Maddie's POV "Take care of your sister, Gian." maotoridad na sabi ni Tito Derek. "Tss. May choice pa ba ako?" masungit na sabi ni Gian at binitbit na ang maleta naming dalawa saka sinakay doon sa may likod ng van. Sasakyan kasi namin ang gagamitin namin papuntang airport. Dadaanan na lang namin sila Louise. At oo, kasama ang tukmol na si Gian sa Florida. Wala talaga siyang balak sumama actually. Pinilit lang siya ni Tito Derek para daw mabantayan ako. Hindi ko naman na kailangan ng bantay. Kasama ko naman sila Louise. Pero hindi din naman ako makatanggi kay Tito Derek kaya hinayaan ko na lang. "Take care, Iyah. Yung mga bilin ko ha?" sabi ni Mama at yumakap sa akin na akala mo eh magtatagal ako ng ilang taon doon. "Yes, Mama." sagot ko. "Okay, sige. Ingat kayo. Baka mahuli pa kayo s

