Hindi kayang makita ni Red ang lungkot na ibinabadya ng mukha ni Sebastian. Ang matang iyon na sa tuwing titingnan niya ay palaging nangungusap na tila ba ang paningin niya ay hindi na makabitaw dahil nahigop na nito na tila na-magnet. Hinawakan niya ang mukha nito na tulad ng paghawak nito sa mukha niya. Unti-unti ay hindi niya namalayan na nagdidikit na ang kanilang mga mukha. Sa isang iglap ay nagtagpo na ang kanilang mga labi. Pilit man pigilan ni Sebastian ang sarili na huwag halikan si Red ay hindi niya nagawa. Kung ilan beses siyang nangangarap na halikan ang mapupulang labi nito mula sa pagtanaw-tanaw niya rito mula sa malayo hanggang sa ginawa niyang pang-i-stalk sa social media account nito. Ngayon na nasa harapan na niya ito at gadangkal na lamang ang pagitan ng mukha nila ay

