New York Habang nanonood ng telebisyon si Gerald ay umalis naman ang asawa niyang si Amy para asikasuhin ang kanilang negosyo. Wala pa rin silang anak kahit matagal na silang mag-asawa. Pinili ni Amy na hindi na muna siya magtrabaho. Halos ito ang gumagawa ng desisyon para sa kanilang mag-asawa. Kung ano ang nais nito ay batas na sinusunod niya. Wala naman siyang magagawa. Mistulang robot siya na sunod-sunuran lamang sa ididikta sa kanya. Naupo siya sa sofa at itinaas na lamang niya ang kanyang paa sa babasagin na center table. Wala siyang pakialam kahit pa masira niya iyon. Kung masira ay bumili ng bago. Wala siyang pakialam sa dagdag gastos. Iyon na lamang ang naiisip niyang paraan para naman makaganti kahit paano sa kinasadlakan ng buhay niya. Binuksan niya ang telebisyon upang hindi m

