Maddie's POV Nang lumipas ang ilang buwan ay nagbunga na din ang paghihirap ko sa pag-aaral. Dahil bukas ay magtatapos na kami ng highschool at kolehiyo na ako sa pasukan. Ngayon, nandito ako sa kwarto ko at kasalukuyang kausap si Tita Aubrey na nasa Norway ngayon. "Parang kailan lang tinutulungan pa kita magkulay ng assignment mo, ngayon gagraduate ka na ng highschool at magkokolehiyo na. Ang bilis talaga ng panahon. Hays." sabi ni Tita. Napangiti naman ako. "Oo nga po eh. Hahaha! Kamusta kayo diyan Tita?" tanong ko. "Okay naman. On the hunt pa din sa paghahanap ng forever." sabi niya at tumawa kaya natawa din ako. "Ayos iyan Tita. Dapat pag-uwi mo dito may ipapakilala ka na sa amin." "Aba, syempre naman. Hahaha!" sagot niya. "Ikaw? Kamusta ka? Kamusta kayo ni Eirol?" tanong niya k

