Baste Nakaramdam man ng kuryente dulot ng paghawak ng kamay ng dalaga sa kanyang palad ay sinikap niyang maging normal. Lumakas ang t***k ng puso niya sa sobrang pagkakalapit nila. Hindi niya inaasahan ang pagsakay nito sa sasakyan at paglapit sa kanya. Sa sulok ng kanyang mga mata ay ngisi ng kanyang mga security ang nakikita niya. Habang si Mang Pedring naman ay tahimik lang na nakikiramdam. Ipinasya niyang magsalita. "Miss De Mesa, may kailangan ka pa ba sa akin?" seryosong tanong niya. "Oo, Mayor. Sorry kanina. Sorry talaga," nagsusumamong wika nito sa kanya. Makikita ang labis na pagsisisi sa inasta nito kanina sa kanya. "Akala ko kasi matanda na ang Mayor na makakausap ko," piping wika niya rito. "Hindi ko po alam na kayo si Mayor Sebastian," sa halip ay wika niya. "Ganoon ba?" k

