Andy's POV Sembreak na. At bukas na ng madaling araw ang alis namin papuntang Florida. Kaya nga nandito kami ni Drex sa grocery para mamili ng baon na pagkain habang nasa byahe. Basket lang ang bitbit ni Drex kasi hindi naman kami magdadala masyado ng madami para hindi hassle. Saka madami din namang bilihan doon panigurado. Buti nga pinayagan ako ni Mama eh. Palibhasa kasi si Drex ang nagpaalam sa kanila. Kapag ako lang iyan, nako for sure hindi ako papayagan. Siya nga yata talaga ang anak nila Mama eh. Hindi ako. "Kuha tayo pringles! Nakalimutan natin ang pringles." sabi ko. Tumango naman si Drex kaya nga nagtungo na ulit kami doon sa may snack section. Nang makakuha na akong tatlong pringles ay agad ko itong nilagay sa basket na hawak ni Drex. "Let's go. I think this is enough." sabi

