Humiga sa tabi ni Red si Sebastian matapos ang pagniniig nila. Kapwa sila may ngiti sa labi. Hindi akalain ni Sebastian na siya pala talaga ang una sa dalaga. Lalo niyang minahal ang dalaga. Hindi rin niya in-expect na makakarating siya sa finish line. Naiisip kasi niya na baka biglang mag-back out si Red kahit gamitan niya ng ARMY MOVES ito lalo pa at nasa condominium unit siya mismo nito. Salamat at hindi nagkaroon ng aberya. Grabe, heaven ang pakiramdam niya ngayon. Napakasarap mag-day off! Tumagilid siya ng higa para makaharap kay Red. Itinukod niya ang siko sa higaan habang sinusuportahan ng palad niya ang kanyang ulo. Nakapikit si Red. Sadyang napakaganda nito sa kanyang paningin. Hanggang ngayon ay nag-uumapaw ang pakiramdam niya dahil naging nobya niya ito. Pilyong nilaro niya ang

