10: Half-Siblings

1739 Words
Maddie's POV Nang makatapos na ako makapagprepare ay agad na akong bumaba sa dining area para mag-agahan. Kaso naabutan ko na agad si Gian na kumakain doon. Napairap na lang ako at hindi siya pinansin. Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Hindi kami nag-uusap. Ano naman kasi pag-uusapan namin di ba? Hindi naman kami ganon kaclose ng mokong na ito. Naubos na ang kinakain ko kaya tutusukin ko na sana ng tinidor yung hotdog na natitira nang makita kong may isa pang tinidor ang nakatusok doon. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang masamang tingin ni Gian kaya sinabayan ko ang tingin niya. Sinamaan ko din siyang tingin. "Ako ang nauna, Gian." sabi ko na tinutukoy ang hotdog. "Bakit? Paano mo nasabi? Ako ang nauna. Kaya akin ito." sabi niya. "Akin nga sabi eh!" sagot ko. "Akin!" sagot niya din at agad sinubo ng buo yung hotdog. Napanganga naman ako. Napahalakhak naman siya kasi naunahan niya ako. "Alam mo? Tanginamo." sabi ko. Lalo siyang natawa. Kaya iyon. Nasamid ang gago. O, ano ha? Kasibaan mo. Kinarma ka agad. Tss. "Tubig! T-Tubig!" sabi niya habang nasasamid. Ako naman ang natawa. Tapos kinuha ko yung pitsel ng tubig at nagsalin ako sa baso. Akma kong iaabot sa kaniya kaso ininom ko iyon. Hanggang sa maubos ko yung pitsel. Tapos umalis ako doon ng tumatawa. Ano ka ngayon Gian? Sa akin ang huling halakhak. Nang lumabas na ako ng bahay ay agad na akong sumakay ng sasakyan ko. Kaso biglang ayaw magstart ng makina. Maya-maya pa lumabas na din ng bahay si Gian at nakitang ayaw magstart ng sasakyan ko. "Bilis ng karma no?" sabi niya habang nakangisi. Inirapan ko na lang siya at sinubukan ulit iistart ang sasakyan ko pero ayaw talaga. "Sumabay ka na lang sa akin Maddie. Wag mo ng ipilit kasi hindi aandar iyan." sabi niya habang nakangisi. Inis naman akong bumaba sa sasakyan ko at akma na sanang sasakay sa kotse niya nang pigilan niya ako. "Sa isang kondisyon." sabi niya. "Ano na naman ha?" sabi ko. Dahil sa ngisi pa lang ng mokong na ito ay paniguradong hindi ko gusto ang ipapagawa niya. "Sabihin mo muna, Please Kuya pasabay." sabi niya at humalakhak. Gago ba siya? Alam niyang ayokong tinatawag ko siyang ganon. Iniinis talaga ako ng gagong Gian na ito eh. "Tarantado ka pala eh. Ayoko nga! Mas gugustuhin ko na lang magtaxi." sigaw ko at akto na sanang aalis nang magsalita siya. "Okay. Ikaw din. Ilang minuto na lang late ka na. Hahaha!" sabi niya kaya napatingin ako sa orasan ko. At doon ko nga nakitang ilang minuto na lang eh magttime na. Napapikit naman ako ng mariin. Mukhang wala akong choice ah? "Ano, Maddie. I'm waiting." nakangisi niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto talaga akong ginagalit ng gagong ito ano? "Argh! Tangina. Oo na. Ito na." panimula ko. "Okay, I'm listening." sabi niya kaya napabuntong hininga naman ako at sinabi ang gusto niyang sabihin ko. "K-Kuya, pasabay naman ako. Please." sabi ko sa napipilitan na tono. "Sorry not sincere. Kay hindi ako kumbinsido." sabi niya. Kaya napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis. "Alam mo ang dami mong arte tangina ka. Bahala ka na diyan!" sabi ko. "Okay. Bahala ka talaga mahuli." sabi niya at akma na sanang sasakay ng sasakyan niya nang pigilan ko siya. "Please, Kuya. Pasabay ako." sabi ko na medyo pineke ang pagka sincere para lang makumbinsi siya. Napahalakhak naman si Gian dahil doon kaya sinamaan ko siyang tingin. "Okay then. Lil sister." sabi niya at ginulo-gulo ang buhok ko. Inis ko namang inalis ang kamay niya sa ulo ko at saka padabog na sumakay sa frontseat. Tangina mo talaga Gian. May araw ka din sa akin. Tss. _ Nang makarating kaming school ay sabay kaming dalawa na bumaba ng sasakyan niya. Kaso saktong pagpasok namin ng building ang siyang biglang pagbell. "So, paano ba iyan? Maiwan na kita." sabi niya na nakangisi at mabilis na tumakbo. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa ng gago. "Hoy! Hayop ka talaga. Saglit!" sigaw ko at napatakbo na din. Naghahabol pa ako ng hininga nang makarating sa tapat ng room kaya sinamaan kong tingin si Gian. "What? It's not my fault na mahina ang cardio mo at ang bias mo. Next time kasi mag-exercise ka." sabi niya at tinap ang balikat ko. Inis ko namang tinabig ang kamay niya at pumasok na sa loob ng room. Pakialam ko sa kaniya. Bwisit siya. Umagang-umaga sinisira araw ko. Buti na lang naunahan namin si Sir Boom. Kung hindi nasa labas kami ngayong dalawa for being late. Kainis kasi. "Not in the mood huh?" sabi ni Louise. Papunta na kasi kami ngayon sa cafeteria para magrecess. "Obvious ba?" sarkastiko kong sabi. "Well, yeah. Bukod sa naka crossed arms ka at nakakunot ang noo." nakangisi niyang sabi. "Grumpy Maddie. Hihi." sabi naman ni Andy kaya sinamaan ko ng tingin. Napatikom naman siya agad. "Don't frown too much. Baka tubuan kang wrinkles sis." sabi ni Louise. "I don't care." sabi ko at nauna ng pumila sa counter para bumili ng pagkain. Nang makabili na ako ay umupo na ako sa lagi naming pinupwestuhan. Nauna na akong kumain kasi nakapila pa sila Louise sa counter. "Pamahal na ng pamahal ang tinda dito. Samantalang oil price hike naman ang binalita kagabi hindi food price hike." inosenteng sabi ni Andy na kinain din naman ang mga binili niya. "Reklamo ka pa eh ang dami mo ngang binili." sabi ko. "Pagkain pa din naman ito eh. Hehe." sabi niya at masayang kumain. Napailing-iling na lang ako. Sakto namang naupo na din si Louise sa tabi ko kasama si Ethan. "Nga pala guys pwede ba akong makisabay mamaya pauwi?" tanong ko. Ayoko na kasi sumabay sa bwisit na Gian na iyon. "Ay sorry gurl. Ethan and I are going out on a date later." sabi ni Louise. Napairap na lang ako at saka bumaling kay Andy. "May lakad din kami ni Drex mamaya eh. Hehe." sagot naman ni Andy. Napairap na lang ako. "Kaibigan ko ba talaga kayo huh?" mataray kong sabi. "Nasaan ba kasi ang sasakyan mo sis?" tanong ni Louise. "Sira. Ayaw gumana ng makina kanina. Kaya naiwan sa bahay." sagot ko. "Paano ka nakapasok kung ganon?" tanong ulit ni Louise. "Sumabay ako kay Gian." "Bakit hindi ka na lang sumabay ulit sa kaniya? After all siblings naman na kayo. Hahaha!" "Ayoko nga! Nakakainis yung gago na iyon. Magcocommute na lang ako." sagot ko. Nagkatinginan naman sila ni Andy. "Grumpy Maddie." sabay nilang sabi sabay natawa. Napairap na lang ako. Bwisit din itong dalawa na ito kainis. _ Nang mag-uwian ay nagpaalam na sa akin ang dalawang lokaret kong kaibigan dahil parehas silang lalabas kasama ang boyfriend nila. Kaya nandito ako ngayon sa labas ng school at nag-aabang ng taxi na masasakyan. Nang biglang may bumusinang kotse sa harap ko. Nang makita ko na si Gian iyon ay napairap na lang ako. Binaba niya ang bintana ng sasakyan kaya nakita ko ang pagmumukha niya at ang mukha ng girlfriend niyang si Elaine. "Tara na my little sister, Maddie. Aabutin ka ng siyam-siyam diyan sa kakaabang ng taxi." nakangisi niyang sabi. Napatingin naman ako kay Elaine. "Mas gugustuhin ko pang abutin ng siyam-siyam dito kaysa sumabay sa iyo." sabi ko. "Wag mong hintaying buhatin pa kita at sapilitang isakay, Maddie." sabi niya kaya inis akong sumakay sa may backseat ng sasakyan niya. Napangisi na lang siya. Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay wala kaming imik. Kaya nagsalpak na lang ako ng earphones sa tenga ko. Pero napapansin ko si Elaine na palingon-lingon sa akin na parang may gustong sabihin. "Uhm. Sorry nga pala sa inasta ng mga kaibigan ko sa iyo non sa café." sabi ni Elaine. Hindi ko na lang siya sinagot. Nagkunwari akong hindi siya narinig. Kahit na rinig ko naman siya kasi hindi naman ganon kalakas ang sound ng pinapatugtog ko. "Why? What happened?" biglang tanong ni Gian. "Nagkaroon lang ng konting commotion between them. Hehe. Pero napagsabihan ko naman na sila about it." sagot ni Elaine. Napabuntong hininga naman si Gian. "Buti naman. Tell them, next time don't pester my sister again." rinig kong sabi ni Gian. Teka tama ba rinig ko ha? Pinagtatanggol niya ba ako? "Yeah." simpleng sagot ni Elaine. Nang maihatid na namin si Elaine sa bahay nila ay dumiretso na din kami pauwi ni Gian. "I already called someone to fix your car hija. Don't worry." sabi ni Tito Derek. Napangiti na lang ako. "Thanks po, Tito." sabi ko. "You can also call me Dad, Maddie. After all we're family now." sabi niya. Ngiti na lang ang sinagot ko sa kaniya. Although, asawa na siya ng Mama ko. Hindi ko pa din kaya na tawagin siyang Dad. Parang mas komportable ako sa Tito. Siguro dahil matagal na akong walang tinatawag na ganon kaya naninibago ako na biglang may tatawagin ulit akong ganon. Nabalik ako sa wisyo nang makarinig ng nag-aaway na pusa. Na sinundan naman ng kung anong kalabog sa taas. Kaya nga agad akong napaakyat sa second floor. Ganon din si Gian. Nang makaakyat kami sa second floor ay tumambad sa akin si Mallows na kaaway ang pusa ni Gian na si Helix. Agad kong kinarga si Mallows at nilayo doon kay Helix. Kinarga din naman ni Gian si Helix. "Tell your cat to behave." sabi ko. "What can I do? Mukhang hindi nagustuhan ni Helix ang ugali ng pusa mo." sabi ni Gian. "Don't worry, Helix. I understand. Magkagaya talaga sila ng amo niya. Masama ugali." sabi niya sa pusa niya. "Aba at--" magsasalita pa sana ako kaso agad na siyang pumasok sa kwarto niya karga ang pusa niya. Bwisit ka talaga Gian. Kainis. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at nilapag si Mallows sa higaan ko. Tapos nagtungo ako sa baba at kinuha ang martilyo sa may toolbox na nasa garage. Tapos nakangisi akong bumalik papuntang second floor at tumayo sa tapat ng pinto ni Gian. "Masama pala ugali ha? Sige. Ipapakita ko sa iyo kung gaano kasama ugali ko." sabi ko at agad pinukpok ng malakas ang doorknob niya dahilan para matanggal ito sa pagkakakabit sa pinto. Agad naman akong tumakbo papasok ng kwarto ko. "MADDIEEEE!!!" rinig ko na lang na sigaw niya mula sa kabilang kwarto. Natawa na lang ako. Masama ugali ko, pero mas masama ugali mo Gian. Buti nga sa iyo. Mwahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD