"I love you, Mahal ko," wika ni Sebastian kay Red matapos ang kanilang second round love making. Hinalikan niya sa noo ang kanyang kasintahan. Kinikilig naman si Red sa ginawa nito. Sa kabila ng nakarating na sila sa mas intimate na sitwasyon ay masarap sa pakiramdam na mahalikan ng minamahal sa noo. Nakaunan siya sa bisig ni Sebastian habang hinihimas niya ang kung ilan patong nitong abs sa tiyan. Hindi na siya nahihiya na hawak-hawakan iyon dahil mismong ang pagka*a*aki nito ay nahawakan na niya. Para naman siyang tanga para magpakimi pa. "I love you too, Seb," sagot naman niya kay Sebastian pagkuwan ay tiningala niya ito at nginitian. Nabigla siya nang gawaran siya nito ng smack kiss. "Para saan naman iyon?" pinipigilan niya ang sarili na ipakita ang kilig dito. Ewan ba niya sa sarili

