Pagdating ni Miss Castro sa desk niya ay nasorpresa siya dahil dinatnan muli niya ang dalaga. Buong akala niya ay umuwi na ito. Alanganin siya na gisingin ito dahil mukhang pagod ito at walang tulog. Nakaramdam siya ng habag sa dalaga. Kung pwede nga lamang talaga na isingit na niya ito ay ginawa na niya. Napakislot siya nang bumukas at sumilip si Mayor Sebastian sa pintuan ng opisina nito. Sinenyasan siya na pumasok sa opisina. Pumasok na muna siya sa opisina nito. "Ahmmm, Ate Tess, sino ang babae sa labas?" tanong agad ni Sebastian. "Ah, si Miss De Mesa po iyon, Mayor. Ang naka-schedule niyo sanang ka-meeting kaninang umaga. Kaso na-late po ng dating. Hindi na kayo inabutan kanina." "Inabutan niya ako sa hagdanan, Ate Tess. Bwisit nga sa akin eh," piping wika niya. "Bakit nandito pa s

