Kinabukasan ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Gerald. Suot niya ang kanyang pangmalakasan na signature polo at pants na tinernohan din niya ng sapatos na may kilalang tatak na hindi papahuli sa uso. Kagabi, bago siya natulog ay hinanap niya ang social media account at profile ng lalaking sinasabing karelasyon ng kanyang pinakamamahal na si Mayor Sebastian Fernandez. Masasabi niya na tulad niya ay mayroon din itong katawan at mukhang ipagmamalaki. Hindi niya alam kung natural na maganda ang pangangatawan nito o dahil lamang sa alaga ito sa gym. Mabuti na lamang at hindi niya tinigilan ang pagdyi-gym nang nasa America na siya. Napansin niya na hindi ito katulad niya na may maputing kutis. May pagkamoreno ang kulay ng balat nito pero malinis. Ang tanging lamang nito sa kanya ay isa iton

