Ikiniling ni Red ang ulo para alisin ang nasa isip na lb*g na sumasakanya. Nilamukos niya ng palad niya ang mukha ni Sebastian at bahagyang itinulak. "Nagsisimula ka na na----", napapitlag siya nang halikan nito ang palad niya na sa isang iglap ay naghatid sa kanya ng kakaibang init na tila umuusok sa kanyang pagkab*b*e. "Ano ka ba, Sebastian!" pinandilatan niya ito ng mata. "Sabay na tayong maligo, Red," biro lamang ni Sebastian sa dalaga pero kung papatulan siya nito ay mas okay. Kanina pa kasi siya inaatake ng l**og. Kung bakit naman kase umeksena pa iyong babae kanina roon sa Queen's burger. Grabe talaga ang isang iyon. Hindi niya inaasahan ang ginawa sa kanya. Na-grand entrance siya nito. Pambihira. "Magtigil ka!" hiyaw niya sa binata na sinuklian naman nito ng malakas na halakhak

