Samantala, pinili ni Sebastian ang magtungo sa harap ng dalampasigan. Hindi niya mapigilan ang hindi isipin ang sitwasyon nila ni Red. Gustuhin man niyang magsaya dahil iyon ang dapat ngunit hindi niya magawa. Habang nakatanaw sa dalampasigan ay kusang tumulo ang luha sa mga mata niya. Gustuhin man niyang lapitan ang nobya kanina ay hindi pwede. Hindi na niya namalayan ang pagtabi sa kanya ni Red. "Baka may makakita sa atin dito na magkasama tayo, Red," pagkuwan ay paalala niya rito nang hindi man lamang ito tinitingnan. "Okay lang, wala na ako'ng pakialam. Gusto mo ay halikan pa kita riyan eh," tumatawang biro niya rito upang pagtakpan ang nadarama niyang pagtambol ng kanyang puso sa sandaling malapit lamang ito sa kanya. "Sige nga, halikan mo'ko," hamon nito sa kanya. Napatingin siya

