Maddie's POV
"Ethan told me na 2 months from now daw eh birthday na ni Eirol? Korak ba?" tanong ni Louise. Nandito sila ngayon sa bahay at nakikitambay na naman sa kwarto ko.
"Oo." sagot ko.
"What's your plan?" tanong niya. Naisip ko na din iyan nung nakaraan pa. Kung ano ang gagawin ko para isurprise back naman siya. Kasi ako yung lagi niyang sinusurpresa. Siguro It's time na ako naman?
"Balak ko sanang pumuntang america para surpresahin siya sa araw ng birthday niya." sabi ko. Pero hindi pa naman ako sure kasi naisip ko pa lang naman.
"Good idea! Tamang-tama at sembreak iyon ah? Hahaha!" bulalas ni Louise. Yeah, kaya naisip ko din talaga ang plano na iyon kasi sembreak naman. Pwedeng-pwede ako pumunta doon. Magpapaalam lang ako kay Mama. Siya kasi may hawak ng passport at visa ko.
"Can we go? Can we go? Please?" pagmamakaawa ni Louise. Napatango na lang ako kaya napatalon siya sa tuwa. Balak ko din naman talaga silang isama kasi magpapatulong ako sa kanila sa pagsurpresa kay Eirol. Saka sila Ethan lang kasi ang nakakaalam sa address nila Eirol doon sa Miami.
"Yeyy! I'm so excited. Hihi. I'm gonna call Dad about it. Wait." sabi ni Louise at kinuha ang phone niya.
"Ang oa mo. 2 months pa naman ang bibilangin natin." sabi ko.
"Maganda na ang prepared kaysa hindi Maddie gurl." sabi niya sabay kindat. Napairap na lang ako. Kaya nga tinawagan niya na ang Dad niya.
"Heyy Dad!--Well, napatawag po ako para sabihing may balak po kaming pumunta sa Miami sa sembreak. I'm just wondering if we had a house there? Para doon na lang po kami mag-stay habang nandoon kami?--What? Wala tayong bahay sa Miami?--Omg. Okay bye Dad." inis na binaba ni Louise ang phone niya at bumaling sa amin.
"We don't have a house somewhere in Florida. Sa may California kami meron. Sa San Francisco. Kaso that's very very far away from Miami. So, I think hindi tayo pwede doon. 46 hours ang magiging byahe mula California to Florida." sabi niya.
"Hindi talaga tayo pwede diyan. Jusme. Saka na natin planuhin iyan kapag isang buwan na lang ang bibilangin. Masyado pang maaga para pagplanuhan iyan." sabi ko.
"You have a point." sabi ni Louise. Napairap na lang ako. Palibhasa masyadong excited ito sa lahat ng bagay eh.
_
Nang makauwi yung dalawa ay laptop ko agad ang aking hinawakan. It's been a week magmula ng busy si Eirol. Hindi ko lang sinabi kila Louise. Nung huling nagkausap kasi kami eh examination week nila kaya inintindi ko na lang baka kasi kailangan niyang magfocus sa studies niya. Pero araw-araw ko pa din naman siyang pinaalalahanan na wag kakalimutang kumain sa oras at wag papagurin ang sarili niya.
Nagtaka lang ako dahil naging offline siya ng halos isang linggo talaga. Kaya lahat ng messages ko sa kaniya ay sent lang. Ni isang reply sa messages ko ay wala. Nag-aalala ako para sa kaniya dahil baka kung ano ng nangyari. Pero inisip ko na lang na baka busy siya at wala siyang time humawak ng phone dahil nagrereview siya. Kaya inintindi ko na lang.
Niyakap ko si Mallows at nahiga sa kama. "Ano na kayang nangyari kay Eirol? Bakit walang paramdam? Ano sa tingin mo Mallows?" tanong ko sa pusa ko na tanging meow lang sinagot sa akin. Natawa na lang ako. Masyado na akong nahihibang. Pati pusa kinakausap ko. Hahaha!
Nang mapabaling ako ng tingin sa laptop ko ay napangiti ako nang makitang nag-online na si Eirol. Agad ko siyang chinat.
Me: Eirol!
Me: Tapos na ba exams mo? Kamusta? Nakapasa ka ba?
Me: Well, sana naman nakapasa kang tukmol ka. Kasi halos isang linggo mo akong hindi kinausap para diyan. ?
Me: Hoy! Eirol!
Nagtaka ako. Naseen na ni Eirol ang message ko pero hindi siya nagreply. Kahit na typing wala. Siniseen niya lang talaga.
Me: Hoy! Bakit seen lang?
Me: Ngayon ka nga lang nag-online diyan iseseen mo pa ako. ?
Me: Kung nandito ka lang sa tabi ko nakutusan na kita. ?
Me: Hoy! Eirol!
Me: Eirol!
Seen. Iyan ang nakalagay sa bawat messages na sinesend ko. Tapos nag-offline ulit siya. Bigla akong nakaramdam ng pinaghalong pagkainis at lungkot dahil doon. Naiinis ako kasi halos isang linggo siyang hindi nagchat sa akin tapos hindi man lang niya ako rereplyan ngayon. Nalulungkot naman ako dahil inaamin kong namiss ko siya tapos ngayong may pagkakataon na kaming magkausap ay sineseen niya lang ang mga message ko. Never niyang ginawa sa akin yan. Alam niyang magagalit ako. Pero bakit sineseen niya ako? May problema kaya?
Me: Bakit mo ako sineseen? May problema ba Eirol?
Me: Kung meroong problema sabihin mo naman sa akin. Para alam ko.
Nagsend akong message kahit offline na siya. Para kahit papaano kapag nag-online ulit siya ay makita niya ang message ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatihulog sa kama. Siguro napindot niya lang ang convo tapos nakatulog siya. Hays. Bahala na nga. Magchachat din naman agad sa akin bukas iyan kapag napagtanto niyang naseen niya messages ko accidentally.
Kinabukasan nang magising ako, cellphone ko agad ang tinignan ko para tignan kung nagchat na si Eirol. Pero halos malungkot ako nang makitang seen na naman. At ang masaklap, naka block ako. Bigla akong naguluhan. Bakit niya ako ibblock?
Agad akong lumabas ng kwarto at kumatok sa kwarto ni Gian. Ilang saglit pa ay lumabas na siya. Inis niyang mukha ang sumalubong sa akin.
"Bakit ba?" tanong niya.
"M-May number ka ba ni Eirol? Yung number nila sa US? Or kahit sa parents niya?" tanong ko. Napakunot noo naman siya.
"Wala. Ang number lang na meron ako sa kaniya ay yung nandito pa sila. Bakit hindi mo sa messenger contact'in. Tss." sabi niya.
"Ahh. S-Sige. Salamat." sabi ko at agad pumasok sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang phone ko at nagchat sa group chat namin nila Louise.
Me: Louise, Andy. Can you ask Ethan and Drex if may number sila ni Eirol sa US? Or kahit ng parents niya?
Ilang saglit pa ay nagreply na din ang dalawa.
Andy: Wala daw si Drex eh.
Louise: Same with Ethan. Bakit? Hindi ba sa messenger naman kayo nag-uusap? Bakit need pa non?
Hindi ko na lang sila nireplyan. Ayokong sabihin sa kanila na binlock ako ni Eirol. Gusto ko mang magpatulong sa kanila na ichat nila si Eirol at sabihing iunblock ako ay hindi ko magawa. Dahil paniguradong magtatanong sila kung bakit naka blocked ako kay Eirol. Maski ako hindi ko alam kung anong dahilan. Saka ayokong sabihin sa kanila dahil problema naman namin itong dalawa na magkarelasyon. Kung may problema nga ba talaga.
Siguro na-hack ang account niya kaya ganon? Oo. Baka ganon nga. Don't worry Maddie cocontact'in ka din agad niyan. Hindi ka matitiis niyan. Kilala mo si Eirol.
Naguguluhan man ako ngayon sa mga kinikilos niya, kailangan ko siyang unawain at magtiwala na lang sa kaniya. After all pinangako ko sa sarili ko noong nagkaroon kaming problema na mas pagkakatiwalaan ko na siya ngayon. Kaya iyon ang gagawin ko.