Gerald Nag-suggest siya ng ibang paraan sa kanyang ama kung paano makakabayad ng utang ngunit hindi uubra. Hindi niya inaasahan na nag-usap na pala ang mga ito na ipakakasal sila ng anak nitong si Amy kapalit ng hinihingi nitong pabor na tutulungan sila na ayusin ang lahat ng pagkakautang ng kanyang Papa. Minabuti nilang mag-ama na umuwi muna at sa bahay na lamang pag-usapan ang lahat. Sa sasakyan pa lamang ay nagngingitngit na siya sa galit sa ama. Ano'ng karapatan nito para paghimasukan ang personal niyang buhay at itakda siyang ipakasal sa babaeng noon lamang niya nakita? Kasalanan nito ang lahat ng kamalasan na nangyari sa pamilya nila pagkatapos ay ipapasasalo nito sa kanya ang pasanin. Papasok na sila sa bahay nang tangkain siya nitong hawakan sa balikat pero hindi nito nagawa dahi

