Red "Hindi ka malulusaw, hindi ka naman yelo," nakangising wika niya rito. Lumapit siya rito dahil hindi niya mapigilan ang sariling hindi ito halikan. Mabilis na halik ang iginawad niya rito. Bagamat nabigla si Sebastian ay nakaramdam siya ng kilig. "Arestado ka, makukulong ka na niyan," nakangisi na wika niya sa dalaga. "Nagnanakaw ka ng halik." "Saan mo naman ako ipakukulong?" sakay niya sa biro nito. Yumakap siya sa baywang nito habang nakatalikod ito. Iba talaga ang feeling niya ngayon. Napakasaya niya na kasama niya ngayon si Sebastian. "Sa puso ko syempre. Walang piyansa. Habang buhay ang hatol," nangingiting sagot nito sa kanya habang kasalukuyan itong nagbabatil ng itlog para sa specialty raw nitong omelette. Pagkuwan ay nilinga siya nito mula sa likuran at ninakawan din ito n

