Red "Paano niyan? Bukas na lamang muli?" wika ni Red matapos ang kanilang masayang hapunan. "Oo, pwedeng makiupo muna sa sala mo? Magpapahinga lamang ako sandali, Mahal ko," wika naman ni Sebastian habang nagsisimula na itong humakbang papunta sa sala. "Okay sige. Lilinisin ko muna ang pinagkainan natin. Tapos maghahanap na tayo." Hindi na napansin ni Red ang tila pananamlay ni Sebastian. "Sige," sang-ayon lamang nito sa kanya. Nagsimula na siyang linisin ang pinagkainan. Masaya siya habang ginagawa iyon sa kusina. Nang matapos siya ay pinuntahan niya ang binata na nakapikit ang mata. Nakatulog yata Naisipan muna niyang mag-shower nang mabilisan. Naglalagkit na rin kasi ang pakiramdam niya. Mabilis lamang siyang natapos. Pagkuwan ay napili na lamang niya na magsuot ng white long sleeve

