh my geez! 'Yong love letter!! Bakit niya ba tinapakan? Hindi niya ba alam na nakailang punit ako sa Panda Notes ko para lang magawa ng maganda at maayos ang letter na yan? Tapos itatapon niya lang at aapakan? Shet! "H-hey stop that!" pigil ko naman sa ginagawa niya. Nang tumigil na ito sa puno ng gigil na pag-apak sa panda envelope, mabilis 'kong pinulot ang sobre. At halos manlumo ako nang makita ang nangyari dito. Shet! Lukot lukot na at puno na ng dumi. "I'm not accepting such creepy and cheap things from cheap people. Always remember that." Mahinahon at halata ang coldness sa boses nito, bago nagsimulang naglakad palayo at iniwan akong mag isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD