Chapter 1

1241 Words
Kasalukuyan na nasa office si Baste at nire-review ang mga pipirmahan n'yang papeles nang mag-ring ang personal cellphone n'ya. Kinuha n'ya sa kanyang bulsa ang cellphone gamit ang kanyang kanang kamay habang hindi inaalis ang paningin sa papeles na hawak n'ya. Rumehistro sa caller screen ang pangalan ni Bea, siya ang kababata n'ya at tinuring na n'yang isang tunay na kapatid noon at hanggang ngayon kahit na matagal na panahon bago sila muling nagkita. Doon pa lamang n'ya binitiwan ang makapal na papeles na hawak n'ya. Sa isip n'ya, "Bakit kaya ito napatawag?" Pinindot niya ang call button para masagot ang tawag at idinikit n'ya sa tenga ang cellphone na hawak n'ya. "Hello! Kuya Baste!" agad n'yang narinig pagka-press pa lamang n'ya sa call button. Kahihimigan ng excitement ito at mukhang masaya sa palagay n'ya kahit hindi n'ya ito kaharap ngayon. "Oh, hello, Kuting!" sagot n'ya rito. "Napatawag ka? Masaya ka yata?" tanong niya rito. "Oo, Kuya!" sagot nito. Sa wari n'ya ay kinikilig pa ito. "Alam mo ba, nag-propose na sa'kin si Blue ngayon!" dagdag pa nitong wika sa kabilang linya. "Talaga?! Well, congratulations, Kuting!" masaya n'yang pagbati rito dahil totoong masaya s'ya para rito. "Kailan ba ang wedding n'yo? Invited ba ako?" biro n'ya rito. "Ano ba'ng invited, Kuya?! Syempre invited ka! Ikaw kaya ang Best man namin!" Diretso ang sigla sa boses nito, sign na talagang masaya ito sa kasalukuyan na nagaganap sa buhay nito. "Talaga?! Yes!" masaya niyang wika at sumuntok pa s'ya sa hangin. "Oo, syempre, sino pa ba naman ang kukunin ko, kung hindi ikaw lang, Kuya!" saad naman nito mula sa kabilang linya. "Kailan ba ang kasal n'yo? Excited na'ko!" masayang tanong n'ya rito. Lumabas na naman ang totoong s'ya. Sa nagdaan na taon kasi sa buhay n'ya ay kumikilos s'ya lagi sa pormal na paraan dahil nga sa position n'ya sa gobyerno. "Sa darating na June 8, 2018, Kuya! June bride ako!" sagot nito at nasa himig pa rin nito ang sobrang saya na nadarama. "Okay, sige! May maraming araw pa pala ako para mag-ready at magpagandang lalaki," pagkuwan ay biro n'ya rito na totoo. "No need, Kuya, gwapo ka na," papuri nito sa kanya. "Hmmmp, totoo ba iyan?" hindi kumbinsidong tanong n'ya kay Bea. "Oo naman, Kuya! Malakas ka sa akin eh! Joke!" sagot nito. "So, panget talaga ako?" seryosong tanong niya rito. "Joke nga lang, Kuya! Hindi ba sabi ko?" wika nito na tila lito, akala siguro nito ay napikon s'ya. "Okay," kunwari ay matipid n'yang wika. "Kuya… Galit ka ba?" wika muli nito na sa himig ay nang-aalo. Hindi n'ya ito sinagot kaya nagpatuloy muli ito. "Sorry na, joke nga lang, Kuya, hindi ba sinabi ko pa?" ulit pa rin nito pero hindi n'ya sinagot. Makalipas ang ilang segundo ay nagpatuloy muli ito. "Alam mo ba, Kuya, na si Ate Red ang Maid of honor namin?" pagbibida nito. Nang marinig n'ya ang pangalan ni Red ay umaliwalas kaagad ang mukha n'ya. May kakaibang effect talaga si Red sa kanya dahil ito ang muling gumising sa natutulog n'yang puso. "Talaga?!" excited niyang tanong kahit naman alam na n'ya agad sa simula pa lamang na siguradong si Red ang Maid of honor nito. Natural lamang dahil ito ang nag-iisang kapatid ng Groom na si Blue De Mesa bukod pa roon ay close raw talaga ang magkapatid ayon mismo kay Bea na nauna na n'yang hiningan ng impormasyon nang minsan na makakwentuhan n'ya ito. Nang una ay kunot ang noo nito at nagtataka kung bakit s'ya nagtatanong sa buhay ni Red at kung bakit interested s'yang malaman ang lahat ng alam nito tungkol sa buhay ni Red na kalaunan naman ay nahalata na nito kung bakit. Kaya inamin na n'ya agad dito ang damdamin niya para kay Red. Natatawa pa si Bea sa kanya noong una at mababakas sa mukha nito na hindi ito naniniwala na tinamaan s'ya talaga. Hindi rin kasi ito naniniwala na wala s'yang karelasyon at baka raw tinatago lamang daw n'ya sa publiko dahil sa posisyon n'ya sa gobyerno. Naniwala rin ito sa huli dahil talagang panay ang kulit n'ya rito na magkwento sa ginagawa ni Red. Minsan, kunwari ay ite-text n'ya at kukumustahin n'ya ito pero ang totoo ay gusto lang n'yang malaman mula rito kung ano ang ginagawa ni Red. Magre-reply naman ito at sasabihin ang ginagawa ni Red. Pagkatapos s'ya naman ay ii-imagine n'ya si Red sa isipan n'ya na nakikita n'ya ang ginagawa nito. Tinamaan talaga siya kay Red at sigurado siya sa sarili niya na iniibig na niya ito. "Hehehe, oo, Kuya," sagot naman ni Bea sa kanya. "Sige, excited na ako! Hehehe," wika n'ya. Hindi na n'ya napigilan ang kasiyahan na nadarama. "Si Ate Red lang pala ang gamot mo sa t*p*k mo, Kuya!" wika nito habang tumatawa. "Oo naman! Nasaan na iyong pangako mo sa akin na ilalakad mo'ko sa kanya?" paalala n'ya rito. "May sinabi ba ako, Kuya?" nagtataka na tanong nito sa kabilang linya. "Oo naman! Hindi ba at sinabi mo iyon?" kulit n'ya rito. "Sige, Kuya, hahanap lang ako ng tyempo... Kailangan talaga ilakad pa kita? Hindi mo naman yata kailangan eh… Mamamayan nga ng Batangas, napasagot mo ng oo… Si Ate Red pa kaya?" wika pa nito dahil bilib pa rin ito sa kanya dahil sa naging Mayor s'ya. "Iba si Red, Kuting! Special s'ya eh," naisuklay n'ya ang mga daliri sa buhok n'ya. Torpe talaga s'ya pagdating kay Red. "Sige, basta dahan-dahan lang, Kuya! Tutulungan kita kay Ate Red... Paano? Pakisabi na lamang kila Tita Rose at Tito Ricardo ang tungkol sa kasal ko ha! Kukunin ko rin kasi sila na Ninong at Ninang namin sa kasal. Kaya dapat nandoon sila," paalala pa nito sa kanya. "Okay sige, meow, meow, meow," pang-aasar niya kay Bea kahit parang hindi ito kinakapitan ng asar sa katawan. Tumatawa lamang ito sa kanya kapag sinasabi n'ya iyon. "Sige, Mayor!" sagot nito sa halip habang tumatawa. "Basta, ang pangako mo!" kulit pa rin n'ya rito. "Oo na, sige na, Kuya. May gagawin pa kase ako, hehehe. Basta balitaan kita, i-end ko na ang call ha," paalam pa nito sa kanya bago tinapos ang call nito. Turingan talaga nila ni Bea sa isa't isa ay magkapatid at hindi iyon alam ng iba. Minsan na kasi s'yang nai-link dito nang lapitan n'ya ito sa Modelling event na ginanap mismo sa bayan n'ya. Isa ito sa modelo ng event. Kinailangan kasi n'yang lapitan ito noon para makasiguro s'ya na ito nga ang dating kababata n'ya. Kaya naman buo ang loob na nilapitan n'ya ito. Ewan ba n'ya kung bakit sobrang halaga sa kanya si Bea at talagang nilapitan pa n'ya nang hindi man lamang nag-iisip na isa siyang public figure kaya anumang galaw niya ay siguradong may mga matang nakatingin. Dahil nga doon sa paglapit n'ya rito ay napagkamalan silang may something sa kanilang dalawa. Kumalat sa social media ang balita at maraming netizen ang nag-react. May suportado sila at mayroon din naman ibang hindi. Naging instant celebrity silang dalawa. Nadagdagan ang tsismis at lumabas pa na childhood sweetheart sila nito at akala pa ng iba ay sila na ang magkakatuluyan. May mga gumawa pa ng fan page para sa kanila na ang nilagay na page name ay Forever Baste & Bea. Hindi n'ya alam kung matatawa o maiinis sa mga nakitang iyon… Lalong umugong ang pangalan n'ya sa mundo ng pulitika. Nagkaroon din s'ya ng ilang bashers na marahil ay dahil din sa pulitika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD