NAPAHILAMOS na lang ako sa mukha ko. Nakakainis! Ang kapal ng mukha ng Jonathan na 'yon para apakan ang bagay na ginawa ko?
Ilang beses 'kong paulit-ulit na ginawa iyon tapos aapakan niya lang? Talagang hindi siya marunong magpahalaga sa mga bagay na binibigay sa kanya.
Hindi siya karapat-dapat na pagtuunan ng pansin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bini-big deal ni Sarah ang issue sa buhay nung playboy na yon!
Andami-dami naman diyang medyo matino pa e, kaya bakit niya gustong gusto 'yong lalaking iyon. Tssk.
"Here is the cheap flirty bitch." napatigil ako sa pag-mi-murder kay Jonathan sa utak ko nang marinig ko ang mga matitinis at maaarteng boses ng mga kababaihan—na i think nasa harapan ko.
Tinignan ko kung sino ang mga iyon—at mukhang hindi ko naman sila kilala.
Tatlo silang babae. Mukha silang mga espasol sa puti ng mukha nila.
Nakataas ang mga kilay nila habang nakatingin sila sakin.
"Sino kayo?" tanong ko naman sa kanila. Hindi ko natatandaan ang mga mukha nila.
A girl whose wearing a green off shoulder blouse smirked at me, “You really don't know us?” she asked back.
I nodded.
“Tatanungin ko ba kayo kung kilala ko kayo?”balik na tanong ko naman.
Nakita ko ang pag-igting ng panga ng isang babae habang magkasalubong ang mga kilay.
“Talagang sumasagot ka pa sa amin, you b***h!”ani naman ng isa. At base sa boses nito, halatang nanggigigil ito sa akin.
Tinitigan ko lang naman silang tatlo. Hindi ko alam 'kung sino sila at bakit sila ganyan makitungo sa akin.
“We are warning you, stay away from Jonathan. Or else...” tinignan niya ako ng nakakamatay. “...you wanna suffer...” she continued, and then she smirked at me again and rolls her eyes at me.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin, ang tatlong ito ay mga fan girls ni Jonathan.
And maybe they saw what i did earlier. Tch.
Those three girls glared at me before rolling their eyes and walking away.
Naiwan naman akong napa-irap na lang sa hangin. Nakakainis naman! Mukhang nagkaroon na ako ng haters dahil lang sa paglalalapit ko kay Jonathan.
I take a zip on the milk tea that i bought, to make myself relaxed.
Maya maya ay naisipan kong kunin ang cellphone ko, at di-nial ang number ni Sarah.
Pero nakaka-ilang ring na wala pa 'ring sumasagot.
“Geez! Nasaan na kaya ang isang 'yon?” asik ko sa sarili ko. “Ano na kayang nangyari?”mahinang usal ko sa sarili ko.
I have to know what happened to Sarah. Lalo na't hindi pa rin naman siya pumapasok.
And i also need to inform her that our first plan failed. Hindi ko naibigay ang love letter.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at mabilis na kinuha ang bag ko, para sana umuwi na. Pero nakaka-ilang hakbang palang ako mula sa cafeteria, nakaramdam na naman ako ng mga titig mula sa paligid ko.
Inangat ko ang paningin ko, at napanganga ako nang makita ko ang mga death glare na ipinupukol sa akin ng mga babae sa palibot.
Napahinga ako ng marahan. Shocks! Is this the consequence of our plan?
I blows a deep breath then i continued to walk and left them there.
***
WALA sa sarili akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Hindi kasi pumasok si Sarah. Nasanay ako na lagi kaming sabay umuwi, ayoko naman na magpasundo pa sa Family Driver namin kaya kakayanin ko na lang maglakad mag isa.
Medyo hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina. Nakakainis naman kasi 'yong Jonathan na playboy na yon!
Ang kapal talaga ng mukha niyang apakan 'yung love letter na ginawa ko. Tssk.
Ang hirap hirap pa man din gawin yon.
Sunud-sunod naman akong napairap sa hangin.
Akala niya ba gusto ko siyang bigyan ng bagay na yon? We'll, kahit yata kami na lang ang tao sa mundo hinding-hindi ko gagawin yon ng bukal sa kalooban ko.
Napipilitan na nga lang ako ngayon e. Psh!
Napalingon ako sa 7/11 na nasa tapat ko. Kaunti lang ang tao ngayon, at parang gusto ko ata nang malamig na makakain ngayon.
Para ma-relax man lang kahit konti.
Mabilis akong tumawid upang magtungo sa 7/11. 4:30 pm pa lang naman. Gusto ko munang kumain ng ice cream bago umuwi.
Tsaka, nakakagaan din ng pakiramdam ang aircon.
Pagpasok ay agad akong nagtungo sa isang ice cream machine, kumuha ng pinaka malaking cone at itinapat sa fave flavor ko. Rocky road and cheese.
Matapos 'kong makuha ang ice cream, agad akong nagbayad sa counter. Nang mabayaran ay naghanap ako ng bakanteng upuan, nakakita naman ako agad. Iyong malapit sa highway, para makita ko ang mga dumadaang sasakyan.
Nang makaupo ay kaagad ko na ding nilantakan ang ice cream. Favorite ko talaga ang dalawang flavor na kinuha ko kaya di na ako magtataka 'kung mabilis ko itong mauubos.
Nangangalahati na ako sa pagkain ng ice cream nang mapansin ko ang dalawang taong kakapasok lamang. Tinitigan kong mabuti ang lalaki, at nang matiyak kung sino iyon ay naningkit ang mata ko.
Talagang pinagtatagpo tayong dalawa, Jonathan 'the playboy'
May kasama itong babae--isang magandang babae. I guess bagong target na naman niya.
Naka-skirt na kulay pink ang babae na halos 5 inches mula sa tuhod ang haba. Naka-spaghetti strap lang din ito. Tssk.
Mas better naman si Sarah diyan sa babaeng yan, but no. Kung sa kanya lang din naman mauuwi si Sarah, wag na lang. Hindi rin naman ako papayag.
Parehong nasa counter ang dalawa, naka-akbay si Jonathan dun sa babae na mukhang tuwang-tuwa naman. I roll my eyes.
Ang sarap nilang pasagasaang dalawa.
Ilang beses ko silang paulit-ulit na inirapan. Hindi naman nila ako napapansin e.
Wala akong ibang kasama sa table kaya naman mabilis akong nakita ni Jonathan nang mapalingon ito.
Nakatingin ako sa kanya kaya naman napa-kunot noo siya at nagsalubong ang kilay. Tinaasan ko lang din naman siya ng kilay at pasimpleng inirapan.
Ang kapal ng mukhang mambabae! Pagkatapos niyang sirain 'yong love letter na bigay ko e. Tssk.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa ice cream ko nang makaramdam ako ng presensya sa harapan ko. Inangat ko ang paningin ko, at bumulaga naman sa akin si Jonathan at ang babaeng mukhang espasol din ang mukha.
Tinaasan ko naman sila ng kilay. “Bakit?”pagtatanong ko.
Jonathan answered me. “Is this seat available?”he asked, while looking at me intently.
Walang buhay ko naman siyang tiningnan. “Isn't it obvious?”pambabara ko naman. Wala akong ganang makipag-plastikan sa lalaking ito. Tch. After what he did. Geez!
Hindi naman na sumagot si Jonathan, basta naramdaman ko na lang na naupo na ang babaeng kasama niya sa tapat ko, at sinundan naman ni Jonathan.
I forced myself to focused on my ice cream. Kahit na naaasiwa na ako sa dalawang nasa harapan ko.
“This place is so cold.”the annoying voice of the girl. Tssk. Flirt!
“Don't worry, Babe. Mamaya mainit na pag tayong dalawa na lang.”rinig 'kong sabi naman ni jonathan.
Psh. Pag playboy nga naman!
Wala na akong narinig na sagot mula sa babae basta tumawa na lang ito. 'yong tawang nang-aakit. Yuck. Ang flirty nilang dalawa.
Napabuntong-hininga na lang ako at walang sabing tumayo at iniwan silang dalawa duon. Tapos na din naman akong lantakan 'yong ice cream kaya wala nang dahilan para mag-stay pa ako duon.
Bahala 'yong dalawang maglampungan duon.
Nang tuluyan akong makalabas ng 7/11, tatawid na sana ako nang may mga kamay na pumigil sa akin.
Tinignan ko kung sino iyon, at napakunot noo naman ako.
“Can we talk?”ani ng baritonong boses na nakatayo sa tabi ko.